Forum Search

Kuwentong sulit at kantahan, sarap pakinggan sarap balikan. Talo na, naipanalo pa!

posted October 14, 2010 06:30AM
kingderby
kingderby
stars
Majestic Sulitizen
8461 posts
  • Registered: Apr 4, 2009
  • Last Access From: Philippines
Minsan napanood ko sa telebisyon, ang Pinoy daw ay likas na mahilig kumanta, kahit saang okasyong hindi puedeng mawala ang kantahan. Pista, birthday, pasko, bagong taon, anniversary, eleksyon at kahit minsan sa lamay ng patay may bumibirit pa. Kung may kainan, inuman o pagtitipon tiyak hindi puedeng walang kantahan. Sa dami ng paligsahan mula sa kasuluksulukang baryo, pag naglalabasan ng talento, kahit yata batang uhugin ay hindi malayong mapapakanta.

Lingid na siguro sa kaalaman ng iba, ang Jukebox, yung may plaka at hinulugan din ng barya, ang pinagmulan ng ideya ng Videoke ito rin ang kinamulatan kong negosyo, ilang dekada na ang nagdaan, 1969 mula nung kabataan ng aking ama, ito rin ang nagpatapos ng pag-aaral naming magkakapatid at ilang negosyong barya-barya na rin ang aming nasubukan hanggang nung 1995 ang Video Karaoke, ito’y naging isang “instant hit” hindi lang dito sa siyudad pati na rin sa kanayunan.  Kung may limang piso ka, pumili ka paborito mong kanta, pag hawak mo ng microphone at sabayan mo ang lyrics… “Abah! Singer ka na!” Pagkatapos nun may palakpakan pa. ‘Yan ang negosyong videoke! Maglabas ka lang ng inumin, monobloc na lamesa at upuan, isaksak mo ang videoke, kikita ka na!

Lumipas ang ilang taon, nanamlay ang "unique" naming negosyong ito, naglabasan na ang mga portable videoke machine tulad ng mga Magic Sing, DVD player na mabibili lang sa murang halaga kahit sa bangketa at magagamit mo kahit sa bahay lang. Nauna nang nawala ang Laser Disc, VHS at na ginagamit sa mga KTV at Sing-along Bar bago pa sumikat ang videoke at hindi na ganoong  karamihan ang nakaka-afford ng banda o singers sa kanilang mga restaurant.

Dumating ang panahon marami nang nag interes sa negosyong ito, yung mga may ari ng mga restaurant ay nagpundar na, yung mga may puhunan at may alam sa electronics ay sumubok din. Dati bihira ang mabibili nito sa Quiapo. Dito dumalang ang bumibili sa amin, nagkakasya na lang kami sa papuwesto-puwesto na lang (profit-sharing). Pag may nanghiram (videoke rental) minsan libre pa nga pagka-kakilala o minsan tatlong salin na nang kakilala ng kilala naming ay walang bayad din. Nagbawas na kami ng tauhan at sasakyan, nawala na ang dating sigla at hindi nagtagal ang iba naming mga makina (Videoke machine) ay nag-uwian na o wala nang mapuwestuhan. Tinalo na kami ng gastos, at pamumuhunan. Ang dating ilog ng barya ay natigang na! Sa madaling salita, ay lugi na, at hindi man namin aminin ay mahihirapan nang maka-ahon pa.
Hanggang nag-usap kaming mag-ama, ang sabi nya sa akin; “Anak ano kayang magandang gawin sa videoke natin mga nakatambak? Mga buo pa naman yan, galing sa mga puwesto, konting linis lang maganda na naman.” Ang una kong nasa-isip noon ay magpa-ads sa dyaryo, magpa-print ng mga leaflets at mamigay sa mga restaurant, bar at iba pang establishment. Kaso alam kong pag wala akong pampabayad, panandalian lang at hindi rin mapapansin ito.
April 2009 nang mag-register ako sa username na kingderby sa sulit.com.ph. Naging malaking challenge sa akin kung paano ibabangon ang negosyo naming nalulugi na. Naging palaisipan sa akin ito, nakadagdag pa noon ang papalapit na enrollment ng aking mga pamangkin.  Likas kasi sa tatay ko maging mabait sa mga anak at mas lalo na sa mga apo.  Para tuloy akong nangangapa at nagsisimula, wala akong pag umpisahang strategy kung paano ito mabebenta ng mabilisan. Sa pagbasa-basa ko sa forum at ilang gabi’t papaumaga kong pagtitiyaga, pumasok sa isip ko ang salitang “bargain”. Dun na nagsimula ang lahat, naging catch ko ito para mapansin ang advertisement ko, hindi ko alintana kung talo kami sa presyo basta ang importante ay hindi abutin ng pagkasira at pagkatambak ang aming mga makina o units. Basta pag naisip ko ang salitang bargain, isa lang ang ibig sabihin sa akin nito. Sa sulit na halaga ang kailangan kong maibenta, mura na’t higit na pakikinabangan pa.

