try nyo sir check relay ng fan baka sira na or yung mtor niya mismo. sa carburador naman lalo lng lalakas kung gagamitin mo yung carb ng pang 4k toyota kasi icoconvert siya. try nyo na lng patignan sa isang carb specialist yung carb nyo baka ma ayos pa minsan kulang lng yan sa linis at tune up
agree ako. . .bigyan mo ng direct power yung condenser fan para malaman mo kung may sira. . .check mo lang mabuti kasi may mga sealed type electric motor na lumalabas ang topak kapag nainitan na
kung buo naman. . .check mo ang relay. . .kalimitan iisa ang relay ng magnetic clutch ng compressor at ng aircon fan
yung magnetic clutch sa may compressor ang naririnig mo na nag-"click" kapag tatakbo ang compressor kaya tatakbo rin yung condenser fan. . .sana nga loose terminal lang or fuse. . .
sa konsumo naman, nasubukan ko sa nissan california (1.4 or 1.5 ata ang engine) pero parehas lang ng sentra
kayang kaya mo ito. . .
bumili ka ng repair kit ng carburator ng sentra. . .
alisin ang carburator at linisin. . .check mo kung stock up yung mga throttle valves. . .
buksan mo ang repair kit at sa bawat baklasin mo na part ay palitan mo agad ng bago. . .ingat sa mga spring at bulitas
pero may makikita ka na may pasobrang jet nozzle sa repair kit. . .ito yung nagbuga ng gas sa venturi chamber. . .yung isa mas maliit ang butas. . .ito ang gamitin mo
ibalik mo. . .timplahin ang air-fuel mixture needle valve. . .sakalin mo ang idling consumption (fully open mo itong valve. . .patakbuhin at painitin ang makina. . .dahan-dahan close ang valve ng 1/4 clockwise turn. . .kung saan namatay ang makina sa sakal, buksan mo ang needle valve ng 180 degree turn. . .
at ayun makatipid ka. . .dapat malinis air cleaner mo at sparkplugs