Forum Search

Sulit Kwentong Wakasan

This topic is locked.
posted August 12, 2012 01:52PM
absindex
absindex
stars
Majestic Sulitizen
11068 posts
  • Registered: Oct 7, 2009
  • Last Access From: Philippines
#2 Poster (Last Hour)

 

Topic: Sulit Kwentong Wakasan

 

Hi and greetings to all:

 

We have come up with this idea of "story telling" here in sulit forum to add fun and entertainment to the sulit community.

This specific thread is one of the two topics: (This is Topic One: Sulit Kwentong wakasan)

  1. Sulit kwentong Wakasan - for short stories
  2. Sulit kwento mo, Dugtong ko - for the dugtungan series (soon to open)

 

We  have also created a thread to serve as a platform  and where you can post your suggestion / comments / remarks so as to minimize cluttering of unnecessary post on both Topics' page.

http://www.sulit.com.ph/index.php/view+topic/id/96224/Sulit+Novela+-+Wanted!?next=1

 

We would like to invite you to join us by submitting your stories.

Adventure ·  Crime · Fantasy · Historical(fictional) · Horror · Magic realism · Mystery · Paranoid · Political · Romance · Saga · Satire · Science-Fiction ·  Superhero · Thriller · Urban

Important: This is a public forum so NSFW is strictly not allowed. Your story should not contain sexual, repulsive, maliscious and lewd remarks.

 

Everybody is welcome. You do not have to be a professional writer (as long as you can write).

For those who are and shall be interested please submit and post your interest in the thread in the link above,

as we will try to put things in order  for the ease of readers which includes queing list of writers and so on.

 

If you have question/s please try to post it in the other thread (link above) and not on this thread. .

Please wish us luck.

 

Thank you and we hope to read and hear your stories.

 

 

"Luck and break are all I ever need to write a best seller novel,

      and lunch is what I need now to get me started."

                                               -Anonymous

 

 




1 member thinks this post is SULIT!

View Message Logs
Locked | Report Report
posted August 12, 2012 02:09PM
TheJury
TheJury
stars
Ultimate Sulitizen
1832 posts
  • Registered: Aug 27, 2011

A little something that i wrote for my ex who's now my wife while she was in college.  Project niya na pinagawa sa akin in short.


Into the Light


It's hard to walk when you can't see anything. Like when you look around, to your left or right, above or below, everything is black, everything is darkness. Black is nothingness, darkness is void. Nothingness and Darkness equates emptiness. One will not know if one's eyes are opened or closed, if they are blind or not, if awake or asleep. And the worst part is that you do not know if you're alive or dead. But the real tragedy is that you are still alive!

I am the light's shadow. The summer's winter and the star's sky. I am everything that you are not. I am everything that you don't want to be. There is a story in the bible, if people still read it, about the prodigal son... I am the prodigal daughter. And in the parable of the lost sheep, i am the one that was never found. I looked around, still there is this space of darkness and the feeling of emptiness. So what am i supposed to do? Should i just close my eyes again? I think they already are. Should i just go back to sleep? I don't even know if im awake. Maybe i'll just die...please let me die.

Then, out of nowhere came up, a tiny flicker of light. From this surrounding void it glimmers and shone serenely in it's magnificence. Am i just dreaming? But what is this music that i hear from afar creeping silently through this darkness and into the innermost being of my darkened soul? Is this how it feels when your dead? Then why does my heart beats so vividly along with the melody of this music that i hear? I stood up and felt my feet pacing slowly towards the light. With some unusual force i felt, of what was left of my self, being dragged towards the shimmering light and unable to resist, like a moth drawned into a flame.

Each tiny step that i took asked for an enormous amount of will. My bare feet, touched on what felt like a ground, seems to be walking on shards of glass. Still i move forward towards this light which seems to be an opening towards somewhere. Towards some place which i would never know until my own eyes would witness.

How long have i been walking? How much further does it take for me to get there? It feels like forever and the distance doesn't seem to close by an inch. I can feel my sweat drawing out of my entire body and dripping slowly to the ground. I wiped some off from my forehead, The sweat feels hot and thick in my hand. No, this is not sweat...this is blood. I reached out towards the light as if i can grab it by the hand. I tried to hold it as if i can pull it out and bring it closer to me. With my dying breath, i reached out as far as i could but it's just too far for my arm's reach and i'm down on my knees now. The light dims as i slowly close my blood-teary eyes.

I felt someone touched my hand like a rain that fell into the ocean which rippled through my veins and revitalizes every part of my being. I felt the soft wind touched my face as it gently wipes out the tears from my eyes that flowed down and dried up on my cheecks. Slowly, i opened my eyes and saw myself wearing a pure white dress made from the finest silk. Have i been wearing this all along? That i never had the chance to see before. The rings on my fingers glimmers so vividly as the sun touches it's crystaline stones. I looked up to see the person who's holding my hand and never in my life have i looked upon someone as beautiful as him. He was smiling at me with eyes that glitters like the stars at night and slowly pulls me up. I smiled back at him while i slowly stand back up on my feet. I asked where he came from and he replied with a voice that penetrates through my heart like the sweet sound of a violin. He replied "i saw a light and followed it and the light was you."

We held hands ever more tightly feeling the warmth of the visible sun over the horizon as it slowly rise up and embrace every corner of our surroundings. Birds flew above us as they joyously explore the huge heavens as if celebrating our union. Flowers around us dances along with the wind while they slowly bloom and reveal different colors of red, yellow, blue and purple. And we were both enveloped by a divine light emancipating from our bodies while we walk along this garden that suddenly blooms from nowhere. We were the two flicker of light that found each other amidst the darkness that lights up this enchanted place which we both fail to see untill we met. Two lost souls that wanders in limbo, separated by circumstances, are now joined as one.

I know that i am free! I know that i am not in that cave where i used to be. I know that i am very much alive. He opened my eyes and show me all the beautiful things in this world which i never thought exist. He raised me back up on my feet and led me to greener pastures. He made me feel loved. He who saw the light in me despite of the emptiness that i felt inside. He saw the light which i fail to see for myself.

I also saw the light in him. The same light that led me out of nothingness. The same light that brought me to him. The same light which was him. He was also lost when he found me. Lost in the same cave where i am. Now that we're together, we enlightened the entire surroundingrevealing it's true beauty. The real beauty that does not only lie with what our eyes can see but the real beauty that we have for each other which is love. Love is what binds us together and freed us from the chains that tied our hands. Love is what made us see the light through each other that's been deprived to shine and covered by lies and broken promises. Our love for each other kept us from death and into immortality. We see the clouds darkening from afar which signals for a storm but that does not concern us anymore. Let it come and we both know that we'll get through it and our light will still outshine the darkness that will come our way.


3 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted August 12, 2012 02:41PM
Filnet
Filnet
stars
Ultimate Sulitizen
2750 posts
  • Registered: Jan 25, 2011
  • Last Access From: Philippines

ang galing sir jury..sige sa project din ako magsimula..kaso tagalog lang po ito....

This is the project of my son when he was in elementary...kathang-isip lang po at may "aral" ang requirement ng teacher..pero kasulit, naisip nyo na po ba kung paanong nagsimulang magtanim sina Adan at Eva?...here is what i wrote :

Paano Nagsimula ang Pagtatanim

 

          Noong unang panahon, may isang mag-asawa na labis na nahihirapan sa paghanap ng kanilang makakain. Malawak ang lupain na kanilang nilalakbayan ngunit  bihira lamang makakita ng mga puno at mga halaman. Maging ang mga ibon na pwedeng dagitin para kainin ay bihira din. Bagma’t may puno silang nakukuhanan ng bunga para kainin, hindi ito sumasapat ng ilang araw. Kadalasan, bumubilang pa ng ilang buwan bago muling magbunga ang isang puno. Dahil matagal nga bago magbunga muli ang isang puno, kailangan pa nilang maghanap muli ng iba pang puno na may bunga. Kadalasan ay maghapon na ang lumipas bago pa sila makakita muli ng isa pang puno na may bunga. Hanggang sa sila ay nagka-anak. Pagkaraan ng ilang taon, ang isa nilang anak ay muling nasundan. Dahil sa nauubos na ang mga bunga sa punong malapit sa kanilang tinitirhan, nagdesisyon ang mag-asawa na lumipat ng tirahan. Patuloy silang nagpapalipat-lipat ng tirahan kung saan may punong malapit o mga halaman na pwedeng mapagkuhanan ng bungang makakain. Napansin din nila na pati ang mga ibon na kanilang dinadagit para kainin ay pawang kumokonti na rin. Kailangan din nilang hintayin pa ang paglaki ng mga sisiw ng mga ibon bago pa man nila ito pwedeng kainin.

          Minsan,nag usap ang mag-asawa dahil sa kanilang sitwasyon. Paano na lamang kung tuluyan nang maubos ang mga bunga ng mga puno? Pati na ang mga ibon? Saan na sila muling titira? Parati na lamang ba ganito? Paano kung hindi na rin laging sapat ang mga bunga sa kanila dahil dumarami na sila? 

          Dahil sa sinabi ng asawang babae, labis na nag-alala ang asawang lalaki. Kinabukasan, sinubukan nyang balikan ang mga puno na kinukuhanan nila dati ng mga bunga. Kanya itong pinagmasdan kung paano nga ba ito tumutubo. Hanggang sa mapansin nya ang isang maliit na halaman malapit sa puno. Kanya itong pinagmasdan maigi at sinubukan hukayin ang halaman na kanyang nakita. Doon nya nakita na ang halaman ay may mga maliliit na ugat at kanya ring nakita ang pinagbalatan ng buto. Napansin naman nya ang ilan pang buto na nasa lupa ngunit hindi na tuluyang lumaki at nabuhay upang maging isang ganap na halaman o puno. Doon nya naalala ang kanilang pinagbalatan nang minsan kumain silang mag-anak sa ilalim ng punong ito. Dito lang nila itinapon ang balat kasama ang mga buto nito. Natuklasan nya na ang buto pala ng isang bunga ay maaaring ibaon sa ilalim ng lupa upang tumubo at maging halaman o punong muli. Sa labis na katuwaan sa natuklasan, madali syang umuwi at agad nya itong ibinalita sa kanyang asawang babae.

          Nang sumunod na araw, kanila ngang ibinaon ang mga buto ng kanilang pinagkainan. Ilang araw silang naghintay at laking gulat nila ng makita nilang may umusbong na maliit na halaman sa lugar kung saan nila itinanim ang buto. Ngunit hindi nagtagal ang halaman. Ito ay unti-unting natuyo at namatay. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang mag-asawa. Kinabukasan, muli silang nag-baon ng mga buto. Pagkaraan ng ilang araw, muli sana nila itong titignan upang malaman kung ito ay tumubo na, ngunit biglang umulan ng malakas. Walang nagawa ang mag-asawa kundi hintayin na tumila ang ulan. Pagkalipas ng ilang araw, kanila nang binalikan ang kanilang ibinaon. Napansin nila na higit itong malaki, matangkad at buhay-buhay kumpara sa nauna nilang ibinaon na nalanta lamang. Doon nakadagdag sa kanilang kaalaman na kailangan pala ng sapat na tubig bukod sa araw upang tumubo ng tuloy-tuloy hanggang sa lumaki ang isang halaman o puno.

          Mula noon, nagsimula na silang magbaon ng mga buto ngunit naging madalang ang ulan. Kaya bigo silang matupad ang hangarin na madagdagan pa ang mga puno na maaari nilang pagkuhanan ng mga bungang makakain.

          Malungkot na naupo ang mag-asawa sa lilim ng puno. Hanggang sa maya-maya pa ay tila may bumagsak sa balikat ng lalaki. “Naku, may dumi yata sa iyong balikat”, sabi ng babae. “Oo nga, at tila ito ay dumi mula sa ibon”, sabi ng lalaki. “Tignan ko nga”, pagdaka’y kinuha ng babae ang dumi sa kanyang balikat. Ngunit laking gulat nya sa nakita. “Aba, masdan mong maigi ito, tila katulad ng isang buto ng halaman ang kasamang naidumi ng ibon” sabi ng babae. “Oo nga, kung gayon ay inilalabas nila mula sa kanilang tiyan ang mga buto ng bungang kanilan kinain. Malaking tulong ito sa atin. Makakadagdag sila ng buto na maaaring mabaon dito sa lupa upang tumubo at mapagkuhan ng bunga sa mga darating na panahon”, sabi ng lalaki.

          Labis-labis na sana ang kanilang tuwa ngunit sa isang banda, ang kanilang problema ay hindi pa rin tapos. Dahil, aanhin nila ang karagdagang buto mula sa mga ibon kung hindi rin naman ito mabubuhay ng matagal matapos tubuan ng halaman dahil sa madalang na pag-ulan.