May account na ako sulit.com.ph noon pero sa pagbili-bili ko lang nagagamit. Hanggang sa maisipan kong bakit ba ako magpapa-ads pa sa dyaryo eh puede naman pala sa sulit.com.ph.  Sa mahigit isang taon kong pagiging aktibo sa forum at sa “pag-aalaga sa aking mga ads” kung bibilangin, hindi lang yata mahigit sa dalawang daan (200+ units) ang nabenta kong videoke machines dito. Ang naging usapan lang namin noon ng aking tatay ay 50 units lang, tama na. Hindi lang sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao ang naging inquiries ko. Nung una nagugulat pa ako pag may tumatawag na OFW sa Middle East, sa Europe, Australia, China, Amerika at sa mga ibang bansa dito sa Asya. Natuto tuloy akong magpa-ship via Sea Cargo, huh. Nung dati problema naming kung saan dadalhin ang aming naka-bodega  nang mga videoke, hindi sa masyadong pagmamagaling ngayon parang pangkaraniwan na lang, ngayon naman laging ubos ang stock at minsan kailangan pumul-out pa kami sa puwesto para lang mai-deliver sa sa mga sunod-sunod na order.

Sulit.com.ph ang nagbigay ng panibagong buhay sa aming negosyo, ito na marahil ang pinakamalaki at pinakamarami naming pinagkukunan ng benta. Minsan natatapat pa kung kailan kailangan parang sinasadya , ang dalangin sa Diyos at sa siyempre sa sulit.com.ph pag pinagsama-sama ay suwerte nga naman, laging may nag-iinquire at halos lahat ay natutuloy. Tiyak may bibili! Maraming beses na at ilan na rin ang nagpatunay na sa Ads sa sulit.com.ph nila nakita ito. Hindi na nga lang marunong mag feedback ang iba at pati na rin ang kanilang mga nai-rekomenda. May panahon din namang taghina, pero kahit papaano hindi na nawawalan ngayon kahit paisa-isa. Ilang nagiisip ng pagnenegosyo na rin ang natulungan namin,  hindi naging madali ang umpisa, pero sa tiwalang nabuo ko dito sa sulit masasabi kong napalaking bagay nito para sa isang negosyong hindi naman talaga binebenta online at maramihan.

