Kayo po ba'y naniniwala na kapag tumanggap kay Cristo na tagapagligtas siya ay ligtas na at hindi kailanman mapaparusahan sa mga kasalanan na nagawa na?
naniniwala po ako dahil po ito ay kanyang promise unless po na deliverately lumayo tayo sa kanya at hindi na bumalik.
ang dahilan na pumarito ang Dios sa lupa ay para tubusin ang ating mga kasalanan upang hindi tayo maparusahan sa ating mga maling nagawa.
Hindi once saved always saved ang sinasabi mo, ang Baptist kasi kahit magkasala sila ng matindi like adultery, fornications or corruptions saved pa rin sila. halimbawa po lumubog ang sinakyan natin barko at naisave po tayo dahil nakasakay po tayo ng life boat. kung tumalon o nahulog po si baptist at hindi nakahabol sa life boat hindi po siya masesave. pero kahit po gaano kalalim siya nahulog kung makakaabot po siya sa sasakyan syempre po save pa rin siya.
sa sinabi nyo po naniniwala po ako kahit >1000 ang babae, >1trillion po ang ninakaw ni baptist ay masesave pa rin kung magbabalik sila sa Dios dahil ang purpose po ni Jesus ay para isave po ang mga makasalanan. bilang mananampalataya kay Jesus kailangan pong maniwala sa kanyang mga pangako na lilinisin po tayo.
kayo po save na po ba kayo?
kailan po ang huli ninyong pagkakasala?
Mali yang illustrations mo matagal ko ng kinontra yan, we are talking about sinning, yong kasalanang nakakamatay. Dahil merong kasalanan na hindi naman nakakamatay.
Wag mo akong daanin sa ganyan alam ko yan, dati akong Ministro ng Southern Baptist, church of the eletist. ano po ba ang mga kasalanan na nakamamatay? sa pagkaalam ko po ay mga kasalanan na hindi napatawad. ano po ang gusto nyong ipaliwanag dito?
ang problema po yung mga sinasabi nyo po ay walang paliwanag at nagdadadag pa po kayo na mga bagay na lalong nagpapalabo ng usapan.
isa pa po hindi po kayo sumasagot sa mga tanong na dapat magbigay liwanag sa pinaguusapan po natin.
wala na po bang pagasang pumunta sa langit ang baptist na may >1000 na babae o lalaki, nagnakaw ng >1 trillion, pumatay na 1 billion?
saan po mababasa na ang mga ito ay hindi na kayang o dapat patawarin pa ng Dios?
dati po pala kayong ministro. noong nagaaral pa po kayo ng pagkaministro hindi nyo po ba naisip na tama o mali ang inyong binabasa at umabot pa kayo sa pagiging ministro?
masyado po kasi tayong umaasa sa religion at hindi po Spirit ng Dios.