Hindi ko to dapat e share kasi too personal na pero,kailangan ko kasi ng advice.May Kaibigan ako we've been friends for years. He helped me through sending me to school.Naging malaking bahagi na talaga sya sa buhay ko.Noon pa man kaibigan lang talaga ang turing nya sakin kahit may gusto ako sa kanya.wala rin syang plano mag asawa.Nangyari nga na may gf sya,hanggang sa akoy naging isang single mom,andun parin sya,tinulungan nya ako,pati sa apelyido ng anak ko ang pinagamit nya.Nagkahiwalay sla ng gf nya dahil sakin ,kc nagselos ang babae,Nakayanan nyang ipagpalit ang gf nya for me.Mahal ko sya OO,at sabi nga nya mahal nya rin ako.Pero wala naman kaming serious relation,Hindi ko sya bf at hindi nya ako gf ,pero yun nga nagmamahalan kami.Wala naman syang sinabi na kami na.Kaibigan pa rin kami.walang namamagitan sa amin,talagang ayaw nya lang ako mawala sa buhay nya,dahil daw pag nawala ako,ikamamatay nya.Masaya lang talaga sya na tulungan ako.
Ngayun nga ang nangyari,may nakilala ako,ayun sinabi ko sa kanya,di ko akalain na magseselos sya,ayun muntikan na syang lumayo.Pero na saved pa rin ang friendship namin.Na shock ako,kasi sinabi nya na pakakasal kami,pero not sure naman kasi nga wala kaming relasyon,oo nga sabi nya mahal nya ako,at napatunayan naman nya yun,pero paano kung wala naman kaming relasyon na kami talaga?Etong bago kung nakilala,may relasyon kami,pinakita naman nya na talagang interisado sya,handa nyang tanggapin ang anak ko.ako lang ang pinapapili nya kung mamahalin ko ba talaga sya ,handa pa rin nya akong tulungan anuman ang maging desisyon ko.Pero eto nga naguguluhan ako kung sino ba ang pipiliin ko?anu ang dapat kung gawin?sino ang dapat kalimutan ko ?sana kahit kaunting advice.thanks