Guys,balak namin ng mister ko na maging distributor or agent ng iba't ibang klase ng sapatos made in the Philippines dito sa scandinivian country at naghahanap kami ngayon ng wholesaler na makakapagbigay ng matitibay at magagandang producto nila...meron po ba kayong alam na factory sa pinas na pwede niyong i-suggest sa amin para pagkuhanan ng kelangan naming product?
Any ideas from you guys is very much appreciated...TIA..
Ate ang maisusuggest ko po sa inyo ay ang Marikina, dahil may mga maliliit na shop doon na talagang may quality at naididisplay sa mga mamahalin shop sa atin, pero mataas din ang presyo. Pwede po siguro kayong makipagcoordinate sa office ng Mayor para maiguide kayo sa mga gumagawa.