Una sa lahat, hindi po ito iyung SPAM na madalas niyong makita sa emails.
Eto sa palagay ko ang dahilan:
1. Mas pinapaboran ng ating Saligang Batas at Labor Law ang pagiging empleyado.
2. Masyadong pinagdidiinan ang makatapos ng pag-aaral samantalang ginawa ang paaralan upang turuan ang karamihan na maging empleyado.
3. Mahilig ang maraming Filipino na makipagtsismisan, makipagkwentuhan, at makipyesta, pero ini-iwasan ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman sa pagnenegosyo, pangangalakal at pananalapi.
4. Walang gaanong mabuting huwaran. Iyung mga magagandang huwaran na mayayaman ngayon, minamasa at ina-alimura, lalu na ng mga Komunista.
5. Walang kaalam-alam sa tamang pananalapi, kaya dinadahilan na kulang o walang pera. Pero kaya namang humugot ng pera kapag may pyesto o iba pang salu-salo o handaan.
6. Mahilig sa mabilisang balik ng puhunan. Hindi gusto ang hirap, sipag, at tiyaga na gugugulin para maging matagumpay sa negosyo. Kaya minamabuti pang sumali sa lotto o tumaya sa sugal.
7. Uma-asa sa mga politiko na ibibigay nila ang mga pangangailangan nila at hindi natututong tumayo sa sariling mga paa.
8. Takot ang mga tao na mabigo sa negosyo samantalang bigung-bigo na rin naman sila sa karaniwang ruta ng pagyaman.
9. Wala raw kuneksyon o kakilalang mayaman na makakatulong sa kanya, samantalang pwede naman itong gawan ng paraan.
10. Kung may maidadagdag ka sa listahan na hindi nabanggit, sabihin mo na.
siguro mana mana na din..."sabi ng tatay na pilipino sa anak niya..anak mag aral ka mabuti para mag karoon ka ng magandang trabaho pag laki mo.." sabi naman ng tatay na chinese sa anak niya..anak aral ka buti para laki mo ikaw handle business natin.." kung ano kinalakihan ng magulang yun din ang pinapasa sa mga anak...:(