Note: This is just to share what I currently experienced with LBC, the so called Hari ng Padala. I'm not posting this para siraan sila in general, but I will pin point the people involved since the people of LBC SM San Lazaro branch are nice to me. I also want to know if anything like this happened to you, and anong ginagawa at gagawin ninyo pag sa inyo nangyari yung ganito, since Online business ang ikinabubuhay natin, at importante ang matinong courier para sa shipping ng mga product natin.
Here's what happened:
Feb 8, 2012 when I send a package sa isang customer. Isang pair sha ng shirt amounting to 600 php, yung mga buyer ko they shoulder the shipping fee, so may additional sila na 140. Sa mga nagsesend sa LBC, alam ninyo na may declared value ang bawat item. Since I started selling, LBC ang partner ko sa pagpapadala ng items since ok naman ang nagiging transaction ko with them, and ang ipinagmamalaki ko sa mga customers ko, sure ako that they will receive the item the following day after it was shipped.
So si buyer, nagrequest sha sakin since Feb 9 daw ay wala siya sa bahay, na kung pwede iwanan nalang sa guard yung item niya. Sabi ko pwede naman yung ganon as long as iindicate ko sa receipt, and iinform nya yung mga guard na may irereceive na item on his behalf. No problem daw kase kilala daw siya ng guard dun (building yung bahay niya, pero kilala daw siya.) I respectfully asked LBC SM San Lazaro Branch if pwede ba yung ganon, wala naman daw problem. So kasabay nung ibang items, I shipped the product. Yung ibang items nga na kasabay nya sa province pa idedeliver.. Yung sa kanya is sa Taft Tower Malate lang.. So kampante ako that marereceive na talaga niya yung item ng Feb 9.
Feb 9 ng gabi nagtext si buyer, sabi niya wala pa din daw yung item sa kanya. Mejo nawirduhan pa nga ako sa kanya kase siya yung may pinaka malapit na bahay sa lahat ng pinagdeliveran, samantalang yung iba eh nagtext na sakin na natanggap na nila. So I texted him if ibinilin ba niya ng maayos sa guard. OO daw. Sabi ko I'll check it the following day since medyo late na nun.
Feb 10 ng morning, nagpunta ako sa LBC SM San Lazaro, and I gave the tracking number para makita sa system nila kung nasan na. Diba sa internet nga nakikita na yun? Sa system pa kaya nila? So anyways, si kuyang mabait (mabait talaga sila, sila yung mga ka close ko na sa LBC kase lagi nga ako nagpapadala dun) sabi sakin ganto,
"Mam, wala pang naka post sa package mo na status, I suggest na call ka dito sa number na to: 4041807 kase naforward na sa kanila yung package."
Me: OK, sige. Pahiram nalang ako ng telepono ninyo. (All this time mejo nagtataka nako, kase how come ako pa ang tatawag, diba dapat kasama sa service nila na maibigay sa mga tao yung status ng delivery, pinagmamalaki nga nila yun na pwede mong i check status online eh) But anyways, since mabait naman si kuya tumawag nako..
Dito na nagsimula ang mga karumal dumal na pangyayari.
4041807- Manila Delivery Team 1 sila.- Tumawag nako habang nasa LBC ako, gamit ko yung landline nila
Nakailang dial ako kase busy
Nung may sumagot, parang lasing na guy na hindi mo maintindihan, eto yung conversation namin.
Guy: Hello?
Me: Hello goodmorning po, ittrace ko lang po yung package ko please, kase di pa daw po nakakarating sa pinagpadalhan ko.
(Mga ilang ulit ko tong pinaulit ulit sa kanya kase para ngang lasing yung person)
Guy: Tracking number?
Me: (Binigay ko yung tracking number)
Guy: (Mejo rude way) Teka lang ha... O, e nandito pa tong package na to eh.
Me: Po? Nanjan pa po? Eh diba dapat nung Feb 9 niyo pa dineliver yan?
Guy: OO nga, eh sa nandito pa nga eh.
Me: Bakit po? Anong reason? Pwede niyo bako bigyan ng magandang reason kase seller ako, kailangan kong bigyan ng magandang dahilan yung customer ko kung bakit wala pa yung item.
Guy: Eh walang tao eh. Kahapon, naaksidente yung tao. Walang magdedeliver.
Me: OK. So ngayon po?
