KAISAHAN VILLAGE TANAUAN CITY, APPROX. 6000 METERS FROM TANAUAN MARKET, 5 LOTS WITH TITLE 87, 92, 94, 96, 96SQM, 135THOUSAND EACH CONTACT FELIX 09279332538
Sir meron po ba magkatabi na dalwang lote? magkano po per square meter kasi hindi naman pare-pareho ang sukat. Malinis po ba ang papel at updated po ba ang bayad sa amilyar? Interesado po ako
Para po sa kaalaman ng lahat, ang mga lote na may titulong nakapangalan sa Kaisahan Village Homeowners Association ay nakasangla pa sa National Home Mortgage Finance Corporation bilang bahagi ng Community Mortgage Program. Ang mga ito ay hindi pa tuluyang pagmamay-ari ng sinuman kundi ng asosasyon lamang. Kung titulado naman ito, siguruhin lamang na ito ay hindi bahagi ng 45 titles na questionable ayon sa NHMFC at tinatawag nilang "illegaly taken". Dahil sa ito ay proyektong CMP, tanging paglilipat lamang ng karapatan at hindi bilihan ang pinaiiral. Sa mga nagnanais magkaroon ng lote dito sa Kaisahan, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa KVHAI Office na matatagpuan sa Bagumbayan, Tanauan City. Ito ay para sa inyong kaukulang proteksiyon. Walang sinumang tao o ahente ang itinalaga ng asosasyon para sa anumang transakyong sangkot ang Kaisahan. Ang paalalang ito ay mula sa KVHAI BOARD OF DIRECTORS
maaaring kasama o hindi ito kasama sa 45 titles na questionable...pero paanong ang isang titulo ay naging "ilegally taken" kung ito ay may "rights" or "title"..ibig sabihin pala itong ibenebenta ay maaaring "rights" lamang....ngayon lang po ako nakakita na ang isang lupa ay maaaring magpa-title kahit na "illegaly taken" at nasa direktang pangangalaga pa ng NHMFC, paano pa kaya kung ang lupa ay hindi sakop ng NHMFC at ng isang organisayon. Syempre ang isang buyer na tulad ko mag-inquire na muna sa registry of deeds kung ang isang titulo ay tunay o peke...kung peke...dapat ang nagbebenta ay maaring kasuhan...INGAT NA LANG PO sa mga vendor at ganun na rin sa mga buyer..ONLY IN THE PHILIPPINES
Salamat po sa inquiries at sa mga message po ninyo, para po sa inyong kaalaman, ako po ay napagkatiwalaan lamang ng aking dating classmate, Mr. Henry Hidalgo na taga Tanauan kasalukuyang naninirahan sa New Zealand kasama ng kanyang pamilya, para idispose ang kanilang mga ari arian dito sa Pilipinas, Hindi ko po gawaing manloko ng tao, maaari pong totoo na ang mga lupaing ito ay nasa pangangalaga pa ng anumang ahensya ng gobyerno pero ang pakakaalam ko po tulad ng sinasabi ko sa ibang nagtatanong ito ay may 6 taon pang bayarin pero updated po ang pagbabayad ng pamilya Hidalgo. Kung kayo sana ay nagtanong muna malalaman po ninyo na ang kanila pong pamilya ay may mabuting reputasyon at may dalawa pang house & lot dyan sa Tanauan. Paki check po ninyo ang mga l;ote ng mga Hidalgo dyan. Maraming salamat po.
"illegally taken"....this is how nhmfc described the case of the 45 titles during the KVHAI-NHMFC public forum held in Kaisahan sometime during the 1st or the 2nd quarter of this year, considering that these are part of the 840 (more or less) lots of Kaisahan mortgaged with the government. The BOD speaks for the case of Kaisahan only. Para po sa inyong malaliman pagsasaliksik, bukas po ang NHMFC sa anumang katanungan o paglilinaw. Ang patalastas po ng BOD ng KVHAI ay para sa kabatiran ng lahat at walang intensiyong maghusga o magbigay pangalan sa sinuman. Hangad lang ng BOD na maabot ang nakararami sa pamamagitan ng teknolohiyang ito. Hangad po namin ang inyong pakikipagtulungan. Hindi lamang po 10, 20 o maaaring humigit at kumulang ng isang daan ang mga kaawa-awang kasapi o benepisyaryo ang napagsamantalahan. Kung tawagin nga ito ng marami ay hindi na Kaisahan kundi "Naisahan" o "Pinagkaisahan". Para po sa malalimang impormasyon, maaari po kayong makipag-ugnayan sa tanggapan ng KVHAI para makita ang totoong katatayuan at kwento sa likod ng payak na pamayanang ito. Sana po ay makatulong namin kayo sa patuloy na pagsasaayos ng kapakanan ng kasapian ng KVHAI. Kung inyo pong mamarapatin, pwede po bang malathala ninyo dito ang Blocks at Lot numbers ng nasabing mga lote? Isang beses lamang po kc lalabas sa talaan ang Henry Hidalgo dahil ipinagbabawal po ng CMP ang magkaroon ng mga lote sa ilalim ng iisang pangalan. Single lot granting lang po ito. Ito po ay upang matukoy ang pangalan ng apat pang nakapaloob sa 5 lote. Maraming salamat po.
message updated last September 30, 2008 09:35PM
Mangyaring mag-abang lamang po sa pahayagang SOUTHERN TAGALOG FORUM para sa mga patalastas hinggil sa Kaisahan. Dito po nilalathala ang mga patalastas hinggil sa mga kasaping maituturing ng "delinquent" sa pagtupad ng kanilang obligasyon bilang mga kasapi or sa pagbabayad ng amortization sa kanilang mga lupang hinuhugan. Ang mga napapabilang sa talaang nalalathala ay mga kasaping di tukoy ang address o pahatirang sulat AT 'delinquent payors", kung kaya't anumang pahatid sulat ay bumabalik lang sa KVHAI bilang RTS (return to sender). Sa constitution and by-laws ng KVHAI na inaprubahan ng HLURB, malinaw nag isinasalarawan ang "delinquent member" bilang hindi nakakabayad ng kaukulang obligasyon sa magkakasunod ng 3 buwan o higit pa. Kung sa loob ng 3 publications ay walang katugunan ang kasapi sa pamamagitan ng pag-update ng kanilang obligasyon, ang kanilang mga pangalan ay masasama sa impormasyong ipinadadala sa NHMFC para sa kaukulang aksiyon.