Forum Search

Para sa mga kabayang nagtatraho sa Oil Drilling company. Land rig and Offshore Operation. dito tayo

posted March 3, 2010 02:26PM
regiesuarez
regiesuarez
stars
Ultimate Sulitizen
2317 posts
  • Registered: Feb 25, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia

Hello sa  mga kabayang OFW na nagtatrabaho sa Oil Drilling Company, both Land rig and Offshore, kumusta ang operation, saang drilling company  and ano work schedule niyo and saan kayo naka assign ngayon? kumusta naman ang compensation package? ito po ay isang pananaliksik na may kaugnayan sa aking trabaho, at para magkaidea din tayo sa ibat ibang sitwasyon sa mga drilling company at Drilling crew worlwide.


Sa mga kabayang may mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala na nag tatrabaho sa larangan Ng paglalangis, nawa'y mairecomenda niyo silang dumalaw dito, sanay dito magtipon tipon ang mga kababayang namumuhay sa Oil & Gas!

para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Oil Driling at exploration, maari nating panoorin muna ang maikling video sa Baba.



latest News Update: A burning oil rig sank into 5,000 feet of water in the Gulf of Mexico today (April 22, 2010) while the search by air for 11 workers still missing continued



image 

eto karereceive ko lang via outlook mail kahapon from our HSE Department, photos below was taken 10 - 15 hours after the explosion. ( I heard this Oil rig  producing 2000 barrels of oil/day.)

image image image image 

Lets pray for our fellow oilers safety.

Wish you all a safety working environment. Practice safety..Work safe - Go Home Safe!


1 member thinks this post is SULIT!

View Message Logs
posted March 3, 2010 03:51PM
zekiel14
zekiel14
stars
Veteran Sulitizen
239 posts
  • Registered: Feb 26, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia
May kaibigan ako sa Oil Drilling din ngtatrabaho sa Ethopian shore and arabian sea operation , Junior Derrickman crew, 60x30 skedule every 2 months umuuwi Pinas $3700 basic salary. Pinakamaganda na yata makapasok sa Oil Drilling ngaun oh kahit saang Oil company abroad. maliban sa nakakauwi ng madalas maganda pa ang salary, lalo na mga senior crew, dami ko kakilalang naging Milyonaryo galing sa oil drilling. Mga Bosing na nagtrabo sa oil rigs, sana maka irecomenda nyo rin ako, isa po akong cons engr d2 sa midle East. nagbabakasali lang po.
posted March 3, 2010 03:54PM
darkzidez
darkzidez
stars
Majestic Sulitizen
12763 posts
  • Registered: Sep 18, 2009
  • Last Access From: Philippines
ah talaga? galing naman yun..sana makapasok din ko dyan
posted March 3, 2010 06:57PM
juandelacruzXIII
juandelacruzXIII
stars
Elite Sulitizen
614 posts
  • Registered: Mar 28, 2009
  • Last Access From: Brunei Darussalam
Maganda magwork sa drilling company o mga specialist sa oil and gas like Eni, Expro, Schlumberger, Smith, weatherford, trans-ocean, baker-hughes ano pa ba??? basta madame sila hehehehe... ang kaso medyo pisikal ang trabaho pero maganda naman ang compensation package dahil ang daily rate sa mga company na 'yan ay mga 200-1000 USD per day maliban pa sa ang work rotation ay 28 days on/off, 35 days on-off, 45 days on-off o pinakamatagal na ang 4 months depende sa position... Aside from educational background ay kailangan ng trainings kung wala pang sapat na experience.... Boom ang oil exploration ngayon sa Africa, South America at South east Asia maliban pa sa traditional oil and gas na bansa sa middle east, north america, north sea sa europe at bandang gulf of mexico.
posted March 5, 2010 12:34AM
zekiel14
zekiel14
stars
Veteran Sulitizen
239 posts
  • Registered: Feb 26, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia
tama ka dyan pareng juandelcruz, at talagang pisikal daw ang trabaho, kaya siguro ganun kaganda ang vacation at salary package pag nasa oil drilling ka kaseh mahirap ang trabaho, pero wala namang madaling trabaho diba, sa una lang mahihirapan ka pero pag nasanay ka okay na, sa sinabi mong salary kala ko kwento lang yan nung una pero nung me naging kakilala talaga akong nasa oil drilling dun ko nalamang nasa oil drilling pala talaga ang pera, lalo na yong dati  kong kasama nakapasok sa drilling company sa midle east, Asst Driller Job tiltle nya at sumasahod ng $6,133/month or almost 300K in pesos sa work rotation na 35days on / off.
posted March 5, 2010 11:17AM
elabiz06
elabiz06
stars
Majestic Sulitizen
12428 posts
  • Registered: Aug 8, 2007
  • Last Access From: Qatar

