yan po ang hirap sa atin, mabilis tayong magreklamo, hindi muna pansinin kung ano ba ang magagawa ng bawat isa upang mapabuti ang gobyerno. honestly speaking, nagpapasalamat ako sa ating gobyerno at dahil dito nakatapos ako sa pag-aaral, dahil sa napakababang tuition fees sa mga State University at mataas na kalidad ng pagtuturo, in return, dapat pong ibigay natin ang ating serbisyo sa ating pamahalaan ano mang oras na hingin ito, at ang tungkulin ng isang makabayan ay dapat iukit sa puso, hindi puro reklamo, pero wala namang ginagawa.
Bilang taxpayer, natural lang na malaman natin kung saan napupunta ang binanabayad nating mga buwis sa gobyerno. Transparent dapat ang lahat, kaya normal lang na suriin at magreklamo kung mali ang mga pinaggagagawa ng ating pamahalaan.
Bro, hindi gobyerno nagpa-aral sa iyo, mga buwis ng mamamayan ang ginastos sa iyo. Kaya may utang ka sa mamamayan hindi sa gobyerno.