Muli ay nag usap ulit ang mag-asawa. Malaking problema kung patuloy lamang sisikat ang araw at bihira ang pag ulan. Naisipan nilang makipag-usap at manalangin kay Bathala.  Sila nga ay pumunta sa isang tahimik na lugar at magkasamang lumuhod upang manalangin. Anang lalaki, “Mahal na Bathala, narito po kaming mag-asawa upang humingi sa inyo ng tulong. Maawa po kayo sa amin. Lubos na po kaming nahihirapan at nagugutom. Ano po ba ang dapat naming gagawin? Pangako, kami po ay magbibigay ng alay sakaling kami ay magkaroon na ng pagkakataong mabuhayan ng mga puno o halaman”. Bigla ay may nakita silang liwanag na gumuhit at may tinig silang narinig. Anang Bathala,” Dahil sa ginawa nyong pagkilala sa Akin, pagpapakumbaba at pagtawag sa Akin, kayo ay aking gagantimpalaan at tutulungan. Aking tutuparin ang inyong kahilingan. Aking pasisikatin ang Araw at pababagsakin ang Ulan ayon sa tamang panahon”.

Gayon nga ang nangyari. Natupad ang kanilang kahilingan. Sinumulan nilang magtanim ng mga buto o bunga ng anumang puno o halaman na kanilang kinakain. Marami pa silang natutuklasang karunungan habang sila ay nagsisikap na maparami ang kanilang mga tanim. Maging ang mga ibon ay dumami na rin dahil sa marami na rin silang masisilungang mga puno at makakain. Tumulong na rin ang kanilang mga anak sa pagtatanim habang sila ay lumalaki. Lumawak ang lupa na kinailangan nilang pagtamnan dahil lumalaki pa ang kanilang pamilya. Tinupad din ng mag-anak ang pagbibigay ng alay sa tuwing sila ay nakaka-ani. Naging tradisyon na ito hanggang sa mga sumunod na saling-lahi. Dito nagsimula ang pagtatanim na kalaunan ay tinawag na nating pagsasaka.

 

Tandaan:

          Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa. Sa anumang ginagawa nating mga plano, mga natutuklasan,mga pangarap at mga naisin, dapat ay lagi natin alalahanin ang ating Manlilikha. Kung atin itong idudulog sa Diyos, tayo ay magtatagumpay sapagkat Kanyang tinutupad ang kanyang mga salita.

          “Idulog nyo sa Diyos ang anumang inyong ginagawa at ang inyong mga plano ay magtatagumpay” ….(KAWIKAAN 16:3).

at “kung patuloy kayong mananatili sa Akin at sa Aking mga Salita, hingin nyo ang inyong hangarin, at Akin itong tutuparin.” (JUAN 15:7).

 

 

 


3 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted August 12, 2012 03:18PM
absindex
absindex
stars
Majestic Sulitizen
11068 posts
  • Registered: Oct 7, 2009
  • Last Access From: Philippines
#2 Poster (Last Hour)

Paunawa: Hindi pu ako marunung magsulat. hahaha.

pasensya na kung marami error. For fun lang naman.

Paunawa ulit:

Ang mga karakter po dito ay pawang mga kathang isip lamang.

At kung may pagkakahambing man sa tunay na buhay ay hindi po eto sinasadya ng sumulat. pero pwede din kun gusto nyo.

 

 

"The Homecoming"

 

Sa isang lumang bahay sa may Barrio Sto Nino, San Simon, Pampanga ay hindi maiwasan at hindi maitago ang pananabik ni Fredo.

Kung pwede lang hilahin ang oras para bumilis at dumating na ang hinihintay nilang bisita ng kanyang may bahay na si Mitring ay gagawin nya.

 

Biglang napawi sa pag iisip ito ng pumasok sa kuwarto nila kanyang butihing asawa,

“jo, aba maligu na ka at magbihis at mamaya ay andyan na siya.”

“Oo, Mitring ubusin ko lang to kape ko.” “Natapos mo ba lahat ng lutuin mo?”

“Wa. Ay, Oo, pala, ihahanda ko na lang ang mesa at mga kubyertos.”

“oh jo, sa tingin mu ba magugustuhan pa din ni Nardo yun paburitu nyang burung kanin, pritung tilapya ampo balasenas, este, anyapen kin tagalug itang balasenas jo?”

“Talong. Bakit naman hindi eh yun ang mahigpit na binilin nya bago sya lumipad papunta dito galing Amerika.”

Sabay tawa ng malakas ni Mitring, "Hahaha. Itang anak natin na ita gang ngayun mahilig pa kin pagkain pinoy.” “Madami naman steyk kin Amerika, ale?.”

“Hindi pagkain Pinoy kundi luto mo Mitring. Ganun talaga kung ano yun kinalakihan mo pagkain hindi mo makakalimutan yun."

“Wapen masaya ku kasi hindi sya nakakalimut.” Sabay na naluluha si Mitring.

“Ngayon ka pa ba iiyak eh darating na yun anak mo pagkatapos ng dalawampung taon?” Sagot ni Fredo.

 

Natatandaan pa nya nung maliit pa si Nardo,

“Tay, pag laki ko gusto ko maging sikat.”

“Nardo, anak, walang imposible kung mag aaral kang mabuti.”

“Opo itay lagi ako mag sisikap para sa inyo ni nanay.”

“Nardo lagi mo tandaan anak, kung ano man marating mo sa buhay para sayo yun at hindi para sa amin. Maging maayos lang ang buhay mo at maging masaya ka, masaya na kami ng nanay mo.”

"Salamat po itay. Kayong dalawa ni nanay ang lagi kong inspirasyon."

 

Walang nagdaang taon sa iskwela na hindi nag uwi ng karangalan si Nardo.

Kaya pagdating ng kolehiyo hindi nahirapan si Nardo makakuha ng scholarship sa UST para sa kursong Fine Arts. Kaya hindi matumbasan ang kasiyahan nila ni Mitring ng magtapos ito bilang “Summa Cum Laude.” At higit silang natuwa nang di magtagal ay nakapag abroad agad ito sa Hongkong upang makapagtrabaho. Habang nasa trabaho sunod sunod ang promosyon at pag angat ni Nardo hanggang di nagtagal nakalipat sya sa Amerika at doon na ito nanirahan.

At doon na lubos nakilala si Nardo sa kanyang profession. Humakot ito ng mga international awards galing pa ng Europa, Frances, Italia, at Espanya. Palagi din sya laman ng inernational news at gayunman ng lokal na balita sa Pilipinas. Malayo na ang narating ni Nardo. Nagpasalamat si Fredo sa Diyos at ginabayan nya ang kanilang nag iisang anak.

 

Hindi nagtagal may pumarada ng auto sa harapan ng bahay.

 

“oh jo, ayan ne ing anak ta, i Nardu!” Sambit ni Mitring.

Sabay sila mabilis na nanaog ni Mitring sa hagdanan para salubungin si Nardo.

“Tay! Nay! Hahaha.” Lubos ang kaligayahan sa mga mata ni Nardo.

“Anak!” patakbo na yumakap si Mitring.

"Anak!" Sabay yakap ng mahigpit ni Fredo.

"Tay. Nay." Umiiyak na sabi ni Nardo.

Napahagulgol ang tatlo sa labis na emosyon. 

Walang katapusang yakapan at kumustahan…

 

"Oh, nay yun bang nirequest ko na talong at tilapya meron?"

"Wa naman rugu anak, syempre yun ang una ko binili sa palengke napun."

"Peru anak di ba atin naman talong kin amerika?

“Nay mas gusto ko pa din yun dito at syempre luto mo. Tagal tagal ko na kaya napapanaginipan yan luto mo." Sabay kindat nito sa ama.

"Oh, sya tama na yan at umakyat na tayo at makakain na." Awat ni Fredo.

 

Habang kumakain sila ay may inilabas na mga magasin at babasahin si Nardo mula sa kanyang maleta at iniabot ang mga ito kay Fredo,

“Tay ayan pinagdala kita ng maraming magasin at babasahin."

At tuwang tuwa si Fredo kinuha ang mga magasin , “Salamat anak.”

 

Pinagmamasdan nito si Nardo habang pinapapak ng nakakamay ang prinitong tilapia at talong na sinasawsaw muna sa burong kanin habang alang tigil sa pagkuwento kay Mitring. Hindi napigilan ni Fredo ang mangilid sa luha makita muli ang kanilang kaisa isang anak ni Mitring.

 

Parang kailan lang, ang bilis ng panahon nagdaan.

Bata pa si Nardo nun hindi nya makakalimutan,

”Tay, paglaki ko sisikat ako.”

 

Pagbukas nya sa unang  pahina ng magasin nakita nya agad ang larawan ni Nardo, nakangiti ito at maganda ang bihis, larawan ng tagumpay.

Ang kaninang pangigilid ng luha sa mga mata ni Fredo ay napalitan ng matatamis na mga ngiti sa labi nito dahil sa lubos na kasiyahang nadama.

At sa may ibaba nandun ang pangalan ng ipinagmamalaki nyang anak.

 

 

Narda Purificacion

Fashion Editor and Chief Stylist

Vogue Magazine


2 members think this post is SULIT!

View message logs
Locked | Report Report
posted August 13, 2012 09:57AM
ReuL
ReuL
stars
Supreme Sulitizen
1211 posts
  • Registered: Jun 29, 2012
  • Last Access From: Philippines

"Ang Munting Tahanan"

 

May isang munting tahanan sa hindi kalayuang lugar sa bayan ng Sulit... Doon ay may naninirahang isang maliit na pamilya... Sa pamilyang ito ay may 3 magkakapatid na babae... ito ay sina Cupcake, MsTisay at Dappy... Bawat isa ay may iba-ibang pag uugali... Si mstisay ay maalalahaning tao, mabait at maalaga sa mga taong mahal nya... habang si dappy ay mahihilig sa magagandang bagay, kung kayat pinapanatili nya ang kagandahan nya sa araw-araw... At si Cupcake na pinaka mataray sa kanilang tatlo, mapanghusga at laging nag iisa...


Ang Ama na lamang nila ang kasama nila sa buhay sa kadahilanang namatay ang Ina nila habang ipinapanganak si cupcake..."ay muntik ko nang makalimutan...ang pangalan pala ng kanilang ama ay si Nardo..." isang mabait at mapagmahal na ama....


Ang tatlong magkakapatid ang pinaka maganda sa bayan ng Sulit... sa tuwing sila ay nagpupunta sa bayan ay labis silang tinitignan at hinahangaan ng mga tao... At dito natin sisimulang ang maiksing kwento.... Sa araw na silang tatlo ay pupunta sa Bayan ng Sulit....

 

Cupcake: ang init naman dito sa bayan! grabe! baka naman mangitim ako neto....

Dappy: ok lang yan Cupcake...saglit lang naman tayo dito eh..bibili lng tayo ng mga sangkap para sa ulam natin mamaya...

Cupcake: ano pa gna ba???...

 

sa mga sandaling iyon ay may isang matandang lalake na humawak kay mstisay... ito ay nanghihingi ng limos sa dalaga...

Pulube: nene...baka pwede naman akong makahingi ng tinapay na dala mo...

agad namang pinigilan ito ni dappy..

Dappy lumayo ka sa kapatid ko! ang pangit mo at ang dumi-dumi mo pa! alis!


Hindi naman pumayag si mstisay na mangyari iyon kung kayat ibinigay nya ang isa sa mga tinapay na dala nya sa matanda...agad namang nagpasalamat at pulubi sa dalaga... kitang kita sa mukha ni dappy ang pangdidiri sa pulubing iyon.. ahabng si cupcake ay walang pakialam...dahil sa gusto nanetong umuwi...

pagkatapos mamili ay agad na silang umuwi sa kanilang munting tahanan...doon ay naghihintay na ang ama, ngunit... sa mga oras na iyon ay bigla nalang nawalan ng malay ang kanilang ama...agad silang nagpatawag ng doktor ngunit....bigong malaman kung anong sakit ang dumapo sa kanilang ama...halos lahat ng doktor sa bayan ay nagpunta na upang suriin ang kalagayan ng kanilang ama...ngunit kahit isa sa kanila ay hindi masabi kung anong karamdaman ang bumabalot sa ama ng 3 magkakapatid...

Kinakabihan, nang makaluto na si mstisay ay pinakain na nya ang ama nila upang makapagpahinga na...labis ang lungkot ng magkakapatid... sa unang pagkakataon ay labis na nag alala si cupcake sa mga taong nasa paligid nya... umiyak sya at niyakap ang kanyang amang si nardo...ngunit...may hindi inaasahang pangyayari...

ang mukha ng kanilang ama ay para bang nagbabago at nagiging mukha ng isang unggoy... sa mga oras na iyon ay nag alala si mstisay at cupcake sa nangyayari....ngunit si dappy naman ay sumigaw nlamang ng..


