Forum Search

How to get your EX back! Proven and tested

This topic is locked.
posted July 16, 2012 07:26AM
mrlonelysimple
mrlonelysimple
stars
Veteran Sulitizen
210 posts
  • Registered: Mar 29, 2012
  • Last Access From: Philippines

Gusto mo ba magkabalikan kayo ng EX-BF/GF mo? Mahal na mahal mo pa rin ba? Umaasa ka pa ba na magiging kayo ulit? Pero lahat na yata ng rejections naranasan mo na? Umiyak ka na ba ng dugo pero hindi ka pa rin pinapatawad? 

Meron ako isshare sa inyo mga ka-sulit. Ginagawa ko 'toh halos 1 month na. Masasabi ko na 85% effective. Kung dati ako lagi nagtetext at natawag. Si Ex ko na ang nagtetext at natawag. Hindi lang sa cellphone at landline. Kahit sa Facebook account ko, nag memessage na. Bumaligtad ang situation namen. Parang siya na ang naghahabol hindi na ako. 

Technique # 1: The blind, mute and deaf method

Ang objective naten dito is to keep silent. SILENCE is the key.

  • Huwag na huwag kayo magtetext at tatawag sa kanya. 
  • Huwag mag-post ng sad quotes sa Facebook. Alam ko ang daming ganyan sa FB. Mga emotero at emotera. 
  • Huwag mag send ng private message sa Facebook or sa kahit anong messenger. 
  • Huwag mag-comment at mag-like sa status ni EX. Mapa-Text man ito or picture. 
  • Kung seloso/selosa ka, wag ka magtatanong sa ex mo kung sino ang kasama mo sa picture or whatsoever. 
  • Kung nakatago pa sa albums mo ang picture niyo ni EX, i-hide mo by changing the privacy of your album settings. 

RESULTS I EXPERIENCED 

Nung nag-start na ko hindi magparamdam kay EX. Siya na ngayon at nagtetext at natawag. Uhaw-uhaw sa information. Kamusta na daw ako, may girlfriend na daw ba ko, etc. Everytime I logged in sa Facebook, laging may message na iniiwan sa akin. 

 

THINGS YOU HAVE TO CONSIDER: 


First of all, huwag na huwag kayo magmama-kaawa. Begging and pleading will do nothing. Pag desperado ka, mas lalayo ang EX mo. Mas maiirita sa'yo. 

Pag tahimik ka, the mind game of your EX starts to build up. Magtatanong na yan sa sarili niya, bakit hindi ka na nag-tetext, natawag o nagpaparamdam katulad ng dati. Puro questions ang nasa utak ng EX mo. So, keep silent lang. 

Don't give any information sa mga friends mo lalo na yung may connection sa EX mo. Keep it blank. Pwede yan magtanong sa mga friends mo as long na wala kang nakkwento sa mga friends mo, wala din sila updates na masasabi sa EX mo. Keep your EX thirsty for information. 

As much as possible, mag-offline ka sa Facebook chat. Kung kaya mo. Kung online ka, at nag send sa'yo ng message. Ok lang na mag reply ka. Basta walang BEGGING or PLEADING. 

For example: 

EX : "How are you na?" 

YOU: "I'm doing great." 

Umarte ka na parang walang nangyari. Umarte ka na hindi ka affected. Show him/her na nakapag-move on ka na. Show to her/him that you are strong. 

Try to change your look. Try to change your hairstyle. Kung long hair ka, magpa- short hair ka. 

Try to do some new activities. Kung hindi ka sporty dati, try mo maging active sa sports. 

Pag napapansin niya ang pagbabago mo, she or he will realize na nakapag-move on ka na talaga and maiimpress siya sa pagbabago mo. Mas lalong lumalaki ang chance na makikipagbalikan siya sa'yo. 

 

Locked | Report Report
posted July 16, 2012 07:34AM
jchris234
jchris234
stars
Supreme Sulitizen
993 posts
  • Registered: Apr 22, 2009

Galing. :)

Kaya lang, paano kung pareho kayo ng estilo at ganyan din ang ginagawa. Mahal na mahal pa rin ninyo ang bawat isa pero pareho napakataas ng "pride"? -tsk

Locked | Report Report
posted July 16, 2012 07:39AM
mrlonelysimple
mrlonelysimple
stars
Veteran Sulitizen
210 posts
  • Registered: Mar 29, 2012
  • Last Access From: Philippines
jchris234 posted on July 16, 2012 07:34AM

Galing. :)

Kaya lang, paano kung pareho kayo ng estilo at ganyan din ang ginagawa. Mahal na mahal pa rin ninyo ang bawat isa pero pareho napakataas ng "pride"? -tsk


May limit din kasi ang pagiging ma-pride. Pero as of now, gawin mo muna yan. If she/he will start the conversation, slowly pag-usapan niyo na yung past relationship niyo. Pero wag biglaan. 

Locked | Report Report
posted July 16, 2012 07:50AM
batabatuta8
batabatuta8
stars
Ultimate Sulitizen
2313 posts
  • Registered: Jun 11, 2012
  • Last Access From: Philippines
paano kung may kapalit na ubra pa din ba yan
Locked | Report Report
posted July 16, 2012 09:37AM
GaryLucasEnriquez
GaryLucasEnriquez
stars
Legendary Sulitizen
4084 posts
  • Registered: Jul 4, 2012
  • Last Access From: Philippines
#10 Poster (Last 7 Days)
grabeng lungkot at awa sa sarili ang ganyan, kaya move on na lang talaga ang tangi mong magagawa. kahit uma-asa kang mahal ka pa rin nya, kelan kayo maging kayo uli? hirap ng ganyan, sya nalalaman mo na nakapag-move on na tapos ikaw naiwang hungkag at empty na parang nawalan ng liwanag. ang sa akin lang "kung ayaw mo na sa akin di wag mo" masakit pero ipakita mong matapang ka na kakayanin mo din one day na mabuhay na wala sya. ikaw at tanging ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, it took me 7 months para magising sa katotohanan, kaya hurry up.
opps, first serious relationship ko yun 20 years old ako nun kaya sa sobrang sakit napa-abroad ako ng batam-bata.
Locked | Report Report
Need support? Need help? Back to top ▲