Anong masasabi mo sa kalidad ng mga Pilipino college graduate ngayon? May say-say pa ba ang masabing college graduate ka sa panahon ng Pilipinas ngayon ?
Malaki ba ang kinalaman ng Eskwela sa kalidad ng mga college gaduates especially sa Maynila ?
Marami tayong pedeng banggitin na mali sa ating sistemang pang edukasyon pero naniniwala ako na may kalidad pa rin ang ating mga nagsisipagtapos sa kolehiyo sa kabila ng lahat.
Hindi na bago ang sinasabi ng mga eksperto sa edukasyon na marami tayong mga programa o kurso sa kolehiyo na dapat isara na dahil sobra sobra ang nagsisipagtapos dito pero wala namang sapat na market para sa kanila. Dahil sa dami nila at kawalan ng sapat na paglagyan sa kanila, mabibilang tuloy sila sa mga unemployed, hindi dahil incompetent sila. dahil dito, minsan sinasabi tuloy na wala ng halaga ang natapos sa kolehiyo, pero mali po yang paniniwalang yan, nagkataon lang na ang kursong natapos ay sobra ang kompetisyon sa market.
Meron ding mga programa na kelangang kelangan ang mga nagtapos nito pero walang may gusto o walang kolehiyo na meron nito.
May mga pribadong paaralan, tinitingnan kasi nila yong profitability ng mga kursong i offer nila. Bakit ka nga naman mag offer ng kursong 10 lang mag enroll? Bat di ka mag offer ng kurso na daan daan o libo ang takers? More studs, more profit, ganun talaga ang buhay! Dito na rin papasok yong question sa quality of education. Usually sa mga leading universities, yong kita nila sa enrollment proceeds, may part yan na ginagamit nila sa improvement ng mga programa nila, including facilities, library holdings, faculty and staff development and research. So, kung ang pamunuhan ng paaralan ay may malasakit sa kalidad ng kanilang mga magtatapos, gagamitin nila kita nila sa improvements. Kung purely business at gahaman, pabayaan na lang mga studs na yan ke may kalidad o wala.