Forum Search

Corona's impeachment

This topic is locked.
posted December 17, 2011 03:19PM
sportstuff
sportstuff
stars
Certified Sulitizen
101 posts
  • Registered: Jul 1, 2011
  • Last Access From: Philippines

ano pong opinyon nyo dito? 

nabilisan ba kayo sa impeachment ni corona sa kongreso? mabilis din kaya ang takbo ng impeachment sa senado? sapat na ba ang impeachment nya para dumaan sa tamang proseso ang kaso nina arroyo at abalos? hindi ba masyado namang pinagtutuunan ng administrasyon ang problemang ito na nakakalimutan ng may iba pang problema ang pilipinas?

masyadong "open" at direktang manira si PNoy kay corona. kahit pakitang-tao man lang sana, magpakita siya ng respeto. hindi tama na naninira ang presidente ng kapwa opisyales, maging  may punto man siya o wala.

ano po sa tingin nyo? 

Locked | Report Report
posted December 17, 2011 03:27PM
dappy
dappy
stars
Majestic Sulitizen
12302 posts
  • Registered: Oct 23, 2011
  • Last Access From: Philippines
#10 Poster (Last 24 Hours)
ang tanong ko nag bakit ba iimpeach si korona?bakit si korona lang.bakit kaya bang manipulahin ng isang boto lang ang supreme court..pag-tuunan nya ng pansin yung executive..kailangan ang pamumuno nya dun..wag ng pakialaman nang judiciary.
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 03:37PM
StarAppleKennel
StarAppleKennel
stars
Ultimate Sulitizen
2240 posts
  • Registered: Dec 28, 2008
  • Last Access From: Philippines
ok lang impeach, bias na kasi sya.
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 05:50PM
Redphoenix621
Redphoenix621
stars
Veteran Sulitizen
227 posts
  • Registered: Sep 6, 2009
Para medyo questionable yung nangyari kasi pinatutsadahan muna ni PNoy si Corona tapos kasunod na pala yung impeachment dun...
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 06:07PM
sportstuff
sportstuff
stars
Certified Sulitizen
101 posts
  • Registered: Jul 1, 2011
  • Last Access From: Philippines
Redphoenix621 posted on December 17, 2011 06:50PM
Para medyo questionable yung nangyari kasi pinatutsadahan muna ni PNoy si Corona tapos kasunod na pala yung impeachment dun...

yun ang di kanais-nais dito. presidente ang pasimuno sa paninira, hindi lang kay corona, pero sa buong justice system ng pinas. di po ako maka-corona, pero hindi ko gusto ang nangyayari between executive at judiciary branch natin.

Locked | Report Report
posted December 17, 2011 07:17PM
great2find
great2find
stars
Majestic2 Sulitizen
21688 posts
  • Registered: Oct 9, 2007
  • Last Access From: Philippines
#20 Poster (All Time)
malaki pa rin ang impluwensiya ni former President GMA kay Renato Corona and practically the Supreme Court whether you believe it or not. she will not appoint him during her last days of reign without any reason.... part of the Midnight appointees

2 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 07:21PM
rvp1156
rvp1156
stars
Majestic2 Sulitizen
13693 posts
  • Registered: Jul 11, 2009
  • Last Access From: Philippines
great2find posted on December 17, 2011 08:17PM
malaki pa rin ang impluwensiya ni former President GMA kay Renato Corona and practically the Supreme Court whether you believe it or not. she will not appoint him during her last days of reign without any reason.... part of the Midnight appointees

kung mapapatunayan na nandaya si GMA sa election?? nangangahulugan na lahat ng kanyang appointees ay bogus???

View message logs
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 07:33PM
dest
dest
stars
Ultimate Sulitizen
1620 posts
  • Registered: May 21, 2008
  • Last Access From: Philippines
sportstuff posted on December 17, 2011 04:19PM

ano pong opinyon nyo dito? 

nabilisan ba kayo sa impeachment ni corona sa kongreso? mabilis din kaya ang takbo ng impeachment sa senado? sapat na ba ang impeachment nya para dumaan sa tamang proseso ang kaso nina arroyo at abalos? hindi ba masyado namang pinagtutuunan ng administrasyon ang problemang ito na nakakalimutan ng may iba pang problema ang pilipinas?

masyadong "open" at direktang manira si PNoy kay corona. kahit pakitang-tao man lang sana, magpakita siya ng respeto. hindi tama na naninira ang presidente ng kapwa opisyales, maging  may punto man siya o wala.

ano po sa tingin nyo? 

