| posted July 30, 2011 08:52AM |
Cordille Majestic2 Sulitizen 15630 posts - Registered: Sep 9, 2009
- Last Access From: Saudi Arabia
| tama ka diyan, kaya sa bahay dati aso ang inaalagan pero problema lagi dahil hindi namin itinatali kasi kawawa naman. Minsan itinatali namin, maririnig mo sa gabi laging dumadaing. Ang problema pag nakalaya perwisyo din kasi nangangagat ng tao or kahit saan saan pupunta at pagtripan pa ng namumulutan. Kaya pusa na lang alaga sa bahay para hindi na kailangan itali. |
| |
| posted July 30, 2011 09:06AM |
murangbahaylupa Ultimate Sulitizen 2377 posts | for me pets should be treated well. kahit nakakulong basta tama ang pagaalaga at napapakain ng tama at nalalambing ang pet, tingin ko ok naman na nakakulong kesa gumala at makasakit ng ibang tao... ganyan kasi dog namin, bawal kasi sa subdivision namin na pakawalan ang pet especially dogs dahil threat sa mga homeowners... pero mahal namin dogs namin!!! |
| |
| posted July 30, 2011 09:26AM |
johnpaulrabe2986 Majestic3 Sulitizen 26813 posts - Registered: Oct 8, 2008
- Last Access From: United Kingdom
| hindi dapat gawin yan sa hayop.. wag nalang sila mag alaga kung ganun din gagawin nila......... |
| |
| posted July 30, 2011 09:29AM |
aycee1124 Veteran Sulitizen 304 posts - Registered: Nov 20, 2010
- Last Access From: Philippines
| hindi dapat gawin yan sa hayop.. wag nalang sila mag alaga kung ganun din gagawin nila......... Tama nga naman. haha May karapatan kasi ang mga hayop na maglibang :) View message logs aycee1124: updated on July 30, 2011 10:06AM |
| |
| posted July 30, 2011 09:52AM |
chippoy Certified Sulitizen 138 posts - Registered: Jun 30, 2009
- Last Access From: Philippines
| Sa akin naman po I guess dog cages and leashes are essential to pet ownership. A leash is important lalo na if you are walking your dog in public, for their safety and the people also. Bihira naman ata may doghouse dito sa atin, kaya madalas dog cage ang ginagamit, if one lives in a small house with an open yard, mahirap kung nakawala lang ang dog mo, puwede siya maki-mingle with stray dogs tapos mahawa ng kung anong sakit. Iba naman siyempre ang usapan ng trying to domesticate a wild animal, like a tiger, wolf or mga snakes. They are not made that way, kaya sila ang kawawa once you make them pets or worse, ikaw ang kawawa once they turn on you for trying to keep them. Pets are like family, we are to take care of them and they are also to take care of us, physically and emotionally. We have a responsibility to them, therefore, some means are essential that adheres to this. |
| |
| posted July 30, 2011 10:24AM |
grrrrrrrrrr Supreme Sulitizen 904 posts - Registered: Nov 23, 2010
- Last Access From: Taiwan
| Hindi ko kinukulong ang alaga kong aso sa kulungan ng aso, tanging loob ng bahay namin ang kulungan nya. paikot ikot at patakbo takbo ng pabalik balik sa buong bahay namin. Kahit walang tao ni isa sa bahay namin at naiiwan sya ay hindi sya nag sisira or nang gugulo ng mga gamit dahil tinuruan namin sya ng magandang asal, Alam nya ang mga bawal at hindi. Nakakalabas lang sya ng bahay namin kapag kasama kami at maglilibot sa lugar namin. Pero never namin syang pinayagang makalabas ng bahay ng mag isa dahil maraming mga PATAY GUTOM na manginginom sa labasan na kumakain ng aso. Kaya never namin syang pinalabas ng hindi kami kasama.Never din namin syang tinalian sa loob ng bahay. Pero kapag lalabas kami ay don lang namin sya tinatalian pero hindi sa leeg dahil baka masakal sya. Ang tali na binili namin para sa kanya ay yung naka tali sa palibot ng chest nya na malapad para hindi sya nasasakal. Panget kasi ang mga tali na para sa leeg lang nakakasakal yon. Kaylangan namin syang talian kapag mag gagala sa lugar namin para sa kanyang safety, dahil baka bigla syang tumakbo at ma excite kapag naka kita ng ibang aso or pusa or kung ano pa man. Ayaw namin sya dumikit sa asong alam naming hindi malinis.Kaya need talagang itali sya dahil Maaari syang masagasaan