Sa una iniisip ko, tahimik na lang pag nakabenta ako nang kung ano-ano, minsan naiinggit nga ako pag may seller na nakabenta ng cellphone, sapatos, at iba pa o meron isang online clicker, real estate agent na kumita ng malaki in few days lang at iba iba pang istorya nang mga “from small-to-big business” na nabasa ko dito sa sulit,  naipopost nila ang kanilang mga testimonials at pasasalamat. Marami-rami na rin akong naibenta dito, at ang kakaiba nga lang lahat ito ay puro sariling gamit o property. Sa sulit hindi lang mga second hand at brand new videoke o videogames ang naging malinaw na naging pakinabang o pera, pati na  rin ang house and lot sa Tagaytay naming hindi na nagagamit mula ng namatay ang aming Nanay, suwerte na rin dahil natapat na sure at direct buyer talaga. Farm lot sa Antipolo (na kung ikukuwento ko ay puedeng maging kapulutan din ng magandang istorya), ilang computer at laptop na rin ang na- fastbreak ko at ngayong pinagkaka-abalahan ko ay ang home-business ng misis kong Korean kimchi at ang papasikat nang kakaibang shampoo para sa mga napapanot. Kung ililista ko ang nabenta ko dito sa sulit.com.ph at gaano kabilis ito nabenta, baka pati ako malula dahil hindi ko naman ito isinasaisip at kailangan ipagyabang na. Pinagpapalagay ko na lang isang magandang alalang masarap balikan, dahil wala ni isang parehong pagkakataon (experience,  lahat may iba’t ibang kuwento, sa tao, sa lugar at kung paano ang naging transakyon. Minsan nga miski hindi na kumita, tumupad na lang sa sinasabi sa Ads, nangyayari rin pala. Lagi ko na lang isinasaisip na kung talo ako ngayon, mas malamang panalo ako bukas. Kung masisira ako sa sulit.com.ph para ko nang sinira ang tiwala at pag-asa ng pamilya ko. Kaya ganun na lang ang pagpapahalaga ko sa account ko dito sa sulit, hindi nap ala ito isang karapatan, isa na pala itong pribilehiyo. Kahit sino puedeng magnegosyo, puedeng kumita at higit sa lahat sa parte naming ay puedeng bumangon. Minsan mahirap tanggapin kung ang negosyo ay lugi na, lalo na't ito na ang kinamulatan mong negosyo, pero ika nga pag may tiwala ka sa Diyos at sa sarili mo, sa hindi inaasahang pagkakataon, makakabawi ka.

Sa lahat na yata binenta ko, baka nga sa mga nakakabasa nito ang impresyon ay ang napakayaman naman ni kingderby? Yun eh kung ay maari nga talaga kung naging madamot at hindi ako naging mabuting anak at kapatid. Naku! Teka teka, hindi nga at nagkakamali po kayo, lahat po ng  pinagbentahan ng videoke ay tulong ko lang sa akin magulang, pati na rin ang pinabenta nilang ibang property, kadalasan talo pa sa load at sa ginugulol kong mga oras sa internet kung tutuusin. Pero iba pala pag sinamahan mo nang paglilibang, yung gusto mo ang ginagawa mo at alam mong may napupuntahan naman itong maganda. Wala akong masyadong naging pakinabang dito kundi ang tiwala at bilib lang nila (ng aking ama at mga kapatid). Hindi humihingi ng kapalit dahil ang iniisip ko, mas higit ko silang natutulungan kaysa ako lagi ang humihingi ng tulong. Yun  nga lang pag may nabenta, very rewarding at kahit papaano nakakapagpasaya ako ng tao ng bumili (buyer) at ng tatay kong namuhunan dito.

Ang kasalanan ko lang siguro ay hindi pagbibigay ng testimonial o success stories noon pa, kasi nga naman kung bawat benta at natuloy na transaksyon ay aking ipo-post baka mapuno na ang section ng Success Stories & Testimonial. Basta ang sigurado ko lang at hindi na kailangan ipangalandakan pa, tahimik akong nagpapasalamat sa sulit.com.ph at hindi ko nakakalimutang masambit ito sa aking araw-araw na panalangin. Sobrang nag-uumapaw ang biyayang ibinigay sa amin ng Diyos at sa pamamagitan ng sulit.com.ph lahat ng ito’y patuloy na nagiging katuparan. 

Sing-ganda ng musika, laging napapanahon mapabago o mapaluma pa. Maingay o sintunado man ito, isa lang ang isinisigaw ng mga nagpapatotoo… kundi dahil sa sulit, wala na kami sa negosyong ito. Ika nga eh "Yan ang talo na, naipanalo pa!" Nang dahil sa sulit.com.ph, tunay na balik-sigla ang negosyong dating lugi na.

Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph

Same content posted at Simpleng Banat: Editorial ng Ating Buhay sa Malayang Lipunan


5 members think this post is SULIT!

