It was 2:30am. Galing kami nina uncle, auntie, mga kapatid at mga pinsan ko sa isang bowling tournament. 'Yong tito ko ang nag drive, ang tita at isa kong pinsan nasa passenger's seat, kaming limang magpipinsan nasa back-seat. Pinagitnaan ako ng dalawa kong kapatid at dalawang pinsan.
Pagdaan namin sa may tulay, dali-daling hininto ni uncle ang pick-up sabi nya nakasagasa raw s'ya ng isang babae! Hindi nya alam natulala kami lahat sa likod dahil 'yong babaeng tinukoy nya lumusot galing sa harap patungo sa likod ng pick-up. Parang na shock ako sa nakita! Naalala ko pa dahil nasa gitna ako, lumusot sa katawan ko ang foggy figure ng babae 'yong tulad ng nakikita natin sa Casper movie. Sa takot ko ang sabi ko pa, "Ano 'yon?!" Ang sagot ng pinsan ko na nasa harap "Nakita n'yo rin pala 'yon?"