kapag hindi nya nakontrol ang sarili nya sa pag takbo kapag naka kita ng kalaro... At never din namin syang iginala sa labas ng hindi naka suot ng sapatos dahil baka matibo sya or makatapak ng tae sa labasan. At ayaw rin naming dumikit ang paa nya sa lupa dahil, sa lupa at damuhan nakukuha ang mga kuto. At syempre kumpleto sya sa mga pagkain, gamit, at gamot. Lahat ng klase ng bakuna para sa aso ay nasa kanya na, para siguradong ligtas sya sa lahat ng klase ng mga sakit.Hindi biro ang gastos kapag may alagang aso, pero sa mga taong may balak na mag alaga ng aso or may alagang aso, kung hindi ninyo kayang ibigay ang mga pangangailangan ng alaga nyo tulad nalang ng mga bakuna ay wag na kayong mag aso. Dahil para nyo naring pinatay ang aso nyo. View message logs grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:41AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:40AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:36AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:30AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:30AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:29AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:26AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:25AM grrrrrrrrrr: updated on July 30, 2011 10:25AM |
| |
| posted August 4, 2011 04:55AM |
konekochii Sulitizen 69 posts - Registered: Mar 24, 2010
- Last Access From: Philippines
| Kinukulong ko lang po yung pet ko kapag may taong matutulog sa kwarto ko. Pero as much as possible ayokong kinukulong ang mga hayop... Mas lalo kasi silang tumatapang... |
| |
| posted August 4, 2011 05:30AM |
great2find Majestic2 Sulitizen 21691 posts - Registered: Oct 9, 2007
- Last Access From: Philippines
| depende kasi yun sa area niyo o sa bahay niyo mismo..... siyempre priority ang safety ng tao kesa hayop |
| |
| posted August 4, 2011 06:35AM |
inodz05 Legendary Sulitizen 3814 posts - Registered: Jan 11, 2008
- Last Access From: Philippines
| sakin mga aso ko, may freedom..nakakapunta sa kung saan naman nila gusto..at di namamaminsala.. madaling kumahol,pero di nangangagat..yung pinakamatanda, 12yrs. old na on nov. guwardya mga iyan sa farm at sa bahay.tama, wag ka na lang mag alaga kung kukulong mo lang din.. kaw din kaya ikulong sa loob ng bahay sa buong buhay mo, gusto mo ba? makonsesya ka!  View message logs inodz05: updated on August 4, 2011 06:40AM |
| |
| posted August 4, 2011 06:37AM |
vincelegazpi Sulitizen 63 posts - Registered: Jul 13, 2011
- Last Access From: Philippines
| Para sa akin, dapat HINDI itali/ikulong ang alagang hayop. Dapat di ka nalang nag-alaga kung ganun lang din ang gagawin mo, walang kalayaan ang pet mo. Kung ang dahilan ay delikado yung pet mo, wag mo nalang gawing pet o wag mo nalang alagaan, alisin mo nalang sa bahay.
Wala din saysay sa mundo yun kung nakatali/nakakulong. Kaya nga siya nabuhay para din sa kalayaan parang tao... Kung ikaw nga mismo tao ayaw ang tinatali/kinukulong, sila pa kaya.. Isipin din natin ang nararamdaman nila.. :) |
| |
| posted August 4, 2011 06:44AM |
elmer29 Majestic3 Sulitizen 26882 posts - Registered: Oct 31, 2007
- Last Access From: Philippines
| nakaka awa talaga kaya ayaw kong mag alaga ng pet dito sa maynila kasi no choice ka kailangan mong ikulong o itali |
| |
| posted August 4, 2011 10:00AM |
grrrrrrrrrr Supreme Sulitizen 904 posts - Registered: Nov 23, 2010
- Last Access From: Taiwan
| dapat talagang hindi ikinukulong ang aso sa kulungan ng aso at hindi dapat itali na nasasakal na ang leeg at lalong hindi dapat kumakain ang isang tao ng aso ke aso nya yon or aso ng iba dahil masahol pa sa PATAY GUTOM na maituturing ang taong kumakain ng aso. Makonsensya naman kayo pweh!!! View message logs grrrrrrrrrr: updated on August 4, 2011 10:01AM |
| |
| posted August 4, 2011 10:38AM |
adiole Elite Sulitizen 470 posts - Registered: Apr 1, 2011
- Last Access From: Philippines
| for me,once na ikinulong mo yung isang aso mas lalo lang siyang tatapang |
| |