View Message Logs
posted October 15, 2010 08:29AM
wggozar
wggozar
stars
Supreme Sulitizen
934 posts
  • Registered: Jul 8, 2010
  • Last Access From: Philippines

Nice! Still waiting for that 'break' to sell. You write very good Filipino. Galing!


View message logs
posted October 15, 2010 09:06AM
iheartwheatgrass
iheartwheatgrass
stars
Elite Sulitizen
478 posts
  • Registered: May 20, 2009
wow! ang galing.. binasa ko talaga mula umpisa hanggang matapos..
congrats sa inyo kingderby, sulit really works wonder.. talo na, naipanalo pa!
galing! :)
posted October 15, 2010 09:08AM
miloeverydayok
miloeverydayok
stars
Elite Sulitizen
455 posts
  • Registered: Feb 1, 2010
  • Last Access From: Philippines
Galing ng tagalog nga. Pwedeng pwede pang dyaryo ito. Journalistic ang lupit :-) Parang naalala ko tuloy prof ko nung highshool sa paraan ng pagsusulat.
posted October 15, 2010 09:13AM
amventures
amventures
stars
Ultimate Sulitizen
2270 posts
  • Registered: Feb 26, 2009
  • Last Access From: Philippines
Inspiring at magandang istorya na alam ko namang totoo at nagmula sa puso. Hindi basta likhang-isip lang, kundi base sa tunay na buhay at karanasan.
posted October 15, 2010 11:02AM
teamrtekz
teamrtekz
stars
Legendary Sulitizen
4664 posts
  • Registered: Feb 13, 2009
  • Last Access From: Philippines

Ayon.. pakwapak. ito isang magandang entry. pag di pa ito nanalo hahahaha. totoo na talaga ang kutob ko. hahahaha..

Ayos po sir king. the best talaga.. sa mga nag screening sana check niyo mabuti ang mga entries.. hehehe. ito ay may mga larawan pa. hehehe.. nagpapatunay..

TIPS... sana sir nag textspeak ka sa mga words mo kasi baka jejemon ang nagscreening dito. hahahahah!

posted October 15, 2010 11:03AM
accountno0543210101
accountno0543210101
stars
Majestic2 Sulitizen
18800 posts
  • Registered: Jan 9, 2010
  • Last Access From: Philippines
congrats po sayo more power to come
posted October 15, 2010 11:15AM
ernicole
ernicole
stars
Elite Sulitizen
789 posts
  • Registered: Aug 2, 2010
  • Last Access From: Philippines

wow ang galing ng kwento niya. nakakatulong talaga ang sulit. more power po and God bless....

posted October 15, 2010 01:49PM
kingderby
kingderby
stars
Majestic Sulitizen
8461 posts
  • Registered: Apr 4, 2009
  • Last Access From: Philippines
teamrtekz posted on October 15, 2010 11:02AM

Ayon.. pakwapak. ito isang magandang entry. pag di pa ito nanalo hahahaha. totoo na talaga ang kutob ko. hahahaha..

Ayos po sir king. the best talaga.. sa mga nag screening sana check niyo mabuti ang mga entries.. hehehe. ito ay may mga larawan pa. hehehe.. nagpapatunay..

TIPS... sana sir nag textspeak ka sa mga words mo kasi baka jejemon ang nagscreening dito. hahahahah!


Sa 3rd entry ko next week baka i-consider ko yung tip mo Sir jejejeje eoow powh ...

Actually, may nauna akong entry na, under manmachine username wala nga lang masyadong pumansin hehehe, pero since hindi ako expecting manalo, just returning and sharing my stories and blessing of God sa ginawang kabutihan ng sulit sa akin at sa pamilya ko Ok na yun, kaya hindi ako affected. Natutuwa lang ako sa mga ilang comments nyo kaya nag-reply ako.

 

@ All fellow sulitizens,

Thanks for the time reading my stories, tama nga kayo mula sa puso nga at kung babalikan ko lahat parang imposibleng mangyari pero talagang nangyari.