Post ko dito, baka yong katanungan mo. nandito ang sagot.

Independence kuno

“Sinisira ni PNoy ang judiciary natin! Mga bully!”

“Dapat naman independent ang Supreme Court, gusto lang kasi ni PNoy na appointee niya ang chief justice para lahat ng gusto niya masunod!”

“Nag-aaksaya lang sila ng panahon diyan sa impeachment na ‘yan! Eh kung gawan na lang nila ng paraan ang matinding kahirapan sa Pilipinas? Hindi naman tayo yayaman kung ma-impeach si Corona!”

Pamilyar ba ang mga linyang ito? Maaaring narinig ninyo ito sa kapitbahay, nabasa sa dyaryo o Internet o ‘di kaya’y kayo mismo nagsabi nito.

Hindi ako sumasang-ayon sa ganitong klaseng pag-iisip. Bakit hindi?

Hindi paninira ang impeachment process. Kasama talaga sa ating batas ang impeachment bilang isang sistema laban sa katiwalian. Isa itong paraan upang masigurado natin na totoong naninilbihan para sa atin -- mga taumbayan -- ang bawat sangay ng pamahalaan. Mayroon naman talagang karapatan at responsibilidad ang Kongreso upang bantayan ang panghukuman natin; at kung natagpuan na may katiwalian o bintang ng katiwalian, tama lang na dumaan sila sa proseso ng impeachment. Magiging bullying lang ito kung bigla na lamang patalsikin si Chief Justice Renato Corona nang walang proseso.

Dapat naman talaga independent ang Supreme Court. Ang kaso, mukhang nalilito ang mga justices natin sa ibig sabihin ng ‘independent’ at ‘kalaban’. Sa naririnig ko mula sa kanila, independent ka kung taliwas sa gusto ng Pangulo ang ginagawa ninyo.

Haller. Hindi kaya!

Independent ka kung ang mga desisyon ninyo bilang pinakamataas na korte ay hindi PALAGING sang-ayon kung kanino man, pangulo man o dating pangulo. Dapat sang-ayon sa batas.

Independent ka kung hindi mo pinapaboran ang isang tao lamang. Ngayon, sa voting record ni CJ Corona na mistulang palaging kumakampi kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, masasabi pa ba nating tunay siyang independent? Eh mismong appointment niya as Chief Justice, hindi pinapayagan ng ating Konstitusyon.

Tapos pinipilit pa ni Corona na kaya raw gusto siyang patalsikin ay para Aquino appointee ang maging Chief Justice at susunod sa lahat ng gusto ng Pangulo. Mawalang galang lang po, Chief (kahit matagal na kong nawalan ng galang sa iyo), ngunit hindi lahat ng justices kagaya ninyo na sususnod sa gusto ng kung sino mang nag-appoint sa kanya. Ang ibang justices, independent talaga. Baka akala ninyo na normal lang ang ganoong ugali, hindi ho.

At ano naman kung gusto niyang Aquino appointee ang CJ? Eh sa totoo lang, dapat naman talaga siya ang nag-appoint sa bagong CJ nu’ng na­ging Pangulo siya noong nakaraang taon. Pinilit ninyo lang ni Madame Gloria ang sarili niyo sa Korte Suprema. Ngayon, sino ang sumisira sa ating mga korte?

At pangatlo argumento, aksaya lang daw sa panahon itong impeachment. Ang masasabi ko lang, ganito tayo kahirap ngayon dahil sa matagal na matagal na MATAGAL na panahon, hinahayaan lang natin ang mga baluktot na opisyal na gumawa ng katiwalian nang walang pananagutan. Walang pana­nagutan = tuluy-tuloy ang ligaya = tuluy-tuloy ang hirap ng Pinoy. Gusto ng administrasyon ngayon na managot ang mga kurakot dahil ito ay isang napakalaking hadlang sa ating progreso.

