oo nga naalala ko nagpapabayad pa ng piso ung kapitbahay namin noon kapag manonood ung mga bata ng movie.
hahaha,, sa probinsiya uso ang ganyan. piso isang tao. meron pang nakapaskel na papel sa labas kung ano ang showing that night. haha..!
Message appended on September 22, 2009 10:03AM ah oo meron hanggang ngayun nasaakin pa yung beta max working sya kaso yung head marumi na, ginagamit ko Sony ang brand nito.
yes SONY din ang brand ng beta player namin. i believe yung brand ng SONY lang ang available nuon i'm not sure..
ang paglinis madali lang.. buksan mo lang ang kaha ng Betamax player.. tapos ang head drum niya eh punasan mo ng bulak na binasa ng alcohol..
Message appended on September 22, 2009 10:05AM Di ko naranasan ang betamax.... Vhs ang nagkaroon kami....
nung lumabas ang VHS parang ayaw namin. kasi ang dami naming bala ng BETAMAX.. sayang naman kung bibili pa kami ng VHS eh size lang ang nagbago.. pero yun nga kalaunan nalaos ang betamax at lipatan kami ng VHS.. naka 2 VHS player ako nito. hehe..
Message appended on September 22, 2009 10:07AM Oh yes tapos naalala ko mayat maya pumupunta kasmi sa Tape rental shop hehehehehehehe
hehehe.. mga bata pa din kami nuon nung nagpupunta kami sa rental shops sa Magallanes.. ang sarap manood nuon hiram ka lang ng hiram pagkatapos. .hehe.. tanda ko may napanood pa kami ng pelikula ni Charlie Brown-Snoopy.. naghahanap nga ako ng copy nun pero di ko tanda ang title.. hehe..
Message appended on September 22, 2009 10:10AM
opo meron po kami nito noon. ang cute...nakikinood kapitbahay kasi konte lang meron samin..
kuya ano po yung kilala sa ihawan betamax pa rin? aga pa kasi my nuerons are not working masyado pa need some coffee siguro hehhehe
ahh. hehe.. ito yung "dugo" na square shape siya kapag nahiwa-hiwa.. nakatusok sa stick na siguro 3pcs each.. Dugo ng chicken ata or pig.. anyway it's animals blood na iniihaw din.. BETAMAX ang tawag.. sarap na sarap ako dati dito pero sa ngayon di na ko kumakain nun. hehe.. parang biglang naging maselan ako. hehe..
Message appended on September 22, 2009 10:12AM may betamas at vhs ako gumagana pa, kaso yung beta marumi na head
linis lang bro.. open mo lang ang case. punasan mo ng bulak na soaked with alcohol tapos yun ang ipunas mo hanggang luminis.. baka mabenta pa as vintage appliances.. hehe.. ako din nakatabi pa ang VHS ko. pero yung betamax ala na..