Talagang sunod sunod pa rin talaga ang nagiging biktima ng mga scammers. Madami pa din naii-scam. Nakakalungkot.
Sa pagbabasa ko dito sa Forum, halos talamak talaga ang panloloko pero karamihan sa kanila pare pareho ng modus.
Gumawa ako ng evaluation, at eto ang nakuha kong resulta kung bakit naii-scam ang isang tao dito sa Sulit.
1. Naniwala agad sa item or service na hindi muna nag-iisip.
2. Natuwa sa presyo dahil ito ay mura. Nakalimutan na gamitin ang utak.
3. Mabilis kumagat sa offer dahil ito nababagay sa kanyang budget.
4. Naniniwala agad sa mga positive feedback. Ang totoo nito, madali lang gumawa ng pekeng feedback.
5. Hindi kumuha ng proof of identity like mga ID
6. Naniniwala agad sa mga excuses ng scammer.
Eto mga bagay na yan ang nangyayari sa mga buyer, nakakalimutan nila gamitin ang UTAK.
Eto ang dapat isipin ninyo before kayo bumili or makapag-transact sa isang seller:
Downpayment or Pay first scheme
Siguro halos 90% ng mga nai-scam dito, ganyan ang nangyari sa kanila. Nag downpay muna or nagbayad muna at aasahan na makukuha nila ang item. Unang-una, pag ganyan ang policy nila. Mag-isip isip ka. Malaking RISK yan. Isipin mo na lang na 90% ka na maiiscam ka at 10% ay hindi ka maiiscam. TANDAAN mo, ikaw ang naglalabas ng PERA. Pero hindi ko sinasabi na lahat ng seller na may ganitiong policy ay scammer. May nakikita ako dito sa sulit na may ganitong policy pero sila legit seller.
Ito ang gawin mo para makasigurado ka na hindi ka maii-scam. Ito ang ginagawa ko, pag interesado ako sa item:
* Tinitignan ko muna ang feedback. Wala akong pakialam kung madami siya positive feedback or premium siya dito sa Sulit. Binubusisi ko muna ang feedback details niya. Yung mga nagpopost, tinitignan ko ung Registered Date kung kailan sila naging member ng sulit. Magtaka kayo kung ang seller ay ngayon nag post ng ad at nakareceive agad ng positive feedback within a day. Magtaka na kayo. or MAG INGAT na kayo. or nag post agad ng positive feedback within a day na naging member siya ng Sulit.
* Tinitignan ko ung mga nagpopost ng feedback. Seller din ba sila dito Sulit or buyer lang. Pag napansin ko na madaming tao ang nag post ng feedback na wala naman silang binebetang item dito sa Sulit. Back out na ko.
* Hinihingi ko Facebook niya. Kapag ayaw ibigay. Back out na ko. 90% iniisip ko, SCAMMER siya. Pag binigay niya, isasave ko ang mga pictures niya. Para kahit deleted ka sa friend list niya, may picture ka pa rin niya. Tinitignan ko yung pictures pag puro anime or wala talaga siyang picture ng sarili niya dun, Back out.
* Hinihingi ko scanned copy ng mga ID niya at least dalawa. Pag ayaw, back out. SCAMMER yan panigurado. Isipin mo, ikaw ang maglalabas ng pera pero wala ka masyadong alam sa identity ng seller. Dehado ka.
* Tinatago ko yung mga text messages ng seller, sent messages ko at call history nameng dalawa. Evidence. Hindi ko yan buburahin hanggat nakuha ko ang item ng maayos at walang problema.
* Screenshot ng mga PM niya sa akin dito sa sulit. Save as JPEG. Evidence.
* Rinerecord ko ang bawat calls. Save as MP3 or AMR. Evidence.
* Pag sinabi niya na ideposit ko sa account ng pinsan nya, kapatid niya, nanay niya, or kahit kaninong account na hindi naman sa kanya. Malamang SCAMMER yan.
* Hinihingi ko FULL NAME ng seller. Pati middle name. Pag ayaw, back out. SCAMMER yan.
* Tinitignan ko ang location ni seller, pag napansin ko na sobrang malayo. Back out. Like, Baguio, Pampanga, or visayas and mindanao area. Back out.
*Pag napansin ko na same lang naman location namen dalawa and when I ask kung pwede meet na lang at hindi siya pumayag, back out. Kahit ano pa reason niya.
* Gumagamit ng dalawang contact number na pang text at pang tawag sa'yo. Alerto na ko.
* Pag may Fanpage, tinitignan ko kung sino ang owner ng Fanpage. Pag hindi siya. Back out.
* Pag text ng text sa akin, alerto. Maiiintindihan kita, gusto mo lang talaga makabenta or gusto mo lang talaga maka-scam.
Alam ko tataas ang kilay ng ibang seller dito, pero I don't care. Yan ang ginagawa ko pag nabili ako ng item dito.
Tandaan niyo, madaling umarte sa text at tawag. Kunwari mabait, kunwari maasikaso.
"Ang una kong iniisip, hindi yang item mo na binebenta mo, last price, tawad or inquiries. Ang unang iniisip ko, TOTOONG SELLER KA BA, TOTOONG TAO KA BA, or SCAMMER ka."
Yan dapat ang ipasok niyo sa mga UTAK niyo.
Thanks.