Dappy: Ama! bakit pumapangit ka??? anong nangyayari sa'yo???ang pangit mo ama!


agad na nagalit ang dalawang magkapatid na sina cupcake at mstisay..sinabi nila kay dappy na ama parin nila iyon kahit anong mangyari... sa mga oras na iyon ay umalis si dappy sa bahay dahil sa takot nya sa itsura ng kanyang ama...

1 buwan ang lumipas at muli ay bumalik si dappy sa kanilang munting tahanan...pagkapasok ng pinto ay agad nyang niyakap ang ama na tila isa ng unggoy sa kanyang karamdaman...

Dappy: Ama! patawarin nyo po ako... Nagsisisi ako sa mga nasabi ko... kahit anong mangyari ay ama parin kita at alam ko ng ang totoong kagandahan ng isang tao ay hindi sa panlabas...kundi nasa loob...Ama! patawarin nyo ako...

Nardo: Anak...wala kang kasalanan... wala kang dapat ipatawad sa akin...anak kita at hindi yun magbabago... basta lagi mo lang tatandaan... "ano ang kagandahan? kung tanging mata mo lang ang nakikinabang"

mula noon ang tatlong magkakapatid at ang kanilang ama ay masayang nagsasama kahit na sa kabila ng ngyaring iyon....

isang gabi...may kumatok sa kanilang bahay... binuksan inyo ni mstisay at nagulat... ang pulubing minsan nyang tinulungan ay muling nagpakita...

Pulubi: Ngayon ay natuto na kayo sa inyong mga nakaraan... maari ko ng tanggaling ang sakit ng inyong ama...

pagkaraan ay muli na ulit naging tao si Nardo at muli na syang lumakas... ang pamilyang ito ngayon...ay namumuhay na ng masaya at masagana....

ang katapusan...


2 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted August 14, 2012 05:43AM
TheJury
TheJury
stars
Ultimate Sulitizen
1832 posts
  • Registered: Aug 27, 2011

Ito naman ginawa ko para sa kapatid ng wife ko. Task din sa school nila. Nagbunutan sila ng kung anong title at kung saan iikot ang story at ang nabunot niya ay   Share ko na din na yung isa sa mga Characters dito ay si Sophia na name ng daughter ko ngayon. Mag girlfriend pa lang kami ng wife ko nung time na ginawa ko 'to at napag usapan na na pag nagka anak kami ng babae, Sophia ang ipapangalan namin.  Makikita niyo picture ni Sophia sa "Tambayan ng mga mommies and daddies" thread. * months na siya ngayon. =)


"One Hundred Roses" by TheJury

"One Hundred Roses"

       I've heard or read somewhere that life is a matter of choice where each individual will have to decide every now and then that will change and determine one's future.  This choice will make a person who he or she will be or who that person "is."

       Nothing compares to any day in the world than Sundays specialy in the morning where my whole family gather at the back of our house where i had a veranda built with a breakfast table.  This is a day where my wife Kyan and our seven year old daughter Sophia spend the day together.  

       "Good morning!" I exclaimed when i got out of the house to our veranda where Kyan pours Sophia a glass of fresh milk.
       "Good morning Daddy!" Sophia replied while running excitedly towards me then wrapped her little arms around my waist.
       "Hello honey.  Did you sleep well last night?" i replied as i carry her towards me and kissed her forehead.
       She hugged me and answered with her sweet tiny voice "yes daddy.  Mommy read a very beautifully story last night that i even dream of it.
       "Oh, is that right?" i replied and smiled at Kyan while putting Sophia down.  
       Sophia ran back to her seat and carried our dog named "Chawchaw" whom i gave to her on her seventh birthday.
       "Goodmorning handsome!" Kyan greeted and gave me a kiss.
       "Good morning pretty one." i gently hugged her and kissed her back.

       I then sit onto my chair and looked at the garden in our backyard.  One will immediately notice lots of red roses that my wife planted and took care of.  According to Kyan, those roses actualy counted one hundred and she intend to keep it that way. When i asked her why, she said that she wanted to call it "century roses." She said that the word century just sounded good.  When we have visitors, she boast about it and tell them to check out her century flowers.  I seem to agree with her about how it sounded good.  Then she would start explaining to them that those roses actually counted one hundred and they would start asking questions on how she count them and
managed to leave it with that quantity.  I sometimes saw her counting those flowers from time to time but i didn't dare check if those roses really counted one hundred.  One thing's for sure though, they really look beautiful specialy in times like this when my whole family is together.  I always love going onto this part of the house to see those flowers.  For some usual reason, i felt happy and at peace whenever i look at them.  

       I then turned my attention to Sophia who's sitting on my right. "I have something." I said to her with a singing tone.
       "Really!? What is it?"  Sophia exclaimed excitedly then looked at Kyan. "Mommy, daddy got something!"  
       "Wow, that's nice!" Kyan answered smiling at me. She knew what i got for our daughter.  We were together when i bought this gift.  She went onto our table and sat to my left right in front of our Sophie and held my hand.  
       "Well, this is more of for Chaw-chaw's." I reached into my pocket for the gift.
       Sophia gasped in surprise and lifted Chaw-chaw with her two little hands to place the dog's face next to hers.  "It's for you Chaw-chaw!" She joyfully told the dog who replied by wagging her tail.
        I pulled out a dog collar from my pocket and held it with both hands towards my daughter.  "Can you read what it says sweetie?" I held the golden plate attached to the collar which has a name inscribed on it and turn it to Sophie.  
       "'So-phi-a...' it has my name on it!"   Sophia said while smiling beatifully
       "You like it sweetie?"
       "Yes daddy. Very much!  Thank you so much daddy." Sophia then stood up  and walked towards me then kissed and hugged me.
       "You're welcome switie. Put it on Chaw-chaw"
       Sophia then gently put the dog collar on Chaw-chaw's neck while i help her adjust the belt to perfectly fit.
       "It's so pretty! Look at her mommy."  My daughter said to my wife while raising the dog up to Kyan.
       "Yes she is swetie."  Kyan replied
       
       We were all eating breakfast together when suddenly, Chaw-chaw is grawling at something which seems to be inside the house.  Then we heard a noise inside our house which sounded like a funiture knocked over.  Chaw-chaw then jumped off Sophia's lap and started running towards our house.  Sophia ran after the dog and series of noise suddenly followed as if the whole building is being torn apart .  I jumped off my feet and went after Sophia.  All of our furnitures lie broken in every part of the house and neither Sophia nor Chaw-chaw is inside.  My heart started beating really fast then i heard my wife screaming in fear.  When i went to  back to her, i saw people, or what it seems to be, who's bodies are green and that has decaying skin and flesh.  Their eyes protruding off their eyesockets and their teeth showing.  I was nailed to where i stand and can't move my body upon seeing this horror in front of me.  My wife was shouting my name for help and reaching out to me but the creatures were too many that it would be impossible to escape from them.  With all my will and strength left in me, i tried to run towards her when all of a sudden, there were also same creatures that appeared from nowhere who grabbed hold of me.  I was struggling to escape but they were too many that my strength was not enough to dislodge them.  I looked to where Kyan is and saw the creatures dragging her in the garden where the roses are now torn as they make way toward the woods.  There were really no woods in our backyard but it suddenly appeared there and it seems that it's really dark inside.  
       The zombie-like-creatures now brought me inside the house where i was able to grab hold of an aluminum baseball bat.  I managed to free my right hand and swing the bat toward the creature's head in front of me.  It suddenly let go my other arm  as it took holds of it's head as if in pain.  I saw a green liquid oozing from it's head, which i reckon would be their blood and continued hitting on the others untill i managed to free myself from them.   They were all cautious now and seem to not want to go near me.  I held the bat uptight threathening them that if they go nearer, they will definitely get some of it.  I kept on looking around for any sign of Sophia but failed.  Oh God!  What happened to them? I thought... Where are they taking my wife?  What in the world is happening here?  Where did these creatures come from and what do they want from us?  My poor Sophia, my beloved Kyan, and Chaw-chaw that our Sophie is very fond of.   Out of anger, i attacked more of these creatures that have now surrounded me while my back is on the wall.  I was able to gain distance from them and saw the front door of our house.  I slowly went towards the door as i kept on threatening the zombies with a bat to move them away.  
       The moment i stepped outside our house, it suddenly became evening.  What was morning a couple of minutes ago has now become nightime.  The surrounding is not what it used to be.  Everything is in ruin.  The trees are leafless, the wind pierced deeply through  my skin.  The road is filled with dry leaves and there's no one around.  My car that i always left parked outside the house is consumed entirely with rust.  All the windows are broken and it's tires flat.  The compartment is left open because the door is gone.  "This is no happening." I said to myself. "This is just a bad dream."  I pinched my left arm with the fingers on my right and it hurt.  I pressed harder and left a red mark on my skin.  Not contented, i even slapped myself in the face.  It was not a dream! It was real!  I felt the pain.  The pain i know is real but im still doubtfull of my surroundings.   This place is used to be full of red, yellow and green.  All i see now are only black and gray and some spots of red stains on the road.  A thought came to me that hardships and challenges that come into our lives are the things that let us know we are alive.  That we are not only dreaming and that we ixist.  But i only know pain now and no sign of life.  My wife and daughter both gone.  
       I saw a lady wearing black gown coming toward me.  Her hair long and curly waving freely as the wind blows.  She seemed to be floating for i did not see her feet touching the ground nor see them moving as she comes near to where i stood.  The lady went to a halt right in front of me.  Her huge black eyes staring right at me with pure hatred as her black lips slowly moved to speak.
       "You betrayed me!"  The lady said as she clasped her hands into a fist really tight.
       "Who are you?" I asked.
       "Oh, don't you ask me that!  You know me very well!"
       "Are you the one responsible for all these?  Are these your own making?  Where is my wife and my daughter!?"
       "I brought them to a place where they should be?"
       "And where is that?"
       "Somewhere not with you!"
       "Don't you dare hurt them or else..."
       "Or else what!?" She interrupted.  "You will make me suffer again?  You already did and now you are going to make me suffer again?"
       I really don't know what the lady was talking about.  She continued to speak.
       "You can't imagine how much pain you've caused me after you left!  You will never decipher all the sufferings i've been through!"  The lady shouted.
       My heart started to beat harder than it did before as i continued to listen.  
       "How dare you leave me?  How dare you leave me and the baby in my womb?"
       I was shocked upon hearing what she said but had managed to ask another question.  "What are you talking about?"
       "You said you love me.  You promised that we will live happy together.  You promised heaven and earth to me!"
       Like the rest of my questions, i did not get a clear answer.
       "I have never been very happy when i discovered that i am having a baby. That i am having your baby!"
       I felt my legs weakened and my shole body shaked upon hearing these words.  I looked at her and whisphered, more to myself than to hers, "Anna."
       It all came back to me.  That part of my life when i was in college taking up law.  I remembered the memories that Anna and i shared together and how happy we were untill that fatefull day she told me that she's pregnant.   I got scared of what the sudden change can all this bring into my life.  I got really mad at her and told her that she's really stupid to have allowed  this to happen.  I remember how hard she cried that day.  She left and said that i will never saw her again and the baby in her womb.  I never saw her again... not untill that moment she came back to me.  
       The expression on her face suddenly changed as she continued to stare at me.  
       "But after all that you have done and after all that i've been through, i still love you.  I have long waited for this day when i will have my revenge  against you for what you did to me.  I cursed you when i realized that you are not ready for the baby.  I swore to myself that i will make you pay and suffer more than i did.  But it all changed when i saw you again today."  
       I tried to think of something to say but didn't find any.
       Her eyes looked pleading as she held both my arms with hers and lay them onto her chest where her heart is.  "Be with me again and the curse will be lifted."
       I pulled her close to me then lowered my face untill my lips found hers.


