Forum Search

Best Business ng OFW? at ng Balikbayan?

posted February 14, 2011 03:39PM
xleon
xleon
stars
Sulitizen
85 posts
  • Registered: Dec 3, 2007
  • Last Access From: Saudi Arabia

Kung kayo ay nagta-trabaho sa ibang bansa at nais niyo ring kumita ng business sa Pinas, ano ang pinaka-ideal business na maimumungkahi niyo? Kung ang naisipan niyo ay pwede pang i-manage sa ibang bansa ay mas mainam po ito. Ako po kasi ay isang OFW na nagta-trabaho dito sa Jeddah, Saudi Arabia at nag-iisip ng magandang negosyo sa Pinas na pupuwede kong ma-monitor dito. At kukng sakaling mag-exit dito ay pwede kong ipagpatuloy sa Pinas ng walang halos hassle.

Maraming salamat po!

posted February 14, 2011 04:18PM
bonggutierrez
bonggutierrez
stars
Legendary Sulitizen
3804 posts
  • Registered: Jul 20, 2009
  • Last Access From: Saudi Arabia
Marami ng OFW lalo't galing sa Middle East ang umasenso noong nag for good na sila sa Pilipinas isa sa classic example dyan ay iyon isang taga Pampanga na nakapagtayo ng isang mall sa isang commercial place sa Luzon. Lagi siyang na feature sa mga TV program tungkol nga sa mga buhay OFW.
posted February 14, 2011 04:38PM
traveller01
traveller01
stars
Veteran Sulitizen
372 posts
  • Registered: Jun 25, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia
bonggutierrez posted on February 14, 2011 05:18PM
Marami ng OFW lalo't galing sa Middle East ang umasenso noong nag for good na sila sa Pilipinas isa sa classic example dyan ay iyon isang taga Pampanga na nakapagtayo ng isang mall sa isang commercial place sa Luzon. Lagi siyang na feature sa mga TV program tungkol nga sa mga buhay OFW.


ang galing naman nun, magaling mag impok ang asawa sa Pinas, hehe.. yong iba kase kahit malaki ang buwang padala ni Mister  abroad napupunta lang minsan sa kawalan, laging sinasabi ng kaibigan ko dati buti pa daw nung nasa Pinas siya  kahit 16K lang monthly salary niya nagkakasya, ngayon na nasa abroad na 85K to 90K ang monthly remittance pero minsan daw kinakapos parin si Mrs.

@ Topic: Kung Medyo malaki na siguro ang naipon pwede na invest sa real state for rentals, para derecho ang kita kahit nasa labas, or bili ng ibang pangkabuhayan gaya ng Public vehicles pampasada, or maghanap ng business partners sa pinas, kung walang ibang maisip  maghanap ng lang  siguro ng Bangko na may mataas na interest sa time deposit then time deposit na lang muna, sa interest ka kikita.

posted February 14, 2011 06:50PM
xleon
xleon
stars
Sulitizen
85 posts
  • Registered: Dec 3, 2007
bonggutierrez posted on February 14, 2011 05:18PM
Marami ng OFW lalo't galing sa Middle East ang umasenso noong nag for good na sila sa Pilipinas isa sa classic example dyan ay iyon isang taga Pampanga na nakapagtayo ng isang mall sa isang commercial place sa Luzon. Lagi siyang na feature sa mga TV program tungkol nga sa mga buhay OFW.

Ang galing nga nito. Ang naaalala kong laging nafe-feature ay yung kabayang nag-waiter sa GCC hanggang sa naging manager at nagkaroon ng sariling restaurant sa Pinas. He started almost from nothing at naglalako pa siya ng food noon - ngayon Five Star na yata yung kanyang restaurant sa manila.

Naisip ko sana kasi ay merchandizing kaso ay mahirap makakuha ng product na ime-merchandize mo kung nasa ibang bansa ka (lalo kung nasa Saudi Arabia). Yung mga product naman dito ay mahal kaya di ideal na iangkat sa Pinas. Bawal naman kapag cellphones (mura kasi dito and cellphones) ang iangkat ko sa atin.

Ang dami kong naiisip, isa nga rin sa gusto ko ay ay local travel agency lang. Kaya lang tingin ko ang dami ko pang kakaining bigas para doon at di ko pa alam ang pasikot-sikot sa larangan nito. Ano pa kaya?

