copied from http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/1207258/LOOKING+FOR+JOB+ABROAD
HOY! GISING!! GOBYERNO! KUMILOS KAYO! . . . .
Ating gobyerno walang ginagawang solution sa mga complaint ng OFW, pinapauwi lamang ang OFW
at ang employer ay abswelto na sa mga kasalanang ginawa nila sa OFW at ang talunang OFW mas pilinpiling makauwi para siguradong kaligtasan sa kamay ng mga dayuhan.
JOB ABROAD APPLICANTS
WARNING! these Agencies are very dangerous so don't take your risk on it and send me email to ofwvictim@yahoo.com for your comment and complaint details.
Please check these LOGO and information for your reference.
Ang tatlong agency na ito sa Pilipinas ay magkakasabwat at dito kumukuha ng tao ang TOWN
sa Sharikat at sa EL-MASSRI.
1. TOWN INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES,INC &
2. EL-MASSRI TRDG & MANP SVCS Private Employment Agency
3. SHARIKAT AL-SAEDI INTERNATIONAL MANPOWER INC Private Employment Agency
TOWN INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES,INC &
EL-MASSRI TRDG & MANP SVCS Private Employment Agency
G/F,2/F & 3/F, 1549 A.MABINI ST., ERMITA, MANILA
Tel No/s : 303-3668/303-1337
Email Address : town_intl@yahoo.com
Website : None
Official Representative : NA
Status : Cancelled
License Validity : 03/09/2004 to 03/08/2008
SHARIKAT AL-SAEDI INTERNATIONAL MANPOWER INC Private Employment Agency
R1570A MEZZ GEDISCO CENTRE 1564 A MABINI ST MLA
Tel No/s : 3030322 / 24/4006258/450020
Email Address : sharikatalsaedi@yahoo.com
Website : www.alsaedi.com
Official Representative : MS. EMAN A ABDELLAH
Status : Good Standing
License Validity : 11/17/2006 to 11/16/2010
TOWN Recruitment Agency
King Fahad Road.
Kingdom of Saudi Arabia
Sa sino mang makabasa nito ay sana paki FORWARD lang sa email ng lahat na kakilala nyo para
kumalatang mensaheng ito sa ating gobyerno, sa POEA, DOLE, DFA at iba pa at mabigyan na
pansin ang nangyayari sa mga OFW na nilalapastangan ang ating lahi.
Nakakaawa ang mga nare-recuit ng TOWN, lalo na mga pinay na halos di nakakalabas at di
pinapakain ng matino, walang matinong tulugan at sama-sama ng iba't ibang lahi na babae sa
isang kwarto, pinapakain daw sila kanin at asin nalang sa dami nila kabilang na ang ibang lahi,
Morroco, Indian, Indonesian, Pinay at iba pa.
Habang walang nakukuhang mga employer o bibili sa kanila ang TOWN ay itinatago lang ang mga
babae sa bahay ng may-ari ng TOWN at minsan ay ginagawang tauhan para sa sariling negosyo at
di sila nakakatanggap ng mga sulat mula sa kanilang kaanak sa Pilipinas o nakakausap man lang
sa telepono. Kapag may emplyer at gusto makita ang mga babae ay saka lang dadalhin sa opisina
ng TOWN at doon mamimili ang mga employer at babayaran sa TOWN sa di malamang halaga, naawa ako pero wala ako magawa dahil sa isa rin akong biktima.
Ako po ay isa sa mga nabiktima ng TOWN na ito noong 2001 sa Saudi Arabia, dumating ako sa Riyadh
2001 ay wala pa ang TOWN dito sa Pilipinas at naitayo ito noong 2002 o baka mas maaga pa.
Kaya mas marami na sila mabibiktima dahil nakarating na ito sa Pilipinas.
Ako ay di pinasahod sa loob ng 7 months at binenta pa kami sa mga bagong employer sa halagang
5,000 hanggang 15,000 Riyals pati narin ang iba pang mga nationals, nagtatrabaho kami sa TOWN
pero di pinapasahod, habang nagtatrabaho kami sa TOWN recruitment agency ay hinahanapan palang
kami ng employer kaya doble pakinabang ng TOWN sa amin, kumita na sa pagbenta sa mga employer
at nagamit pa ang mga OFW sa sarili nyang mga negosyo. Ang may-ari ng TOWN sa Saudi Riyadh ay
si ABDUL RAHEEM Al QARAWI pero ang TOWN sa Pilipinas ay di ko alam kung nakapangalan kay
Al QARAWI ang alam ko may tauhan syang Egyptian sa Pilipinas.
Kaya kaming mga lalaki ay pwedeng lumabas at napipilitan kami mamalimos sa kapwa OFW para
makakain lamang, at kami narin bahala at gumawa ng paraan kung saan kami matutulog, hanggang
sa pinakawalan na kami ng TOWN pero wala kaming IQAMA at kami na ang bahala maghanap ng employer namin.
Kapag nakahanap na kami ng bagong employer ay dadaan parin ang bagong employer sa TOWN para
ayusin ang aming legal dobuments at saka palang maaayos ang aming IQAMA depende pa iyon sa
employer, pano kung di kukuha ng IQAMA ang bagong employer lalo na sa mga katulong na di naman
namo-monitor dahil sa bahay sila magtatrabaho, so lalabas na TNT sila diba? kaya mas lalong
kaawa awa ang mga babae na recruit nila dito sa Pilipinas.
Kaya nang makuha ko na ang IQAMA at lumipas ang ilang buwan sa bago kong employer ay malakas
na ang loob ko at handang umuwi ng Pilipinas kahit walang pera. Sinubukan kong mag complain
sa POEA pero marami silang hinihinging dokumento at di ko iyon nai-provide kaya tumigil nalang
ako dahil sa wala akong perang pantustos para mag complain.
kaya ginawa ko inuna ko muna sarili ko at ayusin ko ang buhay ko, kaya patawad sa mga nabiktima
ng TOWN at ngayon ay muli kong ipapaalam ito sa lahat dahil sa nakita ko na patuloy na nagre recuit
at nakakakuha ng lisensya sa ating gobyerno ang tanurang recuitment agency.
Kaya kung sino man ang nakaranas sa agency na ito ay sana magkaisa tayo para makasuhan ang
may-ari at mga nag-o operate nito. Dahil sa walang lakas ang isang tao kahit mag complain pa
sa gobyerno natin.
MAG-INGAT SA MGA RECRUITMENT AGENCY LALO NA SA AGENCY NA NAKA LISTA SA ITAAS.
MARAMING SALAMAT PO.
NAGMAMAHAL SA INYO,
OFW/EXPATRIATE
ofwvictim@yahoo.com
copied from http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/1207258/LOOKING+FOR+JOB+ABROAD