Kahit magaganda ang mga programa ng pamahalaan kontra kahirapan, kung marami pa ring kurakot na opisyal, wala pa ring mangyayari sa atin. Dahil lahat ng mabuting dulot ng mga programang ito, napupunta lamang sa bulsa ng mga kurakot. Kaya dapat talaga na managot na ang mga dapat managot. Patuloy tayong naghihirap hindi dahil walang ginagawa ang pamahalaan, kundi dahil marami pa ring sakim sa kapangyarihan at pera na gagawin ang lahat huwag lang umasenso ang Pilipinas, doon kasi sila yumayaman.

Ang dasal ko lang sa impeachment na ito, sana sumang-ayon sa ligal at tamang proseso at mapatunayan talaga na nagtaksil si Corona laban sa taumbayan sa pagkampi niya kay GMA. Alam kong ‘di maiiwasan ang pulitiko dito, kaya ‘di na muna ako aasa doon. Ngunit sana manalig pa rin ang tunay na hustisya, para sa ating kapakanan at magkaroon na talaga ng independence ang Korte Suprema.

http://www.abante.com.ph/issue/dec1711/op_kp.htm

6 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 07:50PM
rvp1156
rvp1156
stars
Majestic2 Sulitizen
13693 posts
  • Registered: Jul 11, 2009
  • Last Access From: Philippines
kung labag sa batas ang midnight appointment??, dapat palang ipatupad ito ng executive at judiciary???
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 07:58PM
DiamondFire
DiamondFire
stars
Sulitizen-to-be
4 posts
  • Registered: Dec 6, 2011
  • Last Access From: Philippines
Hindi legal ang appointment ni GMA kay Corona, he was appointed during Gma's last few days as president. It's obvious she wanted powerful cronies after she step down as president to protect her during times like this. She knew what was coming.

2 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted December 17, 2011 08:22PM
rvp1156
rvp1156
stars
Majestic2 Sulitizen
13693 posts
  • Registered: Jul 11, 2009
  • Last Access From: Philippines
DiamondFire posted on December 17, 2011 08:58PM
Hindi legal ang appointment ni GMA kay Corona, he was appointed during Gma's last few days as president. It's obvious she wanted powerful cronies after she step down as president to protect her during times like this. She knew what was coming.

Kung hindi legal?? bakit naman kaya tinanggap ni Corona??? di ba dapat sila ang sandigan ng patas na batas alinsunod sa constitution?????

Locked | Report Report
posted December 18, 2011 06:52AM
armaguiddo
armaguiddo
stars
Ultimate Sulitizen
1845 posts
  • Registered: Sep 9, 2008
  • Last Access From: Philippines
kung illegal man ng pagkakapwesto ni corona ay bakit wala ito sa naisampang grounds ng impeachment?

sa palagay ko personalan na away ito ng mga corrupt at salot na tao sa ating lipunan. sa bilis ng mga pangyayari ay bwelta lamang ni abnoy sa descision ng SC tungkol sa hacienda luisita.

2 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted December 18, 2011 07:57AM
rvp1156
rvp1156
stars
Majestic2 Sulitizen
13693 posts
  • Registered: Jul 11, 2009
  • Last Access From: Philippines
armaguiddo posted on December 18, 2011 07:52AM
kung illegal man ng pagkakapwesto ni corona ay bakit wala ito sa naisampang grounds ng impeachment?

sa palagay ko personalan na away ito ng mga corrupt at salot na tao sa ating lipunan. sa bilis ng mga pangyayari ay bwelta lamang ni abnoy sa descision ng SC tungkol sa hacienda luisita.

sa pag-usad ng impeachment case ay maraming information na malalaman ang mamamayan.

si corona ay hindi ang supreme court kaya gampanan lang ng mahusay at walang bahid katiwalian ng mga kasapi ng supreme court ang kanilang tungkulin ay maibabalik muli ang tiwala ng mamamayan na ang hustisya ay pantay pantay kaya nga may piring ang simbolo at hindi bulag o nagbubulag-bulagan lamang.

bawat isang Filipino ay dapat mag-isip na mapaunlad ang bansa na magsisimula sa sariling gawa. Turuan natin na ang ating mga anak ay maging mabuting mamamayan at ipakain sa kanila ay galing sa pipagpaguran natin.