I am sitting on our breakfast table outside the back of our house, which is my favorite part, and reading a newspaper that says "Sunday Issue."  I love Sundays when i will be off from work and just spend time with my family.  We always start the day with us having breakfast together.  I can already smell fried rice, eggs and hotdogs which had always been my favorite breakfast meal.  The backdoor that leads to our veranda slowly opened and from it came out Anna who's carrying a tray with our food on it.
       Good morning honey!  You're up early."  She greeted then placed the food on our table.  She came towards me and kissed my lips.
       I kissed her back and gently gave her a hug.  "Good morning!"  I greeted and smiled at her
       I lay the newspaper on the table and watched my wife arrange the plates and the utensils on the table.  She poured coffee on my cup and smiled at me.  I kept watching her as i drink my coffee.  Her red and long curly hair flows freely as she move around.  She looked at me again and smiled, aware that i was watching her.   Green eyes glimmering more brightly than the morning sun.  .
       "Phil, come on now!  Breakfast is ready."  She was shouting and yet her tone still sounded really soft and like music to my ears.
       I heard tiny footsteps from inside the house which became louder  untill the door opened and came out our seven-year-old son Phil.
       "Good morning daddy!  Good morning mommy!"  He greeted enthusiastically the ran towards me for a hug and a kiss.  He did the same for his mother.
       After a satisfying breakfast, we stood together at the edge of our veranda looking towards the lake which served as our bakyard.  Anna lying her head peacefully on my shoulder, left arm wrapped around my waist, and Phil sitting in front of us on the ballustrate so he can get a better view.  My wife and i hugging him.
       I suddenly noticed lots of roses floating adrift on the lake.  The current bringing the roses towards us.
       "Look daddy!  Roses!"  Phil exclaimed pointing to where the roses are as it slowly come near to where we are.
       "Where did they come from?"  Anna asked.  "Their beautiful!"  She added.
       "Yeah, and strange."  i was agreeing with Anna.
       The roses are now right below us and we were watching them closely as the water waves make them bump at each other.
       "I bet there are one hundred roses there."  Phil challenged.
       "You can start counting now if you like."  I kid.
       Everyone laughed after i've said that.
       I suddenly noticed something glimmering in the bottom of the lake.  I tried to look more closely to somehow find out what it could be.  I noticed that it's a dog collar that has a golden metal attached to it.  There is something written on it that that read the name "Sophia."  For some unknown reason, a tear fell from my eye.  It slowly dropped down and touches the lake's surface which makes ripples.
       
 
      
























3 members think this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted August 17, 2012 12:12AM
absindex
absindex
stars
Majestic Sulitizen
11068 posts
  • Registered: Oct 7, 2009
  • Last Access From: Philippines
#2 Poster (Last Hour)

 

“First Love”

 

 

 

 First semester '87.

 

 

 

Naghihintay si Otreb sa may lobby ng UB (University of Baguio). Patingin-tingin sa mga estudyanteng nagdaraan. Nakasuot sya ng knit sweater at sabay nakadoble pa to ng maong na jacket.

Hindi nagtagal sa hindi kalayuan natanaw nya ang kanyang pakay si Jacky naglalakad mula sa pasilyo ng Annex patungo sa kinatatatayuan nya. Nakangiti ito. Mistulang itataas sana ni Otreb ang kamay nito upang kumaway ngunit parang nahiya at hindi na tinuloy at tumango na lang.

Nakilala nya si Jacky sa bus nun paakyat siya ng Baguio para sa unang semester taon ng 1987 kung saan sya mag aaral sa kolehiyo. Nagkataon sa kinauupuan ni Jacky sya naupo dahil eto lang ang bakante nung mga oras na yun. Punuan ang mga bus dahil pasukan ng estudyante.

 

 

  “Miss, bakante ba yun katabi mo?” Bungad ni Otreb.

Tinignan lang sya ng babae at hindi kumibo.

Nagtaka si Otreb kaya inulit nito ang tanong,

“Miss…”   At saka biglang nagtangal ng Walkman earphone ang babae at umusog ito palapit sa bintana at pinaupo sya. Hindi napansin ni Otreb na naka-Walkman pala to dahil saka lang nito napansin na mahaba ang buhok ng babae kaya hindi halata na may nakasabit na earphone sa taynga nito.

Pangatlong akyat na ni Otreb patungong Baguio to. Ang una ay nun buwan ng Marso panahon ng enrollment na kasama pa nya yun pinsan nya na alumnus ng  Saint Luis University (SLU). Ang pangalawa ay nung naghakot sila ng pinsan nya ulit ng mga gamit na gagamitin nito sa pagtira at pag-aaral sa Baguio.

 

Nasa ganong pag-iisip si Otreb ng makita nya ang babaeng katabi nya ay nakatingin sa kanya. Suplado si Otreb. Hindi sya yun tipo nakikipagkilala na lang kung kani-kanino. Ngunit parang may naramdaman syang kakaiba sa dalagang katabi nya sa upuan.

 

“Saan ka papasok?” Sabi ng babae.

“Ha?” Sagot ni Otreb

“Sabi ko anong school ka?” Sabi ulit ng babae.

“Exuse me.” Balik ni  Otreb.

“Suplado mo naman. Tinatanong lang naman kita.” Sabi ng babae.

Napatingin si Otreb sa babae at dun nya napagmasdan ang itsura nito. Matangos ang ilong, balingkinitan ang katawan, at sa wari nya ay nasa 5 feet ang taas nito dahil nakita nya sa pagkaka upo nila na lagpas ng balikat nya ang babae.  5' 8” si Otreb at ilang babae ang matalik nyang kaibigan na halos mga 5ft din ang tangkad kaya madali nya mahulaan kung ano tangkad ng babae na katabi nya. Maganda ang mata ng babae, bibilugin na may pagka tsinita. Maputi ang ngipin nito at maganda ang kutis. Hindi si Otreb basta humahanga sa babae, pero sa pagkakatong ito nasabi nya sa sarili na maganda ang babae na katabi nya.

 

“I’m Jackelyn.” Sabi ng babae.

“Oh, hello. Ako naman si Otreb.”

“Otreb?... O.. t.. r.. e.. b.. Otreb?”  Ganda naman ng name mo, kakaiba.”  Sabi ni Jackelyn.

“Ikaw din maganda din ang name mo. Parang si Jacqueline kennedy Onassis.” Sabi ni Otreb.

“Hahaha.” Napatawa ng malakas si Jackelyn.

“You can call me Jacky for short.”

 Natawa si Otreb.

“And you can call me Otreb. Because, that’s already the short of it.”

“Bakit ano ba ang buo mong pangalan?” Ang tanong ni Jacky.

“Pag sinabi ko sayo hindi mo na ako kakausapin. At nasa San Fernado pa lang tayo, limang oras pa bago makarating ng Baguio.” Sagot ni Otreb.

“Okay, hindi ko tatanungin sa ngayon. Sa ngayon. Pero mamaya pagdating natin ng Baguio, promise mo sasabihin mo sa akin, okay?”

“Deal.” Natatawang sagot ni Otreb.

 

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

“Kanina ka pa? Sorry ha? Alam mo naman, midterm...”  Bungad ni Jacky sabay halik sa pisngi nito

“No. Kararating ko lang din.” Sagot ni Otreb.

 

Habang naglalakad sila sa Session Road patungong Cathedral para mag visit.

“Treb, alam mo ba na perfect ulit ako dun sa Alebra exam?” Pagmamalaki ni Jacky sa kanya.

“Hahaha. Talaga! Perfect na naman?"  Tuwang tuwa tanong ni Otreb.

“Oo!” pinakita ni jacky kay Otreb ang testpaper na may 10/10 na score.

Habang tinitignan ni Otreb ang testpaper ay biglang yumakap si Jacky na parang naglambitin sa leeg nya. Laking ikinagulat nito, kaya napayakap din to sa nobya. Napatingin si Otreb sa paligid, madaming tao. Ngunit hindi sila nabahalang dalawa ni Jacky. Eto ang gusto ni Otreb sa Baguio. Ang mga tao dito ay walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Hindi sila mahilig maki-usyoso. Hindi kamukha ng mga tao sa baba mahilig tumingin at mamansin. Sa Baguio pwede mag suot kung ano ang gusto mo suutin na alang pupuna sayo kung eto ay out-of-fashion or ala sa tamang kumbinasyon. Sabi nga nila you can be everything you want to be in Baguio only that you should know how to speak yourself in English fluently. Dahil sa Baguio kahit tindera lng sa ukay-ukay ay magaling mag-English at matatas magsalita.

 

  “Dear Lord, thank you fo making this day a great one, especially for our exams.

I know this is just the beginning of a long journey towards the end of college.

But with your help and guidance, we will prevail and succeed.

Please bless also our love, so that however young we may be, we would persevere and stay strong.

And lastly, please lead us away from temptations so our future will be great and better, and our love strong and lasting as forever.

Thy will be done. Amen.”  Taimtim na dasal ni Jacky habang katabi si Otreb sa upuan ng simbahan na malapit sa may altar.

Magkahawak sila ng kamay ng lumabas ng Cathedral. Masaya sila sa isa’t isa. Malayo sa mga magulang nila, sa mga tahanan nila. Pero dito sa Baguio - natagpuan nila pareho ang isa't isa.

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

 

Mabilis nagdaan ang mga taon. Parang kelan lang sila nagka-kilala ni Jacky sa bus paakyat ng Baguio. Ngayon ay kapwa na sila third year college pareho. Isang taon na lang at matatapos na si Jacky sa BS Management na kurso nito sa UB. Samantalang si Otreb naman ay aabutin pa ng dalawang taon dahil sa kursong Mechanical Engineering na kinuha nito sa SLU.

Nasa Dean’s List si Jacky consistent at regular mula first year hanggang third year. Hindi na nagtaka si Otreb dito. Matalino si Jacky at masipag mag aral. Yun ang kagandahan sa nobya nya, hindi lang to matalino kundi mahilig at masipag pang mag-aral. Lagi nya to pinagmamalaki sa mga kaibigan nya at mga magulang.  Sa loob ng tatlong taon naging mag nobyo sila, hindi lang sampung beses naisama ni Otreb si Jacky sa bahay nila sa San Fernado, Pampanga. At ganun din naman si Otreb, ilang beses na din ito naisama ni Jacky sa bahay nila sa Olongapo, at madalas pag may okasyon dun pa ito nakikitulog. Dahil dito magkaka-kilala na ang mga magulang nila at kung magbiruan at magtawagan ay balae. Lubos sila natutuwa sa kanilang mga anak dahil tunay naman makikita na nagmamahalan ang mga to at may kanya kanyang mga pangrap sa buhay.

"Balae, basta pag ikinasal sila dito sa Olongapo ha?" Sabi ng magulang na babae ni Jacky.

"Ay, balae, sa amin ang lalaki kaya dapat sa Pampanga." Sabi naman ng magulang na babae ni Otreb.

"Eh ganun pala mga balae, gawin na lang natin dalawang beses ang kasal. Isa sa Olongapo at isa sa Pampanga." Bungad naman ng magulang na lalaki ni Otreb.

"Eh, pare, tama ka dyan. Dalawang beses natin sila ipakasal para mas makakasiguro tayo hindi maghihiwalay ang mga anak natin." Sabi naman ng magulang na lalaki ni Jacky.

Sabay na nagkatawanan sila.

Walang plano na magpakasal agad sila Otreb at Jacky. Ang usapan pagkatapos ng kolehiyo ay mag tatrabaho muna sila ng limang taon at pagkatapos ng limang taon dun pa lang sila magpa-plano tungkol sa kasal nilang dalawa. Labis eto kinatuwa ng mga kapwa magulang nila. Hindi nagmamadali ang dalawa. Alam nilang dalawa ang bigat ng responsibilidad. Kaya kapwa natutuwa ang mga magulang nila sa kanila.

 

- - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - 

 

First semester '90.

Nagkakagulo ang mga estudyante sa may main gate ng SLU nung umaga ng Lunes nung July 9, 1990 dahil sarado ang main gate kasama na dito lahat ng mga periphery access at access point papunta sa loob ng SLU. Ayaw magpapasok ng guwardiya ng sinuman.

 

“Apay ngay awan ti pasok manong?” Narinig nya tanong ng isang estudyante sa guwardiya.

“Ay apo, ag-strike da man kanu di maestro” Sabi naman ng isa estudyante sa kapwa estudyante di kalayuan.

“Agawid tayon bok.” Sabi pa ng isa.

“Sungaruden. Agawid tayon.” Ayon naman ng iba.

"Wen. Wen. Agawid ak." Sabi uli na isa.

"Wen. Agawid tayon la'ang." Sabi ng madami.

 

Palingon lingon si Otreb may hinahanap, hanggang makita nya ang isang pamilyar na mukha na naging kaklase nya sa Integral Calculus nung second year, “Morales, anya ti nangyare?” tanong nito.

Bok, strike na lang bigla ang faculty. Mukhang matagalan to. Kasi two weeks ago ko pa naririnig na may disagreement between the admin and faculty about dun sa bargaining.” “Ayun, Natuloy din.”

“Sa tingin mo magtatagal to?” Tanong ulit ni Otreb.

“Ewan ko lang bok pero sabi ng auntie ko sa registrar mukha daw aabutin to ng tatlong linggo. Matinding lockout to.” Sagot ni Morales.

“Ganun ba?”

“Bakasyon muna tayo. Hahaha.” Natatawa sabi ni Morales, sabay dugtong, “Uwi ka ulit Pampanga.”

“Hahaha. Bok, kaaakyat ko lang nung isang Linggo, pauuwiin mo na agad ako?” Pabiro na sabi ni Otreb.

“Ala tayo magagawa.” Natatawa sabi ni Morales. Sabay, “Sige, bok, puntahan ko lang mga ka-brod ko.”

“Sige bok, ingat. See you.” Sabi ni Otreb.