| posted August 4, 2011 10:46AM |
melencio13 Elite Sulitizen 598 posts - Registered: Feb 10, 2011
- Last Access From: Philippines
| wala kaming alagang aso, kasi ayaw kong tinatali o kinukulong sila... pero yung mga kapit bahay ko, nangangagat ang aso nila kaya masgusto ko pang ikulong nalang nila yun kesa ako naman ang makagat... |
| |
| posted August 4, 2011 10:46AM |
chanserve Elite Sulitizen 582 posts - Registered: Jun 9, 2008
- Last Access From: Philippines
| hindi ko tinatali or kinukulong aso ko, well behaved aso namin kaya hindi kailangan itali or ikulong |
| |
| posted August 26, 2011 12:23PM |
mediacon Ultimate Sulitizen 2742 posts - Registered: Aug 18, 2011
- Last Access From: Philippines
| Animal cruelty, lalo pa at mabait naman ung pet nyo. |
| |
| posted September 1, 2011 01:52PM |
jrrob26 Majestic Sulitizen 11364 posts - Registered: Jan 24, 2010
- Last Access From: Philippines
| yung aso naman dati hindi namin tinatali pero madalang lang siyang lumabas ng bahay |
| |
| posted September 1, 2011 01:56PM |
elabiz06 Majestic Sulitizen 12428 posts - Registered: Aug 8, 2007
- Last Access From: Qatar
| It is very tedious to care for animal, para ka 'rin nag-aalaga ng isang anak. Sa aking Baguio house mayroon akong mga aso but then nakagagala sila sa aming bakuran dahil gated naman ito kaya walang problema but since palagi kaming wala doon, they are cared by my neighbors lang...well taken care ang pakain dito but 'yung paligo bibihira lang. |
| |
| posted September 9, 2011 05:24AM |
argentumproject Supreme Sulitizen 1228 posts - Registered: Oct 27, 2010
- Last Access From: Philippines
| ikulong nyo aso nyo sa bahay nyo. kse kami naman na walang aso ang napeperwisyo pag gumagala ang aso nyo at tinatakot kami. kahit pa sabihin nyong well-behaved yan. sa inyo well-behaved e sa taong di nya kilala?
minsan may nagbukas ng gate namin at di agad naisara biglang pumasok yung dalmatian ng kapitbahay. yikes, ang tangkad pa naman nya! e may bata pa naman sa compound namin at may pets kami na pusa. buti na lang napalabas din namin. at that time parati kong nakikita yung dalmatian na yun na gumagala gala sa kalsada, walang leash, walang bantay, walang kahit ano.
one time naman, binuksan namin yung gate dahil may dumating na bisita. yung aso ng kapitbahay (di ko alam yung breed- maliit siya pero parang stockier sa chihuahua) namataan yung kuting namin na malapit sa gate. pumasok at kinagat yung kuting sa ulo. uka yung bungo. di ako naniniwala na pag kinukulong ang hayop lalong tumatapang dahil itong aso na to e laging inilalabas ng maid pero ang tapang tapang. pag nakakita ng ibang aso parang ayaw tantanan at gusto ng away.
one time naman nakita ko yung isang chow-chow na kinagat yung aso ng kapitbahay. alang bantay yung chow-chow.
nung bata naman ako naglalaro kami ng habulan tapos habang nagtatakbuhan kami natapat kami sa isang bahay na may chihuahua. kumahol yung chihuahua tapos lumusot sa gate. yung gate kse a may grills na ang spacing malaki pa dun sa aso kaya ang dali-dali sa kanyang lumabas ng gate. hinabol kami. muntik na akong makagat.
nung bata pa ako papunta akong bakery nang hinabol ako ng aso. kasama ko kapatid ko, tapos sa takot ko tumakbo ako paikot sa kapatid ko. nalawayan binti ng kapatid ko.
muntik na rin akong madamba ng german shepherd isang umaga bago ako pumasok sa school. buti na lang may dumating na lalaki at kinuha yung atensyon nung aso.
meron namang resident dito noon na nagjajogging muntik makagat nung aso ng kapitbahay. nagsisigaw siya. at yung mayari pa ng aso ang may ganang magalit at pinagbantaan pa yung jogger.
kung ayaw ikulong ang aso , siguraduhin man lang na hindi rin sila nakakaperwisyo ng iba. kung naaawa kayo sa hayop, maawa din kayo sa tao.
peace! |
| |
| posted September 11, 2011 08:59PM |
mediacon Ultimate Sulitizen 2742 posts - Registered: Aug 18, 2011
- Last Access From: Philippines
| Kapag ang pet especially dog ay nakakulong, mas matapang sila kaya mas nakakatakot... |
| |