Ano ang Mas Business Friendly? Blogspot o Multiply?
Nag papaplano kami gumawa ng website para sa business, pero di namin alam kung ano ba talaga ang mas business friendly.. help.
Message appended on September 21, 2009 10:37AM
im looking forward to have blogspot pero nag iisip pa talaga ako.
If hindi "online publishing" business mo, separate domain ka dapat.
Hindi bagay ang blogspot.com or multiply.com if you want a separate identity for your business. Kung blogspot or multiply ang gagamitin mo, ano ang email address mo? Siyempre iba dahil hindi sa iyo yung domain. Malimit gmail o yahoo mail ang gagamitin mo.
Halimbawang, negosyoko.com.ph ang domain na pinili mo. Yung email mo puedeng manager@negosyoko.com.ph. O di ba, mas professional ang dating.