View message logs
posted October 15, 2010 02:03PM
BIGBOSS8
BIGBOSS8
stars
Ultimate Sulitizen
2667 posts
  • Registered: Mar 24, 2010
  • Last Access From: Philippines
interesting,exiting para sa lahat ito.
posted October 15, 2010 02:16PM
calambaronald
calambaronald
stars
Supreme Sulitizen
1043 posts
  • Registered: Oct 10, 2010
  • Last Access From: Philippines
ang galing... pagbubutihin ko pa.. iinspired na rin ako
posted October 15, 2010 02:23PM
keriejeziel
keriejeziel
stars
Legendary Sulitizen
5120 posts
  • Registered: Mar 17, 2010
  • Last Access From: Philippines
lalim naman ng tagalog nya...anayway congrats sa lahat ng nanalo at mananao pa....:)

1 member thinks this post is SULIT!
posted October 15, 2010 02:31PM
gorgeousliv
gorgeousliv
stars
Supreme Sulitizen
923 posts
  • Registered: Feb 2, 2010

Very inspiring yang entry ba yan?! testimonial?!.. hays whatever.. ang galing sana ako din magkarun ng ganyang luck!:)


1 member thinks this post is SULIT!
posted October 16, 2010 12:47AM
kingderby
kingderby
stars
Majestic Sulitizen
8461 posts
  • Registered: Apr 4, 2009
  • Last Access From: Philippines
gorgeousliv posted on October 15, 2010 02:31PM

Very inspiring yang entry ba yan?! testimonial?!.. hays whatever.. ang galing sana ako din magkarun ng ganyang luck!:)


Yes po ang answer sa question nyo kung entry and testimonial po ito Madam for week 2 na.

Hopefully may entry din ako sa week 3 dahil sobrang dami ng itulong ng "saved homepage" ko... sulit!

posted October 16, 2010 01:08AM
addictshirts
addictshirts
stars
Sulitizen-to-be
45 posts
  • Registered: May 22, 2010
  • Last Access From: Philippines

Wow! nice story. Nakakainspire.

pero sana mas naikwento mo pa ang iba pang mali at paghihirap. Mas interesado ako sa mga kwentong sawi at makakapulutan ng aral at bahala na tayo paano hanapin ang positive side. Kyasa doon sa mga success na puro flowery ang kwento...for all we know eh hindi naman ganun talaga..kung meron man eh swerte lang yun.

Nice sharing. truly na ang negosyo ay mula sa pawis,dugo,pagod at dangal.


1 member thinks this post is SULIT!
posted October 16, 2010 01:59AM
kingderby
kingderby
stars
Majestic Sulitizen
8461 posts
  • Registered: Apr 4, 2009
  • Last Access From: Philippines
addictshirts posted on October 16, 2010 01:08AM

Wow! nice story. Nakakainspire.

pero sana mas naikwento mo pa ang iba pang mali at paghihirap. Mas interesado ako sa mga kwentong sawi at makakapulutan ng aral at bahala na tayo paano hanapin ang positive side. Kyasa doon sa mga success na puro flowery ang kwento...for all we know eh hindi naman ganun talaga..kung meron man eh swerte lang yun.

Nice sharing. truly na ang negosyo ay mula sa pawis,dugo,pagod at dangal.


Actually puro mali na nga at paghihirap yan... kung talagang babasahin talagang maigi, as quoted "tinalo na kami ng gastos at pamumuhunan, nagbawas na ng tao at mga sasakyan. Ang dating ilog nang barya, ay natigang na, sa isang salita LUGI na" 

Mahirap mag-isip ng paraan kung paano mo bubuhayin ang LUGI na... Personally sobrang lungkot, pero hindi naman natatapos lang ang kuwento sa lahat paghihirap, masarap ding balikan kung paano tayo nakabangon.