Mr ko sa Qatar Petroleum. Good compensation package. Much better working condition. 5-days week ang trabaho. 


Please be advised that this post violated our
community rule #2
against <ADS in Forum>.
You can send a private message to jadecastro if you need to discuss this further.

View message logs
posted March 5, 2010 01:31PM
regiesuarez
regiesuarez
stars
Ultimate Sulitizen
2317 posts
  • Registered: Feb 25, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia

salamat  mam elabiz naway makatulong ang iyong inpormasyon sa mga kabayanag gustong pumasok sa Oil / gas company.
 
kabayang zekiel14 at pareng juandelacruz, tama kayong dalawa pisikal ang trabaho sa oil field, at alam nyo naman siguro na isolated ang rig locations, kaya nga ganun ang work schedule ng mga rig crew, Ung mga tao namin / crew namin, senior crew rotation 28x28 , ito ung mga Nightpushers, Toolpushers, Drillers, Rig Mechanic, Electrician, Calibration Engr( 28 days work sa rig and 28 days vacation sa home country of origin like Pinas, India, US , UK etc ) and our Junior crews @ 56x 28 rotation. Junior crew catergory includes our, Floormans, roustabouts, Derrcikman, Asst Mechanic and electricians, Roustabout Pusher, Rig Nurse/ medic, Crane Operators, Forklift operator, camp maint, Rig secretary and other junior rig positions.

At tama rin kayo sa mga nabanggit nyong salary package, ako sa awa ng Diyos sa edad kong 28 nakabili nako ng sariling bahay sa pinas, sariling sasakyan, me mangilan ilan naring loteng nabili na pwedeng patayoan ng bahay o pangnigosyo balang araw, nakakatulong sa  parents ko, naipuputok ko na ang paborito kung baril sa gunsclub na aking sinalihan sa Pinas, nakakapasyal sa mga toursit destinations na gugustuhin , local and abroad. at iba pang mga luho at material na bagay na kung hind ako nakapasok sa Oil drilling company siguradong hind ko makakamit. 2 years din akong namasukan sa ibang companya dati sa gitnang silangan na ang sahod ay nasa 60K to 70K pesos lamang sa isang buwan at kada isang taon pa ang binibigay na vacation, Pero ngayon thankful din talaga ako at Nakapasok ako sa mas magandang companya. Dito ako nakatikim ng ginhawa galing sa sarili kong pawis, May pera nga talaga sa Oil and Gas.

kaya mga kabayan at mga kasamahang nasa oil drilling, mahalin at pag ingatan nyo tranbaho nyo. habang may langis may trabaho. wish your company more rigs to come with extended contracts,  more wells to drill, and more barrels of Oil/Gas to produce.

God Bless!!


View message logs
posted March 5, 2010 02:06PM
victech
victech
stars
Supreme Sulitizen
1238 posts
  • Registered: May 23, 2007
  • Last Access From: Philippines
malaki po talaga sahod oil drilling , may mga kasamahan ako dati, - Mohammad Al-Mojil Group Dammam KSA.
posted March 5, 2010 05:45PM
juandelacruzXIII
juandelacruzXIII
stars
Elite Sulitizen
614 posts
  • Registered: Mar 28, 2009
  • Last Access From: Brunei Darussalam
actually wala ako sa drilling profession bagkus ay sa Constraction stage na ng Oil and gas.... Mga Pards sa drilling ano ba 'yung mga basic qualification para makapasok sa drilling company, kailangan ba ng mga specialized trainings? ano minimum experience para maqualify sa isang drilling position... kung hindi po kalabisan baka pwedeng banggitin din niyo kung ano 'yung trabaho sa drilling company at mga possible position na pwedeng aplayan..

thanks.
posted March 5, 2010 06:14PM
regiesuarez
regiesuarez
stars
Ultimate Sulitizen
2317 posts
  • Registered: Feb 25, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia

Para sa mga nagpadala ng Pribadong Mensahe sakin, dito po tayo sa pampunblikong forum para ma ishare natin ang bawat inpormasyon at kuro kuro kaugnay sa nakasaad na Topiko.