Ikaw din. Congrats dun sa pag akyat mo sa top four sa Dean’s List last sem. Mukhang inspired ka.” Pahabol ni Morales.

“Hahaha. Inspired ba? Hindi ako inspired. Mukha lang.Hahaha.” Natatawang sagot ni Otreb. “O, sige ingat.”

Biglang bumalik tuloy sa alala ni Otreb bakit sya nakasama sa Dean’s list simula pagyapak nya ng  second year college. Hindi bago kay Otreb ang masali sa honor roll. Dahil mula elementary at highschool lagi eto kasama sa honor roll.  Ang ayaw lang ni Otreb ay yun manatili dun sa top. Para kay Otreb marating lang nito minsan ang top place e ay tama na para ipakita lang na kaya nya. Pero hindi sya naghangad minsan na manatili sa pagiging top one. Kaya ala eto bilib dun sa mga kapwa nya estudyante na kulang nalang ay makipag-agawan sa top place. Hindi siya ganun. Hindi sya competitive pero kaya nyang sumabay. Subalit binago lahat ni Jacky yun. Mula nung naging sila ni Jacky hinawaan sya nito ng pagiging aggressive sa pagaaral. Napangiti sya sa huling sinabi ni Morales. Umakyat nga sya sa top four nun last sem mula sa pang-anim na pwesto. At naniniwala si Otreb na kaya nito maabot ang top one o di kaya maging Summa Cum Laude pagdating ng graduation sa fifth year.  At hindi lang yun, malakas ang loob nito na makakaya nya pumasok sa top 20 pagdating ng board exam. Basta andyan si Jacky lahat magagawa nya. Hindi lang sya inspired. In-love pa. Masarap ma-inlove lalo na kung first love eto. Si Jacky ang first love nya at umaasa ito na si Jacky din ang huli at pakakasalan nya. Mahal nya si Jacky. Mahal na mahal. At ang importante sa lahat mahal din sya ni Jacky.

 

  Kumakain sila sa may 456 Restaurant sa may Session Road pagtapos nito sunduin si Jacky sa UB. Si Otreb ang nanglibre dahil uuwi muna to sa Pampanga kinabukasan para dun maghintay habang patuloy ang strike sa SLU. Umorder sila ng siopao na paborito ni Jacky at kasabay umorder din sila ng chicken mami, siomai, at bird’s nest soup. Mahilig sa Chinese food si Jacky isang bagay na kinagusto ni Otreb dahil bata pa si Otreb ay mahilig na sya sa Chinese food.

“Tagal ng bakasyon mo nyan kung aabutin ng three weeks yun strike.” Sabi ni Jacky.

“Oo nga, pero malay mo, basta tawag ka agad pag may balita na. Madali na lang umakyat uli.” Sabi ni Otreb.

 “Hindi man lang nila tinapos ang  prelims. Wrong timing naman sila.” Ani Jacky ulit.

Ang duda ko sinadya nila na itaon ng prelims ang strike para may pressure sa admin.” Sagot ni Otreb.

“Ano oras baba mo bukas?” Tanong ni Jacky.

“Gusto ko sana last trip, 6PM para masundo pa kita sa last class mo.” Sagot nito.

“Sige, ihahatid kita.” Sabay kapit ni Jacky sa kamay ni Otreb na parang tuwang tuwa at naglalambing.

"Talaga? First time mo ata gagawin, ihahatid mo ako." Pabiro ni Otreb.

"First time? Oy, mister, baka nakakalimutan mo eto lang ang pagkakataon na uuwi ka hindi tayo sabay. Lagi kaya tayo magkasabay bumaba." Balik ni Jacky.

"Hahaha. Oo nga ano!" Sabi Otreb.

Sabay nagkatitinginan silang magnobyo at sabay nagkatawanan.

Ang saya nila ni Jacky. Sana ala ng katapusan ang ganito.

 

  Kinabukasan sa may Victory Liner.

“Tawag ka agad kung ano balita sa SLU ha?” Bilin ni Otreb.

“Opo Sir.” Biro ni Jacky na sabay tawa.

“Mami-miss kita.” Dagdag ni Otreb.

“Ako din naman eh. Mas mami-miss kita.” Sabay yakap nito kay Otreb at dampi ng halik sa labi.

“Sige na at aalis na ang bus. Kumusta mo ako kila mama at papa.” Sabi ni Jacky.

“Sige, makakarating. Ingat ka lagi. I love you.” Sagot ni Otreb.

“And I love you, too. ‘Really love youuu.” Balik ni Jacky na naglalambing at sabay bumaba na ng bus to habang nagsisimula ng umandar dahan dahan ang bus.

Hindi umalis si Jacky sa kinatatayuan nito habang pinagmamasdan si Otreb at ang bus na papalayo. Sa isang maikling sandali ay naglapat ang mga mata nila na puno ng lungkot dahil sa magkakalayo sila ng ilang linggo. At habang unti unting papalayo ang bus pilit tinatanaw ni Otreb si Jacky na nakangiti pa din at kumakaway hanggang maglaho na to sa kanyang paningin at saka lamang natahimik si Otreb sa kanyang kinauupuan. Sa kanilang dinadaanan nakakita si Otreb ng mga roses na tinitinda sa bangketa. Pink roses. Bigla nya naalala si Jacky at nangiti ito. Dahil paborito ni Jacky ang pink roses. Maraming beses sa kanilang pamamasyal sa Baguio hindi nila pinalalagpas na dumaan ng Baguio market para tumingin at bumili ng pink roses. Naisip tuloy ni Otreb paano na kung nasa baba na sila ni Jacky at mahal na ang mga roses. Magtatanim na lang sya ng maraming maraming roses.

Bago pumasok ng Naguillan Road ang bus ay may stop light na kung saan ay may mga umaakyat na vendor upang mag alok ng pagkain o ano man pasalubong. Isang batang lalaki ang umakyat na ang dala ay hindi pagkain kundi mga rosas. Napangiti si Otreb. Tinawag nya ang bata at tinignan ang mga dala nitong bulaklak.

 

  At sa hindi maipaliwanag na pagkakaton, sa mga kumpol na mga bulaklak may nakita syang kakaiba. lahat ng kulay na mga to ay pula - ngunit may nag-iisang pink rose na napapagitnaan ng mga mapupulang rosas. Napaisip sya. Hindi nito alam kung nagbiro lang yun nag ayos ng bulaklak at naglagay lang ng isang pink na rosas sa gitna ng mga matitingkad na pula o isang pagkakataon lang ang lahat. Yun ang pinili nya at binayaran sa bata. Nagpasalamat ang bata sa kanya at nagmadaling bumaba dahil umaandar na ang bus. Pagkababa ng bata napatingin to kay Otreb at gayon din to sa bata. May naramdaman si Otreb na kakaiba habang tinititigan nya ang bata. Nakangiti to pero malungkot. Nag-isip at parang nagtaka si Otreb. Sa isang iglap ay nawala na sa paningin nya ang bata dahil umandar na tuluyan ang bus papasok ng Naguillan Road. Nasa gitna na sila ng Naguillan hindi pa din nya makalimutan ang bata na binilhan nya ng bulaklak. Hindi nya mawari kung ano ang bigla nyang nakita at naramdaman na lungkot sa ngiti ng bata. Hindi nya lubos maisip.

Inilagay nya ang kumpol na bulaklak sa may tabi nya malapit sa bintana. Inisip nito na hindi malalanta ang mga to dahil last trip ang sinakyan nya. Pagdating nya ng San Fernando ilalagay nya muna to sa may chiller ng refrigerator , at kinabukasan na nya gagawin ang plano nya para sa pink rose. Patutuyuin nya to sa araw at pag natuyo na ay ilalagay sa photo frame. Mahilig si Jacky sa dried rose na madalas ay pinapatuyo lang nya sa pagkakaipit sa mga libro nito. Naisip ni Otreb habang alang pasok sa SLU ay gagawin nya to bilang kanyang project para malibang sya. Dried pink rose in a frame at eto ang ire-regalo nya pag akyat nya muli ng Baguio kay Jackie.

Mami-miss nya si Jacky.

Hindi nagtagal napapikit na ang mata nito sa antok.

At sa isang saglit tuluyan na to nakaidlip sa byahe.

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

The Class of  ‘93 

 

 

Walang katumbas na kaligayahan ang nadarama ng mga magulang ng mga oras na yon, lalo na ng magulang ni Otreb habang nakaupo sila sa SLU chapel para sa Baccalaureate Mass dahil sa susunod na  saglit pa ay tutungo sila sa SLU auditorium para sa graduation ng kanilang mga anak at kamag anak. Pagkaraan ng misa ay ginanap na ang graduation rite. At hindi nagtagal,

tinawag na ang pangalan ni Otreb para tangapin ang diploma nito mula kay Senator Mirriam Defensor Santiago, ang bisitang pandangal ng SLU para sa Class 1993 Graduation Rite.

Edilberto M. Hizon……  Summa Cum Laude, SLU Class of 1993.” Bigkas ng malakas ng Emcee..

Nagpalakpakan ang mga tao sa auditorium, kasama na dito ang magulang at kapatid ni Otreb na walang katumbas ang kasiyahan. Maliksi ito tumayo mula sa kinauupuan at pumanhik sa stage para tangapin kay Senator Santiago ang distinction at diploma. Kinamayan siya ni Senator at sabay dampi ng maikling halik sa magkabilang pisngi. Sabay tungo sa podium ni Otreb at nagbigay ng maiksing speech. Nagpasalamat sya una sa Diyos, pangalawa sa SLU sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanya at sa kapwa nya magaaral na marating ang tagumpay na to. Sa huli pinasalamatan nya higit sa lahat ang kanyang magulang at mga kapatid na nagsilbing inspirasyon sa kanya.

Pagkatapos nun ay tumungo sila SLU gymnasium kung saan nagkaroon ng konting salu salo para sa mga alumni at mga magulang kasama na ang mga bisita. Masaya ang lahat. Walang dahilan para malungkot sa gabing ito dahil gabi ito ng pagdiriwang sa limang taon na ginugol para makaakyat ng stage at tanggapin ang diploma para sa panibagong hamon ng buhay.

 

“Otreb, anak, congratulation.” Sabi ng magulang nito at mga kapatid.

“Thank you sa inyo. Ala ako dito kung ala din kayo.” Sagot ni Otreb.

Habang nagsasalo sa kainan umikot sandali si Otreb at pinuntahan ang mga kaibigan, binati ang mga to at ang kanilang mga magulang at nakipagkuwentuhan. At hindi nagtagal pagkatapos ng salu salo ay kanya kanya ng uwian ang mga alumni.

 

“Ayaw ko mag-hotel anak. Maghanap ka na lang ng transient house. Basta wag lang hotel. Utang na loob.” Bilin ng nanay ni Otreb dalawang linggo bago sumapit ang graduation.

 

  Isang bahay sa may Aurora Hill ang inupahan nila Otreb at ng magulang nito sa loob ng tatlong araw para sa graduation nito. Wala silang makuhang booking sa mga hotel sa kadahilanang halos iilan lang ang mga natirang hotel na hindi ginuho nung Killer Quake 1990. At higit sa lahat ayaw ng nanay nito mag hotel dahil sa phobia.

 

“Anak, naka-empake ka na ba lahat lahat?” tanong ng nanay nito.

“Opo, naka-ready na lahat.” Magalang na sagot ni Otreb sa kanyang nanay habang nasa loob sila ng kuwarto ni Otreb sa pangalawang palapag ng bahay. Samantalang  ang tatay ni Otreb at mga kapatid nito, isang kuya at dalawang ate, ay nasa ibaba sa may garage port at nagba-barbeque party.

“Otreb.” Sabay yakap ng ina dito,

“Alam ko nalulungkot ka pa din sa kabila ng lahat. Pero sana maging masaya ka na at matutong lumimot dahil kahit siya man ay gugustuhin nyang maging masaya ka katulad namin ng ama mo at ng mga kapatid mo at lalo na sina balaeng Conrad at Norma.”

Sabay may inabot na isang sobre na tila may lamang pera ang nanay nito sa kanya,

“Bigay nila balae to, pumunta sila sa bahay isang linggo bago kami umakyat dito sa para sa graduation mo. Mahigpit na bilin ni Norma na huwag ko na daw sabihin sayo na sa kanila galing yan. Pero gusto ko malaman mo na ganun ka nila kamahal.”

“Basta ang sabi nila masaya sila para sayo, anak.”

“At ang huling paguusap namin ni Norma, ipinapanalangin nya na sana matuto ka na iwanan ang kahapon at bagkus pagtuunan mo ng pansin ay ang iyong kinabukasan.”

 

Alam ng nanay nito na sariwa pa lahat sa kanya ang nangyari sa kanila ni Jacky. Kaya hindi maiwasang nahabag ang nanay nito sa kanya at sabay niyakap ng mahigpit.

