copied from http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/1757787/BEWARE+OF+THE+NOKIA+N95+SCAM%21%21%21%21
To everyone who will be reading this:
Beware of this group called bugo2 gang, who's main scheme is to used an N95 replica (like that used in malls, even upclose u wont be able to tell the difference as it is heavy and looks like the original) that they will offer to u for swap or for sale in a low price.
Una nilang ipapakita ung original na N95, ipapahawak pa syo para mapatunayan na tunay. Pagka mag swap na kayo, ung gawa na sa lata na may tinggang pabigat sa loob ang ibibigay, kunwari tanggalin muna ung sim card, tapos iabot sayo, syempre naka off. pag i try mo na i turn on , hindi na bubukas sabihin sayo baka low batt, kasi hindi naman kasama ang charger sa palitan, pag pinasuri mo na saka mo malalaman na fake pala, buti nga sana kung china phone eh, hindi eh, peke talaga, replica lang ng phone, kamukang kamuka, halos kasimbigat pa.
Ung nambiktima sa kapatid ko, ang pakilala, taiwanese kuno na hindi marunong mag tagalog at konti lang alam na english. Ang drama nya ay na scam daw sya or nawala amg lahat ng gamit, kaya ibenta sayo ung cp nya na N95 para pampamasahe nya daw. Una nyang itry ibenta sa 4000. then sa 2500. pag kumagat ka at binigay mo ung pera, ang bilis mawala, wala pang 5 seconds. Matapang ang mga ito, kasi sila pa pumunta sa lugar namin, sa tindahan ng ate ko. pasalamat sya di sya naabutan ng mga nagtangkang humabol. Kung mabasa mo man ito, or kung sino man na kasamahan ng taong un, may makakahuli din sa inyo, sana hindi kayo tuluyan para mapagsisihan nyo sa kulungan ng matagal ung pangloloko nyo. Pinagtrabahuhan ng tapat at matuwid ung perang ini scam niyo, makunsensya naman kayo.
Sana mag ingat lahat ng tao na makabasa at ipaalam niyo din sa iba pa para wala na silang maloko at mahuli na. salamat.
copied from http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/1757787/BEWARE+OF+THE+NOKIA+N95+SCAM%21%21%21%21