Locked | Report Report
posted December 18, 2011 10:28AM
armaguiddo
armaguiddo
stars
Ultimate Sulitizen
1845 posts
  • Registered: Sep 9, 2008
  • Last Access From: Philippines
rvp1156 posted on December 18, 2011 08:57AM

sa pag-usad ng kaso ay maglalabasan ng kaliwat kanan na baho ng mga politico.   hanggat ganito pa rin ang politika sa pilipinas ay wala akong tiwala sa korte at sa mga namamahala ng gobyerno.  maging mapagmasid na lang tayo at huwag agad maniwala at padadala sa mga balita dahil marami din bayaran na balita.

tama na sariling sikap pa rin ang ikauunlad ng sariling buhay.  pero ang katutuhanan sa ating bansa ay napakaraming tamad at umaasa lang sa may kaya nilang kamag-anak o kaibigan. 

dapat ang ikauunlad natin ay hindi yung ikinasasama ng ating kapwa dahil marami na rin ganitong naglilipan manloloko sa ating lipunan.

Locked | Report Report
posted December 18, 2011 10:55AM
nudelscasanare
nudelscasanare
stars
Elite Sulitizen
722 posts
  • Registered: Oct 7, 2009
  • Last Access From: Philippines

hindi po ako maka pnoy pero pabor ako sa ginawa nya sa sobrang daming corrupt sa pilipinas, minsan dapat ding madungisan yung kamay nya para maitama ang kamalian sa totoo lang ayaw ko kay noynoy, pero mas naiinis ako kay gloria lalo na sa mga bataan nya akala nila walang katapusan ang pagpapayaman nila at pagpapakasarap ngayon sinisingil na sila isa isa

Locked | Report Report
posted December 18, 2011 10:59AM
rvp1156
rvp1156
stars
Majestic2 Sulitizen
13693 posts
  • Registered: Jul 11, 2009
  • Last Access From: Philippines
armaguiddo posted on December 18, 2011 11:28AM
rvp1156 posted on December 18, 2011 08:57AM
armaguiddo posted on December 18, 2011 07:52AM
kung illegal man ng pagkakapwesto ni corona ay bakit wala ito sa naisampang grounds ng impeachment?

sa palagay ko personalan na away ito ng mga corrupt at salot na tao sa ating lipunan. sa bilis ng mga pangyayari ay bwelta lamang ni abnoy sa descision ng SC tungkol sa hacienda luisita.

sa pag-usad ng impeachment case ay maraming information na malalaman ang mamamayan.

si corona ay hindi ang supreme court kaya gampanan lang ng mahusay at walang bahid katiwalian ng mga kasapi ng supreme court ang kanilang tungkulin ay maibabalik muli ang tiwala ng mamamayan na ang hustisya ay pantay pantay kaya nga may piring ang simbolo at hindi bulag o nagbubulag-bulagan lamang.

bawat isang Filipino ay dapat mag-isip na mapaunlad ang bansa na magsisimula sa sariling gawa. Turuan natin na ang ating mga anak ay maging mabuting mamamayan at ipakain sa kanila ay galing sa pipagpaguran natin.

sa pag-usad ng kaso ay maglalabasan ng kaliwat kanan na baho ng mga politico.   hanggat ganito pa rin ang politika sa pilipinas ay wala akong tiwala sa korte at sa mga namamahala ng gobyerno.  maging mapagmasid na lang tayo at huwag agad maniwala at padadala sa mga balita dahil marami din bayaran na balita.

tama na sariling sikap pa rin ang ikauunlad ng sariling buhay.  pero ang katutuhanan sa ating bansa ay napakaraming tamad at umaasa lang sa may kaya nilang kamag-anak o kaibigan. 

dapat ang ikauunlad natin ay hindi yung ikinasasama ng ating kapwa dahil marami na rin ganitong naglilipan manloloko sa ating lipunan.

tama po kayo, sa hanay ng media ay may bugok rin na ang  taguri ay ac-dc group. they attack personality to get paid (collect) and defend them afterwards again to collect. sinasamantala nila ang ganitong situation para magkapera... very enterprising, lol.

tayo ang gagawa ng solusyon sa ating suliranin at hindi pwedeng iatang sa balikat ng pamahalaan. bonus kung ang pamahalaan ay may personal na maitulong o may mga serbisyong makakatulong sa mamamayan.

sa ngayon ay hayaan nating magbangayan ang lahat ng sangay ng pamahalaan upang malaman natin kung sino sino ang mga tiwaling opisyales.

