ineentertain nyo pa ba mga ganitong klase ng customers, o binabalewala nyo na lang text?
nagkaroon ako ng ganitong customer. tanong ng tanong tungkol sa item, mode of payment, etc.
sipag ko namang magreply sa mga tanong nya. tas bigla na lang siyang mawawala. after 3-5 days lilitaw nanaman tanong ulit ng tanong. sagot naman ako ng sagot. hehe. 6 months sa sigurong nagtatanong yun. hanggang ngayon hindi pa din bumibili. haha. ngayon kapag nagtetext hindi ko na nirereplyan
Well I just encounter peoples na nakasaad na nga sa AD ko ang details na kelangan nila. Ang problema ganito:
Inquiry: Avail pa ba laptop mo? Interested buyer here
Huggs: Yes, avail pa po. UserID po saka location. Thanks for inquiry
Inquiry: Wala bang hidden defects?
Huggs: Wala po. Ano po username at location nila?
Inquiry: Ano nga pala ang item mo? Saka magkano?
Huggs: [Answered in details]
Inquiry: Mabilis ba sa internet ito?
Huggs: Yes sir. Your internet access depends on your ISP (especially kung DSL)
Inquiry: Ilang years na nagamit ito?
...
..
.
Inquiry: Sa mindanao ako. Wala na bang tawad?
Some conversation di nakakaaliw. Dahil minsan ayaw naman nila basahin yung full details ng POST mo. Nakakasuya na minsan. I just post the entire details sa site, kung pwede sa internet, actual photos, pati ang last price. Pero wala silang sawang magtanong without taking all the details sa post. Tapos sa huli mauuwi sa "ay ayoko".
Instead of mabenta mo sa naaayon na halaga, napapagastos ka pa sa pagrereply ng text nilang wala namang actual transactions na nangyayari. Nangangarap lamang pala sila to take your item pero wala pa silang pambili..
Kaya nga I prefer to use YM and CHIKKA for reply. Kasi karamihan sa kanila eh hindi pa sulit member...