Maganda rin pala yung mungkahi mong real estate @traveller, kaso wala pang gaanong ipon para jan. Nakabili ako ng lupa pero walang bahay hehe!. At yes, yung time deposit ay isa sa naging option naman noon pa man kahit maliit ang return. Meron na kami actually na time deposit kaso ay di na namin naa-update. Hopefully pag-bakasyon ay dadagdagan namin ito.

posted February 14, 2011 07:01PM
vanss
vanss
stars
Majestic3 Sulitizen
40911 posts
  • Registered: Jan 11, 2008
  • Last Access From: Philippines
#1 Poster (All Time)
isa rin naman akong ofw... naka base din sa al khobar... although sa ngayon ay nandito sa pinas at nagbabakasyon din naman...

di man best ang napili kong negosyo sa pangkalahatan... pero andito ang passion ko... at nag eenjoy ako sa pag mamanage ng 2 kong internet shop... at nasa real estate industry din naman... heheeh... ayos lang din at least nakakatulong din naman tayo sa mga ofw... lalo na at nasa bandang middle east din naman... kung saan mas madali kong napapaabot ang mga information ba... hehehe...
posted February 14, 2011 07:17PM
traveller01
traveller01
stars
Veteran Sulitizen
372 posts
  • Registered: Jun 25, 2010
  • Last Access From: Saudi Arabia

@xleon : maganda sana mag angkat ka ng Saudi Gold tapos ibenta sa pinas, magkano ba per gramo ng ginto ngayon sa Saudi? kaso dami kang isaalang alang like airport restrictions, custom duty  at kung ano ano pang usaping legal alinsunod  sa batas ng saudi at Pilipinas.

Ako nga rin napapaisip din kung anong magandang negosyo na pwedeng pagalawin sa Pinas kahit nandito tayo sa labas. Maganda rin yata mag franchise ng mga foodcart sa mga malls, yong isang kasama ko nagfranchise ng Zagu sa isang mall sa Pinas, so far so good naman daw ang kita, 300K+ ang capital.

Kung sa probinsiya nakatira pwede ring subukan ang tilapyahan, or poultry, pero dapat kabisado ang pasikot sikot o systema ng negosyong ito para mas mataas ang chansang kumita ng mas malaki  pag ibinagsak na ito sa merkado publiko.

pwede rin yong naisip mong travel agency sa pinas, pero sabi mo nga medyo madugo dugo ang proceso nito.

sabi ko nga sa asawa ko, magtayo na lang kami ng Beershouse, then siya narin ang sasayaw para makatipid kami sa manpower, hehe.

 

Ipon Ipon na lang muna siguro tayo, obserbahan natin kung ano ang patok sa market sa mga susunod na araw.

 

posted February 14, 2011 07:19PM
john2728
john2728
stars
Elite Sulitizen
481 posts
  • Registered: May 23, 2010
  • Last Access From: Philippines
Balikbayan bussiness ba?ang patok kasi dito pinas foodcart eh
posted February 14, 2011 07:24PM
juliet01
juliet01
stars
Legendary Sulitizen
3573 posts
  • Registered: Feb 26, 2009
  • Last Access From: Philippines
yes food cart... Pero try din kayo join sa MLM... merong 770 pesos lang.
posted February 14, 2011 07:33PM
elninojc
elninojc
stars
Ultimate Sulitizen
2511 posts
  • Registered: Feb 1, 2010
  • Last Access From: Philippines

maganda siguro kung may pwesto na kayo para hindi na kayo uupa at mababantayan ng maganda

posted February 15, 2011 12:44AM
xleon
xleon
stars
Sulitizen
85 posts
  • Registered: Dec 3, 2007
Yun nga ang problema talaga sa business na kadalasan ngayon - yung taong pagkakatiwalaan mo. Minsan kahit kamag-anak na ngayon ay naglolokohan na rin at nauuwi sa argumento, ganun din sa mga friends. Tila ang mapagkakatiwalaan mo na lang minsan ay kayo mismo at ang kabiyak niyo.

Yung foodcart ay kailangan mo rin ng tao siyempre at ang nakakatakot ay kung bebenta nga ba talaga yun. Kasi minsan daw ay very old or bloated daw ang forecast ng sales or income ng mga franchisers para lang makahugot ng mga franchisee. Haaay!

Ang hirap naman ng so far so good, kasi pwedeng pabagsak yung so far niya hehehe!

Ang MLM ay medyo ma-effort din hehe! You really have to come up with a best laid plan to get people to join you - siguro kung magaling ka talaga sa sales ay di mo problema yun.