1 member thinks this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted December 18, 2011 10:59AM
jmxstudiosnet
jmxstudiosnet
stars
Majestic Sulitizen
6458 posts
  • Registered: Apr 19, 2010
  • Last Access From: Philippines
sportstuff posted on December 17, 2011 04:19PM

ano pong opinyon nyo dito? 

nabilisan ba kayo sa impeachment ni corona sa kongreso? mabilis din kaya ang takbo ng impeachment sa senado? sapat na ba ang impeachment nya para dumaan sa tamang proseso ang kaso nina arroyo at abalos? hindi ba masyado namang pinagtutuunan ng administrasyon ang problemang ito na nakakalimutan ng may iba pang problema ang pilipinas?

masyadong "open" at direktang manira si PNoy kay corona. kahit pakitang-tao man lang sana, magpakita siya ng respeto. hindi tama na naninira ang presidente ng kapwa opisyales, maging  may punto man siya o wala.

ano po sa tingin nyo? 

Christmas na kasi alam nyo naman pera-pera lang yan para mapabilis..

Normal na sa society natin ang bribery. kapag may gusto tayong padaliin na trabaho dapat may 'pampadulas'. 

MAJORITY of  the lawmakers signed the resolution of impeachment against Chief Justice Renato Corona in exchange for the release of their pork barrel.

Minority Leader Edcel Lagman made this allegation as he expressed dismay over the decision of the House of Representatives to easily elevate the case to the Senate for trial.

“Many of the administration allies were blackmailed into signing the impeachment complaint by threatening those who would refuse to sign with the deprivation of their PDAF and other funding releases for their respective districts,” Lagman said.

The Department of Budget and Management has started distributing the second tranche of the pork of the administration lawmakers amounting to P35 million.

While the solons are about to receive their pork, some opposition lawmakers have not yet received even their first wave.

Those who remain porkless are Zambales Rep. Mitos Magsaysay, Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo, Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo, Iloilo Rep. Augusto Syjuco and Ang Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel Arroyo.

Lagman has condemned the DBM for its failure to release the first half of the PDAF of some opposition lawmakers, saying that this adversely affect the poor constituents who are depending on financial assistance for health and education.

The Minority leader said that the DBM should release the pork of all the lawmakers as this was the order of President Benigno Aquino III. 

“We approved the budget early enough. Masyadong late na. The GAA was signed before the end of 2010. It is expected that the releases should be done (by now),” Lagman said.

He expressed disappointment because while many majority lawmakers have already received their second tranche of pork barrel, some of the opposition lawmakers have not yet received their first tranche with only few days left before the 2011 ends.  

1 member thinks this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted December 19, 2011 06:12AM
elmer29
elmer29
stars
Majestic3 Sulitizen
26882 posts
  • Registered: Oct 31, 2007
  • Last Access From: Philippines
#10 Poster (All Time)
rvp1156 posted on December 17, 2011 09:22PM
DiamondFire posted on December 17, 2011 08:58PM
Hindi legal ang appointment ni GMA kay Corona, he was appointed during Gma's last few days as president. It's obvious she wanted powerful cronies after she step down as president to protect her during times like this. She knew what was coming.

Kung hindi legal?? bakit naman kaya tinanggap ni Corona??? di ba dapat sila ang sandigan ng patas na batas alinsunod sa constitution?????

tingin ko naman legal yon 

nasa batas na hindi pwedeng mabakante ang chief justice position.

at that time tapos na ang term ng former chief justice kaya kailangang mag appoint ng kapalit nito

Locked | Report Report
posted December 19, 2011 07:30AM
beevai
beevai
stars
Majestic Sulitizen
7162 posts
  • Registered: Sep 28, 2008
  • Last Access From: Philippines
hindi kasi mag kakaroon ng fair trial si GMA hangang siya ang SC Chief Justice......Masasayang lang ang effort ng gobyerno para litisin si GMA hangang si Corona ang naka upo dahil sigurado absuwelto si GMA.

1 member thinks this post is SULIT!

