Mga kapwa OFWs share po natin dito mga sakripisyo na dinanas natin hihihi..
ako nakaranas na akong tumira sa matatawag kong " preso "
eto kasi ang setup ng haus na kung saan tumira ako as bedspacer.
1 small house :
3 rooms - 1 master 2 small common rooms with small space between master and the other common room.per
yung master bedroom - isang family nakatira : parents, 2 maliliit na bata at isang binata
yung 1 small common room - 3 double deck beds ( 6 persons ang nasa loob ) at dito ako natutulog
yung 1 small common room - 1 ang natutulog
wala akong cabinet na nagagamit.. ang mga damit ko tinitiklop ko na lang at sa higaan ko nilalagay.. kasi nga kinuha na ng ibang kasama ako ang lahat ng space sa cabinet na hindi rin naman kalakihan.. at ako ang huling pumasok sa haus na yun kaya kailangan kong makisama sa mga kakosa
kasi kung hindi baka magmasahe ako hihihihi..
yung small space naman between master and 1 small common room may dalawang double deck beds.. ( 4 persons ang natutulog na naka ceiling fan )
so total of eleven ( 11 ) persons ang nagbebedspace sa haus na yun..
at eto ang masaya.. 1 toilet / bathroom lang ang ginagamit namin..
at eto pinakamasaya.. diba ang shower sprinkle effect ang labas ng tubig.. kaso hindi..
ang labas ng tubig manipis at derecho hihihihi kaya pag naligo ka.. masakit sa bumbunan..
ang mesa naman 3 lang ang pwedeng makakain ng sabay sabay.. so yung 8 nakatayo na lang kapag nakain..
tapos habang nanonood ka ng tv sa maliit na sala.. babatukan ka ng 2 makukulit na bata.. sa inis mo papasok ka lang sa selda mo at matutulog hihihi..
minsan natutulog ako, bigla akong ginising ng kasama ko dahil kakausapin daw ako ni kuya..
naisip ko tuloy " kakausapin ako ni warden "
ayun hihihi 1 month lang ako dun hindi ko kinaya ang sarap ng buhay dun hihihi..
but praise God, nagbebedspace na ako sa condominium ngayon.. pagsilip mo sa bintana swimming pool.. thank God..
share po kayo ng stories niyo hihihi
bro saan ka bang bansa? pero ganyang ganyan yata sa Dubai ngayon, sa napanood ko sa TFC, para kang naka bedspace sa Sampaloc. Hindi ko pa naman na-experience yan, kasi provided kami ng villa ng company namin, yung sa bachelor may sariling airconditioned room at kitchen and living room. Pero nice to share this story kasi akala ng nakararami kapag OFW, buhay prinsipe at may punong namumunga ng pera.