It has been 3 months since namatay ang sister ko due to liver failure, and up to now, I still think about what happened to her, kakatrauma, lalo na when you see someone so close to you dying, as in until her last heartbeat. Share ko lang yun mga pangyayari sa hospital.
She was confined on July 20, 2009 at Metropolitan Hospital,9am at the ER. Ang tagal bago nagkaroon ng room, umabot na ng hapon, dumating ang doctor ng 3pm. On her first day pa lang, the doctor said her condition was very critical. I thought yun critical na sinasabi ng doctor was curable naman, na may chance pa. On Wednesday, nakausap ko na mismo ang doctor, ako lang kasi ang bantay don. The doctor told me, " To tell you honestly, your sister might not make it." Parang may sumaksak sa akin yun narinig ko yun, tears began to fall, pero nilakasan ko pa rin ang loob ko. I asked kung may ibang way pa, liver transplant lang daw ang only way, pero sa condition niya ngayon, malabo, kasi we have to wait na maging stable siya, e dadalhin na siya sa ICU that time, so the doctor told me to call my family na. Nakakaawa tignan sis ko, sinaksakan siya ng tubo sa ilong. She was conscious that time, crying, ayaw daw niya, masakit daw. We can't do anything but to cry seeing her pain. The next day, medyo nag ok siya, nakausap pa namin siya, gusto na nga daw niya umuwi. Friday came, hindi na siya conscious, di na namin siya nakakausap. Parati lang namin sinasabi na kaya niya yan, konting tiis na lang at makakalabas na siya ng hospital. Nilagyan na siya ng intubator. Hiniwa yun sa kamay niya para may makuhang dugo. Ang dami ng nakasaksak sa kanya, mas malala pa siya sa mga matatanda. Nagbleeding na siya, daming dugo lumabas sa mouth niya, as in 2 gallon. Dumating ang Saturday, ito ang pinakamatindi. Sinabi na ng 3 doctors hindi na siya aabot sa gabi. Wala na siya blood pressure. Heartbeat na lang niya ang meron na makina din ang tumutulong. Umalis ang parents ko at inasikaso na nila yun mga dapat asikasuhin. Kami ng brother ko ang naiwan. Pinapapirma kami ng waiver kung irerevive pa kung nag 0 ang heartbeat. Nag-away kami ng brother ko, gusto pa kasi niya irevive, so nagtalo kami don, na papahirapan lang niya sis ko. Coma na siya eh, as in wala na talaga. Tumawag ang mom & sis ko, wag na nga raw irevive, so pinirmahan ko yun waiver, pati yun mga gamot, isa isa ko pinirmahan na stop na, nanginginig ako habang pinipirmahan, habang tumutulo luha ko. Ang hirap pala.Maya maya, dumating na rin ang ate ko, biglang nagdrop down to 20 ang heartbeat ng sis ko, then nag 0, then up again to 20, paulit ulit, mga 5 times, malamang inaantay yun parents ko dumating. Then sinabi ng ate ko, kung gusto mo na umalis, ok na, sige kami na bahala kay mami & daddy. Ayun, biglang nag 0 na ang heartbeat...wala na siya...Hindi na naabutan ng parents ko, mabuti na rin siguro yun kasi baka may masama pa mangyari sa kanila.
Ang hirap pala, na up to now, pag naalala ko yun lahat ng pangyayari, naiiyak pa rin ako. She was so young kasi, siya pa naman ang bunso sa amin. Pero ganun talaga eh, hanggang doon na lang ang buhay niya. She's in a safer place now, more peaceful place.
I miss her so much.
Kayo mga kaSulit, ano mga experience ninyo about sa ganito? Have you seen someone up close na namatay?
Ayan ka na naman!
Last time kinwento mo to sa akin muntik ako maluha. pinigilan ko lang.
May mga na-encounter na ko sa mga rescue namin pero kahit ibang tao sila mapapaluha ka pa rin.
How come kung family mo pa? Huwag naman po sana.