Guy: Wala pa din tao. Tsaka diba nga sinabi ko na sayo na may aksidente? di mo ba naiintindihan yun? Maghantay ka kung kelan magkakatao at tsaka namin idedeliver.
So mejo inis nako. Binigay ko kay kuyang mabait na taga LBC yung line, and I told him na sha nga yung kumausap, kase di ko maintindihan. Una ayaw pa tanggapin ni kuyang taga LBC yung telepono, sabi niya bat daw siya yung kakausap, sabi ko, malamang, eh ako customer dito diba..
So nagusap sila, hanggang si kuyang taga LBC eh nasigaw na din at nagmumura, minumura na nya yung nakausap ko sa telepono. Tinanong niya yung pangalan, eto binigay: Jun Villanueva, from Manila Delivery Team 1.
Binaba na yung telepono.
O di pati si kuyang taga SM San Lazaro na hayblood din sa kausap ko. Sabi ko lang, told you, diba bastos kausap.. Now going back to my concern. Kelan makakarating yung package?
Si kuyang taga SM San Lazaro na namumula na din sa pagka hayblood eh imbes na sagutin ako ay binigyan ako ng steps kung paano ko daw mairereport si Jun Villanueva na yun. First: Thru customer care hotline nila na 8585999. Second: Thru email na icclick mo lang daw sa website.
OK. Since may delivery pako that day, umalis ako sa SM San Lazaro, still, wala pa din klarong sagot kung nasan na yung package.
Then eto na.
Tumawag nako sa customer care hotline nila.
1st Call:
Ganto ang sagot nila sakin. Kinuha nila yung name ko, tracking number, and my concern and they will get back to me daw within the day.
Dumating ang maghapon, walang tumawag sakin.
Hapon: Tumawag ako
Ganto ang sagot nila sakin. Same sa first, pero this time, naiforward na daw nila yung concern pero wala pa din feedback. So ako naman, nagwawala na sa telepono. Yung package ko? Anong nangyari sa package ko? Wala pa din sila maisagot.
Feb 11
Tumawag ako kaninang morning:
1st call:
Ganto ang sagot nila sakin: I'm sorry mam if I can't attent to your call right now, di namin mavview yung concern ninyo coz system error. What?! System error ang isasagot ninyo sakin?! Asan na yung package ko!Wala pa din akong nakuhang info.
LBC Website: Sent a message twice, walang comply.
LBC Facebook account, dun may nakukuha akong reply. Pero ang isinasagot nila sakin eh as of today Non- Delivery pa din daw yung item. Sinagot ko sila, na oo alam ko nga na non delivery. Obvious ba? Kukulitin ko ba kayo kung nadeliver na yung item? Still no clear answer kung nasang lupalop na ng mundo yung item ko.
Lesson Learned:
Weak ang LBC when it comes to complaints. If courier ninyo sila, ipagpray ninyo nalang na wala kayong item na ma miss, kase kahit mapatid ang ugat ninyo sa kaka follow up wala silang klarong sagot na maibibigay sa inyo.
Wala silang coordination sa isa't isa. Ang LBC SM San Lazaro branch kapag nakuha na nila yung pera mo for the shipping fee at na i forward na daw sa delivery ay wala ng magagawa ( or should I say pakialam) dun sa item mo. I was thinking diba dapat icocoordinate ninyo yun? pero parang takot na takot silang makipag coordinate sa isa't isa. Bonus nalang na mababait talaga yung mga tao dun, pero may mga reklamo nakong narinig sa iba na tinarayan sila sa counter pa lang. Well try lang nila gawin sakin yun, sa dami ng items na pinapadala ko no.
Think twice if mamahaling item ang ipapadala mo. Out nako dun, pero may mga cases sila na binubuksan ang package. May nawalang iphone yung isa kong kakilala, and ni insure niya ito ng 20,000. Naglaho ng parang bula ang item. Nung nagreklamo siya, same din ang ginawa sa kanya. Pinasa pasa siya kung kani kanino, hanggang sa ang sabi eh bibigyan daw siya ng 20,000 na check. Sad to say till now wala pa din siya nakukuha ni isang kusing.
Yung item ko, mababang halaga lang yun, pero yung binitawan kong salita sa customer ko na makakarating sa kanya yung item ay hindi mababayaran ng kahit anong pera. Mukang maghahanap ako ng ibang courier.