kung susuriin mo kasi ang katayuan ng mayaman at mahirap mayroon silang magkasalungat na interes...ilagay natin sila sa kongkretong halimbawa:
mga manggagawa na kulang na ang sweldo(mahirap) , tinatapakan pa ang karapatan ng kanilang amo(mayaman)...ang mangyayari, itataguyod at ipaglalaban ng manggagawa ang kanilang karapatan at sasalungatin naman ito ng mayamang kapitalista...mapupuno na ng conflict
hindi talaga magkakasundo ang mahirap at mayaman dahil ang mahirap naghahangad ito na mabahaginan sila ng yaman ng bansa na malaking porsiyento ay pinakikinabangan ng iilang pamilya lamang pero ang mayaman ay gagawin ang lahat upang mamaintain ang status quo...kaya makikita mo ang mayayaman kinakailangan nilang kunin ang kapangyarihang pampolitika upang mas mapalakas ang kanilang economic power...