“Anak, mahal ka ni Jacky alam mo yan. Pero isipin mo madami pa nagmamahal sayo. Mahal ka namin kaming magulang mo at sampu ng iyong mga kapatid at kaibigan.”

“Alam ko mahirap kalimutan ang kahapon. Pero ang pag ibig anak ay hindi mapag imbot kundi mapagparaya.”

“kung hindi man sa panahon ngayon. Alam ko sa susunod na panahon sa maikling panahon ay may darating na papalit kay Jacky sa puso mo.”

 

Nakatitig lang si Otreb sa mga Pine Trees sa labas ng bintana. Wala itong kibo. Gusto lang nya mapag-isa nung mga sandali na iyon. Naintindihan ng nanay nito kaya’t nagpaalam na ito para lumabas ng kuwarto at hayaan na muna si Otreb sa gusto nya. Pagkababa nya ay sinalubong sya ng kanyang asawa sabay pisil sa kamay nito.

“Hindi madali ang lahat Angelo, hayaan na muna natin sya. Tutal hindi naman nya tayo binigo sa loob ng limang taon.” Sabay tumango lang si Angelo.

 

Kinabukasan...

  Pagkatapos mamili sa Baguio market ng magulang nito ang kanyang mga kapatid ay naghahanda na sila pa-byahe pababa. Nakasakay na sila lahat sa van na sinakyan nila paakyat ng baguio.

“Otreb, anak, sigurado ka ba sa desisyon mo maiiwan ka muna dito?” Tanong ng ama nito.

Tumango lang si Otreb.

“Sige anak, naiintindihan ko. Magiingat ka na lang. At kung ano oras ka bababa, andun lang kami at naghihintay sayo.” Sabi ng ama nito at sabay yakap kay Otreb. Yumakap din si Otreb sa kanyang ama. At humalik sa kanyang mga kapatid.

“Anak, mauuna na kami ha? Sana umuwi ka agad.” Sabi ng ina nito na medyo nalulungkot. Tulad ng dati tumango lang si Otreb.

At umalis na ang mag-anak.

Sa loob ng sasakyan,

“Huwag na kayong masyado mag-alala itay, inay, makakabangon din si Otreb.”

“May darating din na panibagong Jacky sa buhay nya.” Sabi ng nakakatandang ate ni Otreb.

 

“Sana nga. Sana nga.” Balik ng ina nito.

 

- - - - - - - - - - - - -- - - - -

 

The last day.

 

    Sa loob ng Cathedral. Sa upuan kung saan sila ni Jacky lagi nakaupo ay dun sya pumuwesto para magdasal.  Sa loob ng tatlong taon na naging sila ni Jacky hindi na nya mabilang kung ilang beses sila  nagsimba at nagdasal na magkasama. At hindi na din nya mabilang kung ilang beses sya pumasok ditong mag isa na hindi kasama si Jacky para ihinga ang kanyang sama ng loob at ang kanyang kalungkutan. Nagdasal sya ng taimtim,

"This, too, shall pass away."

Pagbaba nya ng Session Road patungong Burnham Park ay natanaw nya ang UB. Tila biglang may kumirot sa puso ni Otreb. Dito sa street na to sila lagi dumadaan ni Jacky pag sinusundo nya to. Lahat ng makita nyang tanawin sa Baguio ay lagi may alaala ni Jacky.

 

Binilisan ni Otreb ang kanyang mga yapak patungong Burnham Park.

 

 

  Sa isang saglit pa, tumungo ito sa paborito nilang bench ni Jacky at umupo. Dito sa upuan nito sila ni Jacky lagi nauupo. Dito sila gumagawa ng mga assignment at nagrereview. Dito sila bumuo ng mga pangarap nilang dalawa. Mahalaga kay Otreb ang upuan na ito - dahil tandang tanda pa nya - dito sya sinagot ni Jacky limang taon na ang nakararaan. Nagmasid si Otreb sa paligid. Nakita nya madami nag bo-boating halos okupado lahat ng boat sa Burnham Lake at saka nya lang naisip na summer pala.  At pag summer sa Baguio, dagsa ang mga tao at turista. Sa gitna ng madaming tao, ingay at katuwaan. na-miss nya uli si Jacky.

At unti unti, bumalik ang mga alaala...

 

   “Treb, tapos na ang lockout sa SLU. Kaya official na. Sa Monday, July 16 may pasok na. Hahaha. Balik ka na dito.” Ang sabi ng tuwang tuwa na si Jacky sa long distance call.

“Talaga? Buti naman. Namiss na nga kita e” Sabi ni Otreb.

“Ako din naman. Parang ang tagal dalawang linggo hindi kita nakita. Miss na kita. Miss na miss!” Sagot ni Jacky.

“Hahaha.Talaga? Ang sweet naman ni Jackenjill ko.” Sagot ni Otreb na pabiro. Minsan pag nagkakaasaran or nagkakatuwaan silang dalawa ni Jacky, tinatawag nya to Jackenjill (Jack and Jill) na hindi alam kung ikaiinis or ikatutuwa ng dalaga pero sa huli ay nakasanayan na nya.

“Jacky, birthday ng father ko sa Linggo pala, kaya sa Tuesday, July 17 pa ako makaka-akyat.”

“Oo pala. Paki-greet mo ko happy birthday sa kanya ha?” Patuwa na sinabi ni Jacky.

“Oo naman. Alam naman nila dito yun.”  Patuwa din sabi ni Otreb. Sabay dugtong nito, “Sabi ni mother huwag ko daw kalimutan yun niluto nya na leche plan na paborito mo.”

 “Pakisabi kay mama thank you. See you Tuesday. Ingat ka. I love you and I miss you. Tsup.” 

"Please come back soon?" Huling sabi ni Jacky.

“Yes. I will see you soon. And I love you, too... Always.” Sagot ni Otreb bago binaba ang telepono.

 

 

July 16, 1990 4:28 PM

Mabilis ang pangyayari ng mga sumunod na sandali na yun.

Huling klase na ni Jacky nung mga oras na yun 4:30 M-W-F. Naghahabol siya dahil ayaw nya ma-late. Hindi lang academic achiever si Jacky lagi pa to perfect attendance. Sa loob ng tatlong taon nya sa UB ni minsan ay hindi ito lumiban ng pasok.

Sa kagustuhan nito umabot sa oras sa klase, pinili nyang dumaan sa makipot na hallway ng Annex A para mag-shortcut. Eto ang peripherial hallway maliban sa main hallway na nagdudugtong sa building ng Annex A papunta sa main building ng UB kung nasaan andun ang classroom ng kanyang huling klase.

 

At sa kasamaang palad dito inabutan si Jacky ng lindol.

 

 

 

Ang lindol o ang binansagang "Killer quake" na may magnitude na 7.7 ay tumama sa Hilagang Luzon. Ang sentro ng lindol ay nasa Cabanatuan,Nueva Ecija. Ngunit ang layo nito ay hindi sapat para hindi magdala ng matinding pagyanig ng lupa sa mga karatig pook kasama na dito ang Baguio.

Hindi namalayan ni Jacky kung ilang oras sya nawalan ng malay. Ang huli nyang natandaan ay gumuho ang kisame na semento ng hallway at sabay may mga tilang napunit at nag-untugang bakal na hindi nya nawari kung ano. Kasabay nun narinig nya nagsisigawan ang mga tao, walang humpay na tili ng mga boses at iyakan. At sa isang iglap,  may naramdaman syang tumama sa may likod nya.

Bago tuluyang nagdilim ang paningin nya.

 

Madilim ang paligid ng magising ito, ala syang makita o maaninag na kahit na anong liwanag. Naisip nito na kung mag a-ala singko kanina lumindol at sabay nawalan sya ng malay, posible na malapit ng maghating gabi. Kung anong oras, yun ang hindi nya matiyak. Wala syang suot na relo. Hindi nagsusuot ng relo si Jacky. Hindi sa wala ito hilig magsuot kundi mas gusto nito gamitin ang kanyang instinct sa pagtukoy sa oras. Minsan nasa Session Road sila ni Otreb at naglalakad,

“Bakit ayaw mo mag suot ng relo?” Nagtataka na tanong ni Otreb.

“Basta ayoko lang na nakikita ang oras. Parang napi -pressure ako.” Sagot nito.

“Sige nga Jacky, sabihin mo sa akin anong oras na?” Patukso na tanong ni Otreb. “Pag nasagot mo yan, ililibre kita ng toasted siopao.”

“Talaga? Promise mo yan?” Banggit ni Jacky.

“Toasted siopao. Mainit init pa.” Natatawang sabi ni Otreb.

Sandaling pinikit ni Jacky ang kanyang mga mata at mistula pinakiramdaman ang paligid. At mayamaya, “Mag a-alas otso na.”

Tumingin si Otreb sa relo nito na Casio crystal lcd wristwatch at nagulat sa nakita nya 7:55!

“Aber, sige nga pano mo nasabi? Madaya ka.” Sabi nito kay Jacky.

Sabay humarap si Jacky sa kanya at tumigil sila sa paglalakad. Sabay hawak ni Jacky sa mukha ni Otreb na halos magdikit na ang kanilang mga mukha at palambing na sinabi,

“Treb, pikit mo mga mata mo. Dali.”  At ipinikit ni Otreb ang kanyang mga mata habang takip takip ni Jacky ng kanyang mga kamay.

 “Shhh…Naririnig mo ba yun tunog na yun?” Tanong ni Jacky.

“Hmm… Ang alin?”

“Shhh… Makinig ka mabuti. Wag mo isipin yun boses o ingay ng mga tao. Try mo isolate at  distinguish lahat ng noise…” pabulong na sabi ni Jacky.

“Isolate. Okay… Hmm.. May naririnig ako na parang nag i-slide or nag...sasara ng steel accordion door!” Pasabik na sabi ni Otreb.

“Tama. Yun ang tindahan ni Mr. Chin. Nagsasara na sila kasi mag alas otso na.” Natatawang sambit ni Jacky.

“Hahaha.” Sabay nagtawanan silang dalawa.

 

 

Sobrang sakit ang nararamdaman nya. Madilim ang paligid hindi sya makakita o wala syang makita. Kinapa nya ang sarili nya. Nakahiga sya sa sahig, pinilit nyang tumayo ngunit parang may pumipigil sa kanya, sinubukan nya igalaw ang mga kamay hanggang makapa nya sa may parte ng kanyang baywang papunta sa may paanan nya at saka sya parang naiyak…

Naglalakihang mga poste at bloke ng semento ang nakadagan sa kanya!  At saka nya naramdaman uli ang sobrang sakit at tila pamamanhid na nyang katawan.

Pinikit nito ang mga mata at nakiramdam sa paligid. Parang may mga naririnig syang mga boses ng tao ngunit masyado mahina upang maintindihan nya. Naghahalo ang emosyon at takot sa kanya ng mga sandaling iyon. Pumikit sya saglit, kumuha ng lakas…at sabay sumigaw ng tulong.

Halos maubos ang boses ni Jacky sa kasisigaw ng tulong. Ngunit wala sumasagot. Napapagod na sya sa kasisigaw. At saka nya naramdaman ang pagod at higit sa lahat ang pagsisimula ng labis na panghihina ng kanyang katawan.

 

Praktikal na tao si Jacky. Ito ang pagkakaiba nila ng kanyang nobyo. Si Otreb ay idealistic. Mahilig ito sa pag-isip at pag-pursue ng isang ideya na minsan ay sobra at ala na sa lugar. Katulad halimbawa pag nanunuod sila ng sine. Para kay Otreb lahat ng karakter at senaryo ay may kanya kanya ginagampanang ideya at ginagalawan para mabuo at iguhit ang istorya. Taliwas naman sa pananaw ni Jacky na ang dulo or ending ng istorya ang sya mismong naghuhubog sa bawat karakter na gumaganap dito at maging sa mga senaryo. “The end justifies the means,” ika nga.  Praktikal si Jacky. Hindi sya yung klase na aasa at maghihintay kung ala namang aasahan. At sa unang pagkakataon mula nung na-trap sya sa gumuho na building lalo nyang na-miss si Otreb. Kaylangan pa nya mabuhay. Kaylangan nya makagraduate. At gusto nya masaksihan ang araw ng pag akyat ni Otreb sa stage para tanggapin ang diploma nito at ang Summa Cum Laude honor.  Tiwala si Jacky na magagawa at makakamit ni Otreb to.

At higit sa lahat, kaylangan nya mabuhay para sa pagmamahalan nila ni Otreb. Mahal na mahal nya si Otreb. Marami pa silang pangarap sa buhay para sa kanilang dalawa. Ilang beses na nya na-imagine ang kanilang buhay na dalawa bilang mag-asawa, pati na magiging mga anak nila.  Ayaw ni Jacky dito matapos ang lahat. Hindi ito ang tamang panahon.