View message logs
Locked | Report Report
posted December 19, 2011 09:56AM
pina
pina
stars
Sulitizen-to-be
38 posts
  • Registered: Apr 9, 2008
  • Last Access From: Philippines
beevai posted on December 19, 2011 08:30AM
hindi kasi mag kakaroon ng fair trial si GMA hangang siya ang SC Chief Justice......Masasayang lang ang effort ng gobyerno para litisin si GMA gangang si Corona ang naka upo dahil sigurado absuwelto si GMA.

Ahemm

Hindi GUILTY unless proven innocent yan si GMA, at kahit wala pang maliwanag na ebidensya, pinagtutulungan na ikulong agad. Baka naman gusto ng kampo ni Noynoy na patayin si GMA? Nais nila ibintang lahat ng kalokohan dahil maraming pinigilan na katuwalian si GMA:

1) Hindi pumayag si GMA pumasa yun limang (5) landmark projects na sobrang mahal at napaka backward katulad ng North Rail. Lahat ng   proyekto na eto ay pinamuhanan ng gobyernong Insek. Si Jun Lozada ang nagasikaso sa pagbenta sa kababayan niya bilang interpreter para sa Insek.

2) Naawat ang Congress para mag coup d'etat at tanggalin ang upper house ng Senate. Gusto ksi ng House Speaker Jose de Venecia na gumawa ng Constituent Assembly para sumulat ng panibagiong Constitution. Nangyari eto noong kasalukuyan meron APEC meeting sa Cebu. Cancelled yun Apec meeting para ayusin lang yun gulo, at eto rin ang sanhi ng pagtaslik ni de Venecia (kapartido ni GMA) as House Speaker.

3) Pinagtibay ni GMA ang Constitution noong pinigilan niya ibigay ng buo ang pamamalakad ng NAIA 3 sa isang grupo nais paalisin ang Customs at Immigrations. Mga Fil-Chinese businessman yun balak magsakop ng NAIA 3 at buksan ang Security HOLE. 

Yun ibang bintang sa kanya gaya ng ZTE ddeal, hindi naman natuloy kaya mahirap gamitin yan. Si Abalos pa, dahil nagsumikap si Abalos ng ilang panahon para pilitin ang mga ZTE officials na maglabas ng pera. Dapat huwag natin pilitin ang mali. Pabayaan natin humarap si Abalos sa mga ginoyo niyang tsino. Hindi dapat nagkaroon ng maling akala ang Insek na ang bansa natin ang nagpumilit manloko dahil iilan lang yan mga tao na yan gaya ni Abalos at ni Jun Lozada. Pabayaan natin ang hustisya magiral. Hindi dapat magpadala sa propaganda dahil ang nagbulsa ng malaking pera ay di naman si GMA.

Alalahanin natin na dikit si Jun Lozada at si Cory Aquino. Meron silang ugnayan at siguro, meron pinaghahatian din kasama sila Lopez (North Rail) dyan. Deport yan si Jun Lozada at ibigay natin si Abalos para humarap sa Chinese Justice System. Sana ay matauhan ang Pilipino at di maging Trojan war between China and Philippines dahil sa corruption ng ilang tao. Bakit kailangan magpakamatay ang marami para ipagtanggol ang kalokohan ng iilang tao?

Si Cory nga marami rin katuwalian. Yun dagdag bawas nangyari yan noong presidente pa siya kaya hindi dapat tayo masyadong padadala sa mga salita ng propaganda. Hindi natin alam kun sino talaga ang gusto ni Cory ksi inutusan niya si GMA na wag na tumakbo at ang buong Comelec ay sadyang handa para suportahan si Roco at hindi si GMA o si FPJ. Malaking pagkakamali na ibintang agad kay GMA kasi ganun nga, talagang dinadaya ng COMELEC and ating eleksyon, kapanahunan pa ni Cory po.

View message logs
Locked | Report Report
posted December 19, 2011 10:06AM
peppermint2
peppermint2
stars
Ultimate Sulitizen
2688 posts
  • Registered: May 22, 2007
  • Last Access From: Canada
malamang baka matulad sya doon kay dating ombudsman merceditas na nagresign nalang bago ma-impeach.

sakaling mapalitan naman, malamang matuluyang ng mabilanggo si ate glo?
Locked | Report Report
Need support? Need help? Back to top ▲