Kahapon may nagtext sa akin na pinsan ko at nangungutang ng pambayad daw sa uniform ng 2 kapatid at gusto sa mismong araw na yun makukuha dahil last day na daw ng bayaran sa school. Hindi ko pinautang dahil wala din ako time makipagkita tsaka budgeted na ang personal cash on hand namin, hindi kasi namin ugali magwithdraw sa savings account. Bago pa yun, may 1 pang kamag-anak na nanghihingi din ng tulong para sa pampa CT scan bago maoperahan sa problema sa dibdib. Priority kong matulungan yung kailangang maoperahan pero medyo naguilty ako na di ko natulungan yung kailangan ng pera pambili ng uniform. Kung kayo po? Gagalawin niyo po ba ang savings niyo para matulungan sila pareho?