Dito na nagsimulang tumulo ang luha nito. At sa labis na lungkot at hinagpis,

"Lord, ikaw na po ang bahala sa akin..."

Sa sobrang pagod, gutom, emosyon, at hirap ng katawan – nakaidlip si Jacky.

 

- - - - - - - - - - - - - -

 

Pangatlong araw na ito ni Jacky sa pagkakakulong sa gumuhong establisimyento. Magkahalong gutom, pagod at sakit ng katawan ang kanyang nararamdaman. At sa mga sandali na iyon alam na ni Jacky na baldado na ang kanyang kalahating katawan mula baywang hanggang paanan dahil sa pagkakaipit nya sa mala-tolenadang konkreto at mga bakal. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari – nakuha pa nyang mabuhay sa loob ng tatlong araw na pagkakaipit at pagkakadagan. Ngunit alam ni Jacky na lahat ay may hangganan. At unti unti, nararamdaman na nya ang lubos na panghihina.

At  inapoy na si Jacky ng mataas na lagnat. Nanginginig siya sa lamig at sa taas ng lagnat. Nararamdaman ni Jacky na bumibigay na ang ang kanyang katawan. Tanging isip na lamang nya ang hindi sumusuko. Pinipilit nitong lumaban. Ayaw nya sumuko.

 

  May isang maliit na butas na nagbibigay liwanag mula sa labas. Eto lang ang tanging nag uugnay kay Jacky tungo sa labas. Ang maliit na butas na yon ang nagsisilbing pag asa nya kaya’t hindi sya bumibigay. Ito rin ang nagbibigay na maliit na liwanag sa kinasasadlakan nya.

Tinignan ni Jacky ang liwanag na nangagaling sa maliit na butas – unti unti itong namamanglaw. Alam ni Jacky na malapit na namang gumabi. At alam nito na pag ginupo sya ng lagnat at hina ng katawan maaring hindi na to magising kinabukasan. Kaylangan nya ang liwanag na nangagaling sa butas. At sa natitira pa nyang kakapiranggot na lakas binuksan nya ang kanyang bag at kinuha ang notebook at ballpen.

Kasabay nito ang unti unting pagdidilim… kaylangan nyang magmadali...

Sa kabila ng panginginig ng buong katawan nito at ng kanyang mga kamay, ay sinimulan nitong sumulat.

 

- - - - -

 

Nararamdaman ni Jacky ang unti unti nyang pagpikit. Kinain na ng mataas na lagnat ang ang kanyang pisikal na katauhan at sa sobrang hina hindi na nya makuhang manginig o makaramdam ng ginaw o ano mang sakit. Pag-iisip na lang ang hindi manhid kay Jacky ng mga oras na yun. Naalala nya si Otreb. At naalala nya ang kanyang paboritong kanta na madalas kantahin ni Otreb sa kanya. Nagbigay ito ng konti lakas kay Jacky dahilan para mangiti ito.

At sa papawala na liwanag galing sa maliit na butas at sa kabila ng hirap nito na igalaw maging ang kanyang mga labi ay,

“K..kayganda ng umaga

sintamis ng  pag-asa

paggising ko ikaw ang  k..kasama 

 

yakap-yakap k..ka

ngunit nangangamba

nalilibang  a..ang  p..puso

da..dahil sa`yong   g..g..ganda

t…tu..tulungan mo ako

n..na  wag  m..mag-alala

k..ka....kahit anong mangyari

mahal pa rin kita…”

 

 

Sa kabila ng pag-aagaw buhay nito at bago nakuhang pumikit ng kanyang mga mata,

“Lord, salamat po sa lahat.”

Kasabay sa pagbalot ng dilim isang maliit na ngiti ang naiwan sa mga labi ni Jacky.

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

The letter.


Tila nagmistulang isang masamang bangungot ang Baguio ng mga sumunod na araw pagkatapos ng marahas na lindol. Kabi-kabila ang mga patay na nilalatag sa lansangan na tila animong mga natutulog lamang dahil sa lamig ng klima ay hindi nakukuhang manigas ng mga katawan. Samantala nagset-up ng pansamantalang makeshift at command center ang lokal na pamahalaaan sa Burnham Park para sa mga apektadong residente at lalo na sa mga nasugatan. Sa loob ng dalawang araw ay nagmistulang nahiwalay ang Baguio sa Pilipinas dahil alang maka akyat na saklolo galing sa ibaba maliban sa pamamagitan ng mga mga helikopter. Maging ang Loakan Airport runway ay nasira kaya’t ang C130 ng Philippine Air Force ay hindi magamit para magbigay at maghakot ng tulong. Maging ang tatlong kalsada Kennon Road, Naguillan, at Marcos Highway na patungong Baguio ay pawang mga tinamaan lalo na ng landslide. Naging mahirap ang sitwasyon sa buong siyudad dahil sa pagkawala ng kuryente at tubig.

 

Panik ang makikita at madarama sa lahat ng mga tao ng mga panahon na yon.

 

 

 

   Kasama si Otreb ng magulang ni Jacky ng umakyat ang mga ito nung gabi mismong araw ng lindol. Ngunit inabot sila ng tatlong araw sa pagbyahe dahil sa nasirang kalsada paakyat ng Baguio. May mga pagkakaton na kailangan nilang gamitan ng pala at piko ang kanilang dinadaanan para lang makaalpas ang kanilang sasakyan. Ngunit hindi sila nawalan ng lakas ng loob na suungin ang panganib na dulot ng madalas na aftershock at pag landslide dahil alam nila na bawat minuto ay mahalaga.

 

   Nang makarating sila sa mismong UB na kung saan ay may ginaganap na search and rescue operation – si Otreb mismo ang nag-guide sa mga miners kung saan posible nandun at nakulong  si Jacky. Kabisado nito ang pasok at klase ni Jacky sa buong linggo dahil madalas pag maaga ito lumalabas mula sa kanyang klase sa SLU at sinusundo ang dalaga ay nakikipagseat-in pa to sa kanya sa klase para hindi mainip sa kakaantay sa labas ng campus.

At sa ika-anim araw ng rescue operation, pang-dalawampu’t isa si Jacky sa mga bangkay na natagpuan at naiahon ng mga ng mga miners ng Benguet Mining Corporation sa gumuhong gusali ng UB. Nahirapan sila sa pag-ahon dito dahil kinakailangan gumamit pa ng crane para maiangat ang mga poste at biga na nakadagan sa may ibaba ng katawan nito. Hindi naiwasang mapaluha ang mga rescuer ng matagpuan ang katawan ni Jacky at ang kinahinatnan nito. Ni hindi man lang pumasok sa isipan nila na nakuhang nabuhay ng dalaga sa loob ng tatlong araw – ang hindi nila alam kung nagkataon napaaga sila malamang nailigtas nila ito ng buhay.

Walang patid na hinagpis ang mag asawang Conrad at Norma ng sa wakas ay maihaon at makita na nila ang bangkay ng kanilang anak. Hindi magkahimayaw si Norma sa hagulgol pati ang ama nito. Subalit sa kabila ng lahat – si Otreb ang nakaramdam ng higit na sakit. Hindi nito inasahan na aabot siya sa puntong ito. Sa murang edad nito – naramdaman nya ang pait ng pagkawala ng isang lubos nyang minahal… at nagmahal sa kanya.

 

 

 

Dalawang taon na ang nakaraan mula nung nangyari ang trahedya ng Baguio. Inisip ni Otreb ang bumaba at lumipat ng eskuwelahan para makalimutan nito ang nangyari. Dahil mahirap sa kanya ang manatili sa lugar na ito na hindi nya naaalala si Jacky. Hindi sya makapunta sa ano man lugar sa Baguio na hindi niya nakikita si Jacky. Nuon pa sana nito gusto bumaba na at iwanan na ang lugar kung hindi lamang sa  munting sulat na hawak hawak nya ngayon… na galing kay Jacky.

Ilang beses na ba nya ito nabasa ng paulit ulit. Hindi na nya mabilang. Ito ang nagsalba sa kanya sa huling dalawang taon nyang pamamalagi sa Baguio para tapusin ang dapat nyang tapusin.

Alam ni Otreb kung gano hirap si Jacky ng mga oras na iyon para gawin at tapusin ang sulat, nakita nya dito ang hirap nya sa pagbuo ng bawat letra, putol putol ang mga letra ngunit kilala nya si Jacky,  “The end justifies the means.”

 

Dear Treb,

I’m sorry hindi na kita nasundo pagbalik mo at hindi na kita nahintay..

Hindi ko na kaya, hirap na ako... I thought I could survive long till you’ll be able to find and get me out.

Pero minsan may mga bagay na sadyang ang Diyos na lang ang nakakaalam kung bakit at paano.

At sa mga oras na to, isinuko ko na sa kanya ang lahat.

Treb, ipangako mo sa akin na matatapos ka sa pag aaral at higit sa lahat makakamit mo ang summa cum laude. Ipangako mo yan sa akin. Pero ipangako mo na gagawin mo yan hindi para sa magulang mo, o para sa akin, kundi para sa yo.

 

I wrote this letter because I just can’t let go without saying how much I have ever loved you... and still love you.

Salamat sa lahat.

Sa lahat lahat ng panahon at pag ibig na inukol mo sa akin at sa ating dalawa.

Nakakalungkot lang dahil hindi na kita makikita.

Hindi ko na mahahawakan ang mukha mo, ang kamay mo, at hindi ko na madidinig na tinatawag mo ang pangalan ko.

I will always remember you.

 

Treb, I can no longer breathe......    Lord, please help me finish this letter and spare me a few more minutes. Lord… please?...

 

Treb, I want you to live to forget me.

And at this moment of time, of my agony and pain, I shall die loving no one but you.

Your life should not end with me. Promise me that.

And if God choose that we be together again in the next world

I will love you just the same... perhaps even more.

 

I wish you good life and happiness - always.

Goodbye.

Jacky

 

PS:

Treb, don't be sad.

God is here with me now.

 

Napabuntong hininga si Otreb habang inuulit ulit nitong binabasa ang sulat. Halos tatlong taon na ang nakalipas mula nun pumanaw si Jacky pero eto pa rin sya at hindi matangap ang pangyayari…Hindi makausad. Alam nya mahirap bumangon mula sa trahedya. Subalit lahat ay may katapusan. Sabi nga nila, saan ba nagtatapos ang wakas kundi sa panibagong simula. Maging ang araw pagkatapos nitong sumikat ay kaylangan din lumubog para sa panibagong bukas na kakaharapin nito. Ang buhay ay parang tubig sa ilog  na umaagos naghahanap ng mapupuntahan, subukan man itong harangin ay pansamantalang titigil ngunit hindi magtatagal at maghahanap ito ng lagusan para magtuloy sa pag-agos. Ang buhay pa kaya ng tao lalo na ang damdamin nito na nangangailangan ng pag-ibig at pag-aruga.

 

Naalala nya ang huling pag uusap nila ni Sister Dappy, Chief Guidance Counsellor ng SLU:

 

“Treb. Lahat ng pangyayari sa mundo ay may dahilan. Maaring hindi natin maunawaan ang isang bagay sa ngayon ngunit umasa ka walang tanong na hindi nahahanapan ng kasagutan. Walang sugat gaano man ito kalubha na hindi pinaghihilom ng panahon. At higit sa lahat walang nagdurusa na hindi nabibiyayaan sa huli.”

“Kung minsan natuto kang umibig, matututo kang lumimot at magparaya.”

“Walang pagibig na namamatay. Kung nawala man si Jacky sa buhay mo hindi ito ibig sabihin na nawala sya puso mo. Patuloy mo pa rin syang mahalin bilang isang matamis na ala ala. Kung ang pagibig mo kay Jacky ang naging inspirasyon mo hayaan mong pagibig din ang magbangon sayo at harapin ang bukas.”

 “Ang buhay ay para isang aklat na may kabanata ng kahapon, ngayon, at bukas. Hayaan mo ang kahapon na manatili kay Jacky, subalit i-alay mo ang ngayon sa mga nagmamahal sayo na andyan sa tabi mo at hindi nagsasawang tulungan ka makabangon.

At ihandog mo naman ang bukas  para sa isang tao na katulad ni Jacky na mamahalin mo at mamahalin ka rin.”

 

  Si Sister Dappy ang tumayong magulang nya simula pagpasok bilang freshman nito sa SLU. Maging si Jacky ay mataas ang tingin at respeto dito. Sinabi pa nga ni Jacky na pag ikinasal na sila ay kukunin nila itong ninang. Si Sister Dappy din ang isa sa dahilan kung bakit hindi sumuko si Otreb nung mga panahong hirap na hirap na ito at gusto na bumigay.

Tama si Sister Dappy. Hindi naman nya kaylangan kalimutan si Jacky at kung ano man ang nakaraan nilang dalawa.

