copied from http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/797626/Internet+Cafe+Business+Tips
Sa mga nagnanais magtayo ng kanilang Internet Shop o Computer Café ito ang ilan sa mga bagay na dapat isa-alang alang bago ka magdesisyon na magsimula sa ganitong negosyo.
1.Walang biglang yaman sa ganitong negosyo. Tulad ng lahat ng negosyo at mga investments, aabot ka rin ng ilang buwan bago mo masabi na meron ka nang mga regular customers. Mamuhunan ka rin ng panahon para ito ay mapaunlad.
2.Hindi mo kailangan ng super mahal at latest computers para lang tumakabo ang iyong negosyo. Dapat laging isaalang-alang ang iyong budget. Ang mahalaga ay meron kang sapat na bilang na mga computers upang ma-accommodate ang mga customers mo at maganda ang performance ng mga gamit mo.
3.Kailangan marunong makitungo sa tao ang bantay mo at sino mang namamahala sa iyong negosyo. Mas babalik syo ang iyong customers kung ma-PR ang iyong bantay.
4.Resonable ang iyong presyo at meron ka dapat mga gimik or promo para lalo kang puntahan. Meron ka din dapat lahat ng services na hinahanap. Madalas ang rental sa computers ang siyang sasagot sa everyday operational expenses habang ang iyong iba pang serbisyo tulad ng Printing, Scanning at Desktop Publishing ay siyang magbibigay syo ng kita o income.
5.Dapat maganda ang lokasyon mo at madaling makita at puntahan. Gumamit ng mga signages at tarpulins para malaman ng mga tao ang iyong mga serbisyo
6.Marapat din may alam ka sa computers. Kung may oras ka, mag-enrol sa mga computer crash course para matuto ng basic troubleshooting. Malalaman mo na maraming problema sa computers na kayang-kaya mong gawin at hindi na kailangang magbayad sa computer technician
7.Alam mo dapat kung sino ang target customer mo. Marami sa mga customers ang ayaw ng maingay habang may iba naman na trip ang malakas na sounds.
8.Updated ka dapat sa mga bagong games, trends at technology upang hindi ka mapag-iwanan.
9.Dapat mapagkakatiwalaan ang mga tao at bantay mo sa shop.
10.Isa-alang alang lagi ang electric bill.
11.Pag-aralang mabuti ang negosyo. Maari kang magsimula sa kakaunting budget lang para masubukan mo ito at sa ka nalang mag-expand pag kabisado mo na ito
12.Tiyakin ang seguridad ng lugar. Maraming mga shops ang target ng mga magnanakaw. Kung makabibili ng property insurance, mas mabuti.. Protektahan mo ang iyong investment gaya ng pagprotekta mo sa iyong buhay.
13.LEGAL SOFTWARES. Mas maganda kung pasok sa budget. Kung hindi naman, pwede isa-isa mo silang bilhin. Tandaan, hindi naman tatanungin ng mga customers mo kung legal ang iyong mga softwares at hindi rin ito magdadagdag sa iyong kita. Pero kinakailangan hindi ka pirated kung ayaw mong pasayawin ka ni Edu Manzano ng Papaya dance.
14.Paghandaan din ang mga sumusunod na requirements: DTI Registration, BIR Permit, Mayors Permit, Barangay Clearance, OMB certification.
15.Magsurvey kung ano ang mgandang internet connection sa inyong lugar. Dapat isa-alang alang ang presyo ng service, stability, at higit sa lahat ay customer service.
Para sa iba pang mga katanungan at mga konsultasyon sa pagtatayo ng computer shop business, maari po kayong tumawag sa 926-3317 o magtext sa 09052279293. Just look for James. email jamanz18@yahoo.com
Bumubuo rin kami ng mga internet shop at mga computers sa abot-kayang halaga. Iwan n'yo lang po ang inyong email address at kung magkano ang inyong budget at padadalhan naming kayo ng sample computation.
Sample computation: 76k budget
5 brand new gaming unit with 17inch flat crt monitor (gaming units)
1 Server unit (fdd drive and dvd burner)
Installation ng mga Online Games, Lan Games and Microsoft Applications
Networking and cabling (includes router, hub, cable wire at rj45)
System timer (optional)
Printer (optional)(w/ CISS)
Scanner
Photopaper, Blank CD and DVD
Basic trouble shooting and maintenance
Insurance coverage (new offer)
copied from http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/797626/Internet+Cafe+Business+Tips