So far ang naiisip ko ngang ideal is apartment rental, siyempre you have to have your own house or apartments in order to do this. Kaso lupa lang nag meron kami hehehe! Hmmm.... isip pa.
posted February 15, 2011 12:51AM
assejessa007
assejessa007
stars
Legendary Sulitizen
5815 posts
  • Registered: Dec 9, 2007
hmm, ako marami i-ooffer. hehe
posted February 15, 2011 01:11AM
jessyfm
jessyfm
stars
Supreme Sulitizen
1191 posts
  • Registered: Mar 19, 2008
  • Last Access From: Philippines

isang business na international ang license. HIndi lang Pilipinas ka pwedeng magnegosyo pwede rin sa iba ibang country na open ang company.

posted February 15, 2011 03:06PM
xleon
xleon
stars
Sulitizen
85 posts
  • Registered: Dec 3, 2007
Yung sales ng mga product ay di ako magaling, siguro kung gadgets ay pwede pa dahil medyo may pagka-gadget freak ako eh hehe! Oo nga no... hmmm... kaya lang pala ang problem doon ay ang supply saan manggagaling, it's either I have to have contacts in China, Taiwan, Malaysia, etc... or if merong local na pwedeng magbigay ng dealer price ay ayos din.
posted February 16, 2011 03:18PM
bonggutierrez
bonggutierrez
stars
Legendary Sulitizen
3804 posts
  • Registered: Jul 20, 2009
  • Last Access From: Saudi Arabia
Kung ang mga resources mo kagaya ng lupa at time deposit it mean. It mean ang asset mo ay naka stagnant. Bakit ko nasabi ang lupa ay wala pa ring passive income unless kung ito ay mabebenta mo ng mataas sa pagkabili mo pero kung biglaan mo itong ibebenta natural at sa hindi sa mas mababang presyo sa Fair market value ng lupa mo. At sa time deposit magkano lang ang kita niyan may tax pa. Kung maayos mong magagamit ang asset mo you should try to stay as liquid as you are.
posted February 16, 2011 03:25PM
caviteresidences
caviteresidences
stars
Veteran Sulitizen
218 posts
  • Registered: Mar 14, 2010
  • Last Access From: Philippines
tingin ko habang nasa abroad pa, magtry na ng selling, pwede naman eh thru internet, then pagdating dito tsaka palaguin
posted February 16, 2011 03:37PM
hoswa
hoswa
stars
Legendary Sulitizen
3861 posts
  • Registered: Jan 2, 2010
franchise ka ng restaurant at itayo mo sa mall..
posted February 16, 2011 03:58PM
xleon
xleon
stars
Sulitizen
85 posts
  • Registered: Dec 3, 2007
Salamat sa mga suggestions, marami talagang promising na businesses ngayon ang kaso lang ay medyo costly siya hehe!
posted February 26, 2011 05:21PM
elabiz06
elabiz06
stars
Majestic Sulitizen
12428 posts
  • Registered: Aug 8, 2007
  • Last Access From: Qatar
I have several condo for rental at the Metro and a Hostel naman in Baguio. So far okey ito dahil I can manage it remotely kasama ang mga anakis ko.
posted February 26, 2011 05:25PM
arkijob
arkijob
stars
Veteran Sulitizen
311 posts
  • Registered: Apr 26, 2010
  • Last Access From: Philippines
yeah usually yung mga business na walang mandohan, yung invest a big price then income ay pasok lang.. rental at comp. shop oks siya.
posted April 9, 2011 01:56PM
rcggallego
rcggallego
stars
Certified Sulitizen
197 posts
  • Registered: Mar 30, 2011
  • Last Access From: Sweden
patok pa din ngayon mga food cart,comp.shops,,mga stalls sa malls,accesories..beauty products,,kaya lang dapat may pinagkakatiwalaan kang tauhan or pwede na din si misis,,or mga kamag-anak;;
posted April 9, 2011 02:06PM
ugetrich
ugetrich
stars
Veteran Sulitizen
386 posts
  • Registered: Nov 5, 2010
  • Last Access From: Philippines

Being an OFW, I believe na you still have friends na nandoon pa sa ibang bansa working and they have circle of friends too. What about sell them Filipino products like chicharon, kornik, o di kaya mga liniment. You can still earn dollars by sending them these items.

Need support? Need help? Back to top ▲