Kung mahilig po kayo sa kuwentong sawi, eto po yung nauna kong entry. Sana kinapulutan nyo rin ng aral.

posted October 16, 2010 06:52AM
zirky8
zirky8
stars
Elite Sulitizen
405 posts
  • Registered: Oct 18, 2009
  • Last Access From: Philippines

Ang ganda ng pagkaka-narate ng kwento. Parang inakda ng magaling na manunulat. Maayos ang "context of the story". Merong introduction, plot, etc. Pero ang talagang agaw pansin e yung conclusion;

"Sing-ganda ng musika, laging napapanahon mapabago o mapaluma pa. Maingay o sintunado man ito, isa lang ang isinisigaw ng mga nagpapatotoo… kundi dahil sa sulit, wala na kami sa negosyong ito. Ika nga eh "Yan ang talo na, naipanalo pa!" Nang dahil sa sulit.com.ph, tunay na balik-sigla ang negosyong dating lugi na."

Sir King ang kwento mo e talagang merong pinaghuhugutan. Kung gusto lang pala ng drama at "flowery" na kwento ng mga hurado sana isinama mo na rin yung panahon na Ondoy kayo dyan sa Marikina at nung ma dengue ka. Pero ano nga ba ang relation nun sa Sulit.com.ph?
Para sa aking pagkakaintindi ,malaki ang bahagi ng Sulit. Kasi kung hindi dahil sa mga tumatangkilik ng Sulit maaring ang labang talo na sana ay nanatiling talo pa rin hanggang ngayon.

More power sayo Sir King at lalong more power sa SULIT.

1 member thinks this post is SULIT!
posted October 17, 2010 07:11PM
kingderby
kingderby
stars
Majestic Sulitizen
8461 posts
  • Registered: Apr 4, 2009
  • Last Access From: Philippines
zirky8 posted on October 16, 2010 06:52AM

Ang ganda ng pagkaka-narate ng kwento. Parang inakda ng magaling na manunulat. Maayos ang "context of the story". Merong introduction, plot, etc. Pero ang talagang agaw pansin e yung conclusion;

"Sing-ganda ng musika, laging napapanahon mapabago o mapaluma pa. Maingay o sintunado man ito, isa lang ang isinisigaw ng mga nagpapatotoo… kundi dahil sa sulit, wala na kami sa negosyong ito. Ika nga eh "Yan ang talo na, naipanalo pa!" Nang dahil sa sulit.com.ph, tunay na balik-sigla ang negosyong dating lugi na."

Sir King ang kwento mo e talagang merong pinaghuhugutan. Kung gusto lang pala ng drama at "flowery" na kwento ng mga hurado sana isinama mo na rin yung panahon na Ondoy kayo dyan sa Marikina at nung ma dengue ka. Pero ano nga ba ang relation nun sa Sulit.com.ph?
Para sa aking pagkakaintindi ,malaki ang bahagi ng Sulit. Kasi kung hindi dahil sa mga tumatangkilik ng Sulit maaring ang labang talo na sana ay nanatiling talo pa rin hanggang ngayon.

More power sayo Sir King at lalong more power sa SULIT.


Hindi na po boss zirky, preparing for the 3rd week entry na lang ako... hindi maubusan ng pinaghuhugutan ng mga testimonial eh, basta sulit ang pinagusapan. Basta importante, ke-entry ito o hindi, ang pinakamaganda ay naipamahagi ang aral at simpleng mensahe.

posted October 18, 2010 09:17AM
10chok
10chok
stars
Sulitizen-to-be
2 posts
  • Registered: Jun 20, 2008
  • Last Access From: Philippines

Ang ganda ng istorya mo KING DERBY, kinapulutan ko ng aral. Sipag at tiyaga lang ang kailangan at tiwala sa DIYOS. Ang galing mo.

posted October 31, 2010 10:18AM
accountno0543210101
accountno0543210101
stars
Majestic2 Sulitizen
18800 posts
  • Registered: Jan 9, 2010
  • Last Access From: Philippines
iba talaga ang nagagawa ng sulit sa business
posted December 8, 2010 01:40PM
llerademo
llerademo
stars
Veteran Sulitizen
268 posts
  • Registered: Mar 27, 2009
  • Last Access From: United States
congrats!! more blessings to come
Need support? Need help? Back to top ▲