Bilang tugon din sa katanungan ni Pareng juandelacruz, at kasagutan sa mga pribadong mensahe ng ibang kababayan natin, Ang oil Drilling po ay isang Entty or isang Product or business line ng ilang Oil / Petrolium / Gas company na  nasa Operasyon ng Paghuhukay ( Drilling ) ng langis mapa sa disyerto man  oh sa dagat, at ito yong tinatawag na land rig at offshore rig kung sa gitna ng laot, at Oil Rig crew or drilling crew naman ang tawag sa mga nagtatrabaho dito. Marami pong klaseng trabaho sa rig gaya ng Driller , mekaniko, electrician, crane operator, Petrolium engr, Derrickman, Floorhands, Roustabouts, RIg Nurse/Medic, Rig secreratry, Field foreman, Safety man, Rig welders, motorman, at iba pa. Bawat position po ay may karampatang qualification base sa nakadocumentong standard ng bawat drilling companies, sa mga senior crew position prioridad parin ang safety and trainigs experience, sa mga junior positions dun umiiral ung Buddy system, its like " its not for what you know but for whom you know". Ibig sabihin tru referal.

Cheers!!!


1 member thinks this post is SULIT!

View message logs
posted March 5, 2010 06:26PM
juandelacruzXIII
juandelacruzXIII
stars
Elite Sulitizen
614 posts
  • Registered: Mar 28, 2009
  • Last Access From: Brunei Darussalam
so dalawa pala ang lugar ng drilling activity.... onshore at offshore.

Yung sa offshore drilling ba kailangan ba ang mga crew ay may background sa pagiging seaman? like kung ang isang mekaniko ay magaapply sa drilling company dapat ba bukod sa pagiging mekaniko ay dapat may seaman's book siya? kung ok din lang baka pwede gawa tayo ng list ng mga drilling company.

thanks.
posted March 5, 2010 08:38PM
regiesuarez
regiesuarez
stars
Ultimate Sulitizen
2317 posts
  • Registered: Feb 25, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia

sa offshore drilling not neccessarily na ang isang individual ay may background sa pagiging seaman, as  long na qualifikado ka sa isang bakanteng drilling position at nakaaangat ka sa lahat ng aplikante siguradong pasok ka. Hind rin kailangang may seamans book ka dahil companya na ang mag aayos nito prior to your offshore deployment, kelangan mo lang macompleto kung hind mo pa tapos ang mga required trainings sa offshore drilling, kabilang dito ang Helicopter Survival, water survival, IOSH - Institutioanal Org for Safety and Health, IWCF- International Well Control certificate kung ikaw ay isang driller or toolpuhser. Kung ikaw ay isang mekaniko dapat familiar ka sa mga pangkaraniwang makina na ginagamit sa rig gaya ng Mudpumps, Cranes, jack ups, etc. Sa aming companya, sinanabak muna sa tranings ang mga bagong recruit bago dalhin sa oilfield/ Rigs, lalo na yong mga walang karanasan sa drilling operation.

Kabilang sa mga naglalakihang companya ng Drilling ang, Nabors Driling, Sta fe drilling na kalaunan ibenenta at naging Precision Drilling, Trans Ocean, Weatherford Drilling International, sclumberg, Parker Drilling, at marami pang iba, lahat ng mga nabanngit kong drilling companies ang siyang nagsusuply ng Langis sa Saudi Aramco, ang pinakamalaking OIl Gas company sa buong Daigdig. Baptco sa Bahrain, at mga Oil companies sa ibat ibang dako ng Daigdig.

