Panay hearsay lang nababalitaan, parang ganito raw nangyari sa Riyadh last 7 years ago. May mga Pilipino sa Riyadh "daw" may inulam din silang bangladesh, Dahil masyado raw sipsip sa employer nila. kaya kinatay yong bangladesh. Hindi sana malalaman yong krimen na ginawa nila. May kasama silang kumain din na kinati ang katawan, nagpatingin daw siya sa doktor, May kakaiba raw siya kinain. Kaya pinuntahan daw nila yong accomadation nila. nakita ang ulo na kinatay nila sa ref. Kaya yong ibang lahi dito takot sila sa Pilipino dahil kumakatay daw tao. Sana hindi totoo lahat ito, baka sinisiraan lang tayong mga Pilipino sa abroad para matakot ang employer na kumuha ng Pilipino. Siguro ang nagbalita niyan isang dayuhan din dito sa Saudi at sinisiraan talaga tayo, at alam naman ng mga employer sa abroad na tayong mga Pilipino magaling sa trabaho. kaya gumagawa sila ng ganitong paninira, Kung totoo talaga ito putok na ang balita sa mga TV news. Kaya sana huwag tayo masyado maniniwala sa ganitong balita.
dito kasi sa saudi merong news blackout pagdating sa ganyang kaso... ang kuwento mo po eh nabalitaan ko rin dito kaya lang na-shock talaga ako dun sa binalita sa akin last week na halos nakakasira ng sikmura...
i just couldn't imagine kung bakit nila nagawa ang ganung bagay eh dinaig pa nila mga karumal-dumal na krimen na binabalita sa TV Patrol at higit sa lahat eh di ko malubos maisip na makakaya ng konsensiya nila yun at tatlo pa silang magkakasabwat so ibig sabihin nag-kakaisa sila sa damdamin sa paggawa ng krimen.... parang ang hirap paniwalaan.
ang tanong ko lang eh kung pati kaya sila kumain ng handa nila? eeooowww!