| Advertisement ID | : | 1345520 |
| Category | : | Books |
| Ads Classification | : | For Sale |
| Price | : | |
| Condition | : | Brand New |
| Date Updated | : | November 23, 2009 (posted May 7, 2009) |
| Short URL | : | http://sulit.com.ph/1345520 |
Available at National Bookstore!
Ang May-Akda
Nagtapos si ELLEN SICAT ng Business Administration sa University of the Philippines. Nagsimula siyang sumulat sa edad na 57. Mula noon, nakasulat na siya ng apat na nobela: Paghuhunos, Unang Ulan ng Mayo, Kilapsaw, at Ang Aking Gubat. Ang Unang Ulan ng Mayo ay nagkamit ng Palanca grand prize sa nobela noong 2005. Ang Paghuhunos (University of the Philippines Press, 2001) ay napiling Best First Book na iginawad ng UP Creative Writing center at Madrigal Gonzales Family noong 2002.
Ilan sa kaniyang maikling kuwento ay tinipon sa Alimuom (Ateneo Press, 2003). Nasama ang iba pa niyang kuwento sa Paglusong at Pag-ahon (Ateneo Press). Kuwentong Siyudad (Ateneo Press), Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kuwento 1998, 1999 at 2000 (UP Press), at Ani (Cultural Center of the Philippines). Ang dalawa niyang screenplay, Mga Kamay at Estelle ay parehong finalist sa Star Cinema Scriptwriting Contest. Sumulat na rin siya ng dalawang nobelang romansa na inilimbag ng Precious Pages Publishing.
Balo si Ellen ni Rogelio Sicat at ina ni Luna Sicat, kapwa manunulat.
Unang Ulan ng Mayo – Ellen Sicat
Bumuhos na naman ang ulan habang nagkukuwentuhan kaming mag-ina...
“Ang sampay, ang sampay!” hiyaw ko sa bunsong babae.
“Sinilong ko na, kanina pa.”
“Uy, si Mama, sumisikat na,” biro ng panganay.
Arawi’t ulaning sampay, isilong na’t baka matigmak sa ulan – Tatagulaminin sa sandaling di mahanginan –
“Di si Mama artist na rin,” may kindat na sabit ng bunsong babae.
Walang kibong pinuntuhan ko ang computer. Binuksan iyon at nagsulat.
May himig – pati hininga ng dahon at ugat. May anyo – kaluskos ng hangin at kidlat. Iluluwal na kulog – akin nang nakausap.
Atik-atik ang patak ng ulan. Matagal tumigil ang ganitong klaseng ulan. Ito’y hindi na unang ulan ng Mayo. Mas malamang na ito’y siyam-siyam...
| Posted by | : | ausicat |
| Member Since | : | April 7, 2007 |
| Last Login | : | 2 days, 2 hours ago |
| Feedback | : | 1 100.00% [ 1 - | 0 - ] [ Details ] |
| Address | : | DilimanQuezon City |
| Contact Nos. | : | (632) 4535927 |
| Look For | : | Aurora Sicat |
Discussion RSS Feeds ] 
