nissan sentra 89 model (boxtype)
mga sir,,, naninikit yung preno...
pinacheck ko sa mekaniko.. palit repair kit sa 2 gulong sa likod... ok na...
after a day or two,, naninikit uli...
pinachek ko sa mekaniko (uli), palit repair kit sa 2 gulong sa harap.. pati repair kit sa master pinalitan na rin.. ok na (uli)...
after a day or two (uli),,, nanikit na naman...
pinacheck ko (uli) sa mekaniko.. adjust push rod, pati ung screw sa likod ng hydrovac na adjust na rin.. bleed uli.. pro pag test drive ko. after 45mins of driving,, nanikit pa rin...
ano po kaya ang me sira?
napansin ko po kasi malambot masyado yung preno.. parang delayed ung kagat.. pos habang tumatagal sa pag drive tumitigas naman hanggang sa "tukod" na sya,.. ipit na yung apat na gulong... lahat ng gulong umiinit...
posible po kaya na kailangan ng palitan yung hydrovac?
help mga sir... ]
salamat!!!
Yung preno sa harap, yan pinapalitan yan, ng brake pad, kapag nanikit, delikado ito at dapat mong sigurong tasahan ang iyong brake dish din, tapos ipacheck mo na rin yun oil seal mo sa may preno, tapos yung salikuran, ito ay kinokontrol ng handbrake, at pinapalitan ito ng brake shoe, bihirang palitan ito, napapalitan lang ito kapag, naitakbo mo madalas ng nakabrake, kaya malamang pudpud na rin ang brake cylinder mo sa likod, baka palitin na rin, then check mo rin ang breaking mechanicsm nito, ang oil seal, at yung brake drum, baka palitin na. At kapag napalitan nya yan, kung hindi kakagat kaagad ang brake, then you have to replace the braking mechanism sa may lagayan ng break oil, baka kasi yung rubber doon ay worn out na or yung spring. Kapag hindi pa rin iyan naayos, palitan mo na ang mekaniko mo.