Meron akong relative, ewan ko ba, naaawa ako sa kanya. Nursing ang course niya, pero tumigil siya sa pag-aaral dahil sa problema niya sa hygiene. She has a severe halitosis or severe bad breathe. Ayun, tinutukso siya sa school, kasi nga naman, yung kurso na kinukuha niya ay mahalaga na makita sa kanya na may good hygiene siya. Hindi niya daw makayanan ang tukso sa kanya ng mga kaklase, at kung sino-sino pa doon. Huminto siya sa pag-aaral dahil sa problema niya. Nagpakonsulta na siya sa madaming doctor, halos lahat ng ipon niya, binili niya ng kung ano-ano, malutasan lang ang problema niya, pero ewan ko ba, parang mapagbiro sa kanya ang tadhana. Yung ipon niya eh ubos na din, kaka pa-doctor. Hanggang ngayon, meron pa din siyang halitosis.
Sa ngayon, hindi niya alam kung paano siya makakatulong sa pamilya niya, may pangarap pa naman siya na makarating sa ibang bansa at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Tanong nga niya sa akin kung, pwede daw bang mag ofw ang isang may problema sa hygiene. Eh di ko naman masagot ng derecho. Kasi baka masaktan.
Eto pa, yung lalakeng pinakamamahal niya, parang pinandirihan pa siya. Malupet diba? Sabi ko nga sa kanya, hindi siya talaga mahal noon, kasi kung mahal siya, dapat mas lalong hindi siya iiwanan sa kalagayan niya ngayon.
Iniisip ko nga na hindi na siya bumabata, kailangan niyang magtrabaho. Pero paano? Malakas talaga.Kawawa naman yun. Kahit ako eh napapaisip kung may trabaho pa siyang mapapasukan sa kalagayan niya.
Kung kayo ako, ano ba ang dapat kong ipayo sa kanya?