1 member thinks this post is SULIT!
posted March 5, 2010 08:44PM
vanss
vanss
stars
Majestic3 Sulitizen
40911 posts
  • Registered: Jan 11, 2008
  • Last Access From: United Kingdom
#1 Poster (All Time)
pwede bang makihalo... heheeh... from expro... hehehe... quality assurance/quality control position naman po ang position ko dito... well testing naman ang mga focus namin dito sa saudi... 35/35 days rotation... okie na rin ang package... pero may mga inaasinta pa kong kumpanya... na baka eh... magpabago sa aking cover all... hehehe... depende sa package offer ba... heheeh...
posted March 5, 2010 08:47PM
RJArmas
RJArmas
stars
Supreme Sulitizen
1406 posts
  • Registered: Jun 12, 2009
malaki po ba ang suweldo niyo jan? hehe
posted March 5, 2010 08:50PM
vanss
vanss
stars
Majestic3 Sulitizen
40911 posts
  • Registered: Jan 11, 2008
  • Last Access From: United Kingdom
#1 Poster (All Time)
RJArmas posted on March 5, 2010 09:47PM
malaki po ba ang suweldo niyo jan? hehe



kung laki po ang pag uusapan... talagang malaki... hehehe... depende po sa inyo kung ano po ang bracket nyo ng "malaki"... hehehe... ang maganda dyan.. yon pong rotation ng trabaho... hehehe... madalas na nakaka uwi ng pinas ba... hehehe...
posted March 5, 2010 08:56PM
markintosh
markintosh
stars
Majestic Sulitizen
11030 posts
  • Registered: Jul 23, 2008
  • Last Access From: Philippines
sa mga nagwo-work diyan eh karaniwan nakakakuha ng good compensation package. mabuhay po kayo. hehe. sana dumami pa ang mga pinoy na makapagtrabaho sa ganyang klaseng kumpanya ba. hehe.
posted March 5, 2010 09:01PM
Cordille
Cordille
stars
Majestic2 Sulitizen
15625 posts
  • Registered: Sep 9, 2009
  • Last Access From: Saudi Arabia
Maganda talaga sa offshore, Mostly spend mo half of year sa vacation laki pa kita.

posted March 5, 2010 09:08PM
vanss
vanss
stars
Majestic3 Sulitizen
40911 posts
  • Registered: Jan 11, 2008
  • Last Access From: United Kingdom
#1 Poster (All Time)
suggest ko lang... if okie lang ba sa inyo... tayo din tayo ng baranggay ba... para sana lang mapalaki natin ang numero natin... at sana magkatulungan din tayo sa mga kasamahan natin na gustong sumubok sa ating ginagalawang mundo ba... hehehe...
posted March 6, 2010 07:06PM
juandelacruzXIII
juandelacruzXIII
stars
Elite Sulitizen
614 posts
  • Registered: Mar 28, 2009
  • Last Access From: Brunei Darussalam
Precision drilling na ba ang Sta fe?? akala ko kase trans ocean ang nakabili sa kanila...

Sige kwentuhan tayo dito ng araw-araw na buhay sa O&G at ng sa gayun magkaideya 'yung mga gustong sumabak sa paglalangis... Ako nga pala dito sa Brunei nagwowork ngayon sa BSP at kung may interesado malaman ang operasyon ng oil and gas dito pipilitin ko ding sagutin....

posted March 6, 2010 09:17PM
regiesuarez
regiesuarez
stars
Ultimate Sulitizen
2317 posts
  • Registered: Feb 25, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia
tama Trans ocean na sa kasalukuyan, Mula Sta fe, binenta sa Saudi Drilling, tapos binili ng Precision Drilling, hanngang nakuha ng Trans ocean. me ibang land rigs din ang precision na napunta sa Weatherford.  Hind ko lang sigurado yong eksaktong turn over history. kamusta naman ang sitwasyon natin jan sa brunei pareng juandelacruz?

welcome kabayang Vans. Musta nman sa expro? ilan  ang oil drilling rigs niyo ngaun?
posted March 7, 2010 12:10AM
juandelacruzXIII
juandelacruzXIII
stars
Elite Sulitizen
614 posts
  • Registered: Mar 28, 2009
dito sa brunei ay ayos naman at parang nasa pinas ka lang... Maganda pa din ang oil and gas dito at busy pa din ang mga malalaking kumpanya sa offshore para humanap ng langis. Anong company ka ba kapatid na regie?
Need support? Need help? Back to top ▲