Pero hindi naman nya kaylangan mabuhay sa kahapon dahil may ngayon at bukas na naghihintay.

 

Saan nga ba nagtatapos ang isang wakas kundi sa panibagong simula.

Sa isang umaga na puno ng  pag asa.

 

  Maingat nyang ipinasok ang tuyot na rosas sa loob ng liham ni jacky at dahan dahan nyang tinupi ito. At saka sya nagtungo sa may malapit sa may bukana ng Burnham Lake at duon ay pina tiagos nya ang liham.

 

   Dito sa lugar na ito kung saan nagsimula ang pag-iibigan nila ni Jacky ay dito din natatapos ang kabanata na iyon.  

 

“Please live to forget me.” - Jacky

 

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Farewell.

 

  Hindi magagawa ni Otreb na bumaba ng Baguio na hindi nagpapaalam kay Sister Dappy. Isang mahigpit na yakap ang sinukli ng binata kay Sister Dappy bago sila naghiwalay. Ngunit mas higit na nagagalak si Sister Dappy sa kanyang nasaksihan - isang pagasa na matagal na nito ipinagdadasal na makamit ng binata.

 

 

Hindi nahirapan si Otreb na makakuha ng tiket sa bus dahil maaga pa ng mga oras na iyon.

  Naupo ito sa paborito nyang upuan sa may parteng kanan ng bus.

Pagdaan ng bus sa may stoplight na kung saan sya nakabili dati ng bulaklak mula sa bata ay iginala nito ang mga mata tila naghahanap. Ngunit wala ito nakita na bata na nagtitinda ng mga rosas maliban sa mga vendor na may bitbit na prutas at pasalubong.

Napapikit ito, inisip nya na maaring panaginip lang ang bata, isang aparisyon dahil sa sakuna na sinapit ni Jacky. Ngunit hindi. Dahil yun dried pink rose na pinatuyo nya ay sinama nya dun sa liham ni Jacky na pinaanod nito sa Burnham Lake.

At sa ganung pag-iisip napansin ni Otreb na may iilan pasahero na sumakay sa bus habang nakahinto ito. Hindi nito napansin na may papunta sa kinauupuan nya para umupo.

Sa muling unti unting pag-usad ng bus mula stoplight napatingin ulit si Otreb mula sa kanyang bintana at duon may nakita ito na ikinamangha nya…

 

   Isang tindahan ng mga rebulto at imahe ng mga santo. At sa isang sulok nito ay may isang Santo Niño na kakaiba sa mga ibang santo niño na nakita na nya. Naka bihis ito ng simpleng puting t-shirt at naka short. At ang hindi mapaniwalaan ni Otreb ay may hawak ito na kumpol na rosas na may pink rose sa gitna! Ngunit sa kabila nito - naka ngiti ang imahe. Isang ngiti na napakaganda.

Hinabol ng tingin ni Otreb ang imahe habang papalayo ang bus at sa isang saglit pa ay,

 

Excuse me? Can I sit here with you, if you don’t mind?” Bungad ng isang babae na isa sa mga sumakay habang nakahinto ang bus.

“Sorry. I never noticed.” Sagot ni Otreb at sabay umusog ito palapit sa may bintana.

“Yes. I could see you were busy looking out the window.” Nangingiting sabi ng babae.

Medyo namula si Otreb sa tinuran ng dalaga.

 

At habang papasok ng Naguillan Road ang bus.

 

“Are you from here?” tanong ng dalaga.

“No. I studied here, and I just graduated last March, actually.” Medyo nahihiyang sabi ni Otreb at sabay dagdag pa nito,

“What about you?”

 

 “I’m from Manila. I just visited my aunt.”

 

 

   “My name is Jackielou… and you are?”

 

Natigil si Otreb bigla sa tinuran ng dalaga…

“Thank you. My name is Otreb. Did you say Jackielou is your name?”

 

“Yes. I did. But you can call me Jaycee for short.” sagot ng dalaga.

“Otreb is a nice name. But I bet it’s not your real name.”

“I also bet you wouldn’t want to tell me your real name.” Patukso na sabi ng dalaga.

“Hahaha. You’re right. That’s my nickname and that’s the shortest you can get out of it.”

At tumawa si Jackielou. Nagkatinginan sila.

At sabay sila nagkatawanan.

 

“But can you at least promise me that you’re going to tell me your real name whoever gets off this bus first?” Sabi ni Jaycee.

“Deal.” Nangiting sinabi ni Otreb.

 

Biglang naalala nito ang liham ni Jacky,

“Don’t worry about me, God is here with me now.”

 

At kasabay nun naalala nya ang sinabi ni Sister Dappy,

“At ihandog mo ang bukas  para sa isang tao….

na mamahalin mo at mamahalin ka rin.”

 

 

At kasabay sa pag-agos ng tubig sa batis ay ang pag-gulong ng buhay para sa pagharap sa bagong umagang darating na puno ng pag-asa at ng bagong pag-ibig.

 

 

 

Wakas.

 

 

 


2 members think this post is SULIT!

View message logs
Locked | Report Report
posted August 20, 2012 06:11AM
TheJury
TheJury
stars
Ultimate Sulitizen
1832 posts
  • Registered: Aug 27, 2011
Short story with Uncle Jury




Once upon a time there was a gentleman who's dressed like a bear.







Gentleman: Don't shoot!







The end
Locked | Report Report
posted August 22, 2012 04:04AM
OkayfinePogiako
OkayfinePogiako
stars
Certified Sulitizen
114 posts
  • Registered: Aug 16, 2012
  • Last Access From: Philippines

itay meron  po akong gustong sabihin sayo sana maintindihan mo ito.

 ano yun anak?

 titigil  muna ako sa pagaaral.

 bakit  ano  ba ang dahilan anak?

 bibili po ako ng iphone 4s  may nakita ako sa isang website mura lang kaya yung pang-enroll ko ibibili ko muna ng iphone 4s.

walang nagawa ang magulang sapagkat matigas ang ulo ng kanyang anak

 hello seller bibilin ko ang nasa ads mo iphone 4s for 15k db?

 ok po sir taga-saan po ba kayo?

 taga-metro manila ako

 naku sir sorry na lang po hindi po tayo pwede meet-up kasi palawan po location ko shipment na lang po tayo. ipadala ninyo po sa gcash sir at pagnatanggap ko na po ship ko  kaagad item free po para makatawad pa kayo.

at naipadala niya ang pera sa gcash at ng kanyang tawagan ang seller ay the subscriber can not be reach

siya ay na-scam wapak kung nakinig lamang siya sa kanyang magulang at hindi inuna ang iphone sana hindi siya naloko.

 

 

 

 




Message appended on August 22, 2012 04:05AM
OkayfinePogiako posted on August 22, 2012 04:04AM

itay meron  po akong gustong sabihin sayo sana maintindihan mo ito.

 ano yun anak?

 titigil  muna ako sa pagaaral.

 bakit  ano  ba ang dahilan anak?

 bibili po ako ng iphone 4s  may nakita ako sa isang website mura lang kaya yung pang-enroll ko ibibili ko muna ng iphone 4s.

walang nagawa ang magulang sapagkat matigas ang ulo ng kanyang anak

 hello seller bibilin ko ang nasa ads mo iphone 4s for 15k db?

 ok po sir taga-saan po ba kayo?

 taga-metro manila ako

 naku sir sorry na lang po hindi po tayo pwede meet-up kasi palawan po location ko shipment na lang po tayo. ipadala ninyo po sa gcash sir at pagnatanggap ko na po ship ko  kaagad item free po para makatawad pa kayo.

at naipadala niya ang pera sa gcash at ng kanyang tawagan ang seller ay the subscriber can not be reach

siya ay na-scam wapak kung nakinig lamang siya sa kanyang magulang at hindi inuna ang iphone sana hindi siya naloko.

 

 

 

 


The End? or pwede pa ba may katuloy yan?


View message logs
Locked | Report Report
posted August 22, 2012 05:38AM
GioTegio
GioTegio
stars
Veteran Sulitizen
376 posts
  • Registered: Jun 22, 2011
  • Last Access From: Philippines
kakaaliw naman nitong topic nato.. keep it up guys.
Locked | Report Report
posted August 24, 2012 03:12PM
Filnet
Filnet
stars
Ultimate Sulitizen
2750 posts
  • Registered: Jan 25, 2011
  • Last Access From: Philippines

just want to share a short-story that i found:

 

A Woman was out golfing one day when she hit the ball into the woods.

She went into the woods to look for it and found a frog in a trap.

The frog said to her, "If you release me from this trap, I will grant you three wishes."


The woman freed the frog, and the frog said, "Thank you, but I failed to mention that there was a condition to your wishes.

Whatever you wish for, your husband will get times ten!"

The woman said, "That's okay."

For her first wish, she wanted to be the most beautiful woman in the world.

The frog warned her, "You do realize that this wish will also make your husband the most handsome man in the world, an Adonis whom women will flock to".

The woman replied, "That's okay, because I will be the most beautiful woman and he will have eyes only for me."

So, KAZAM-she's the most beautiful woman in the world!

For her second wish, she wanted to be the richest woman in the world.

The frog said, "That will make your husband the richest man in the world. And he will be ten times richer than you."

The woman said, "That's okay, because what's mine is his and what's his is mine."

So, KAZAM-she's the richest woman in the world!

The frog then inquired about her third wish, and she answered, "I'd like a mild heart attack."

Moral of the story: Women are clever. Don't mess with them.

Attention female readers : This is the end of the joke for you. Stop here and continue feeling good.

Male readers: Please scroll down.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
The man had a heart attack ten times milder than his wife .;)

Moral of the story: Women think they're really smart.:p

Let them continue to think that way and just enjoy the show\=D/

PS: If you are a woman and are still reading this; it only goes to show that women never listen!!!X_X

1 member thinks this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted August 31, 2012 03:15PM
TheJury
TheJury
stars
Ultimate Sulitizen
1832 posts
  • Registered: Aug 27, 2011
  • Last Access From: Philippines
Short story with Uncle Jury.






Once Upon a time there was a beautiful princess who dropped a pin...













ting... ting... ting...












The end
Locked | Report Report
posted September 19, 2012 07:58AM
marisol29
marisol29
stars
Majestic Sulitizen
8048 posts
  • Registered: Feb 18, 2012
  • Last Access From: Philippines

good morning...

naaliw ako nung nabasa ko mga stories dito...

kaya naisipan ko din magsulat..

wala akong background sa story writing 

pero mahilig ako magbasa ng books kaya medyo may mga hint na din ng konti...

kaya nung nakita ko tong thread na to, sabi ko masubukan nga.

may nabuo ako story last night .. its a three part story... yung 1st palang tapos ko..

ahmm TS pwede mag join here?

 

 




Message appended on September 19, 2012 09:46AM

given the permission to post..

sana magustuhan nyo yung story ko..and pasensya na.. sinubukan ko lang talaga to...kayo na po bahala magpasensya...

first part.....

Si Ana Noon…

January  1994,

Hindi na panahon ng enrolment pero nakapagtransfer pa din itong si Ana ,salamat sa koneksyon ng kanyang ninang, lumipat na kasi ulit sila sa probinsiya buhat sa Maynila. Nasa ika anim na baitang palang siya nun..  patpatin,kayumanggi, maigsi ang buhok, simple, ngunit di maikakailang may angking kagandahan itong si Ana, marahil di lang hayag dahil sa murang edad nito ay di pa pala ayos at isa na ring dahilan ang kakapusan. Mahirap lang sila.. sa murang gulang batak na siya sa hirap.. sanay magbanat ng buto ika nga, nagaaral at namamasukan sa tiyahin nya na may pwesto sa palengke…

 Pagpasok sa silid aralan … pinakilala na si Ana ng kanyang guro..

Guro“tayo ay may bagong magaaral si Ana.. Ana magpakilala ka”

Ana“kamusta po?! Ako nga pala si Ana mula sa maynila”  mahinang salita ni Ana… kayat pinaulit ito muli ng kanyang Guro ..

Ana: “kamusta po?! Ako po si Ana.” Di na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil binati na siya ng isa sa bago niyang kaklase..si Cecilio. “hi Ana!.. “  kantiyawan ang lahat..pulang pula ang mukha ni Ana.. sinabi nalang ng kanyang Guro na umupo na.. inialok  ni Cecilio ang kanyang upuan, ngunit pinili ni Ana na di doon umupo.. sa bandang likuran nakakita siya ng bakanteng upuan, doon niya napiling umupo..ngunit bago pa noon may nakapukaw ng kanyang pansin.. si Hector.. Maputi si Hector, matangos ang ilong, mapungay ang mata,mapula ang labi,yun nga lang ay higit na maliit kesa sa kanya..noon palang may naramdaman na si Ana. Isang lihim na pagtingin

Habang tumatagal ang eskwela.. mas nakilala nya itong si Hector. Paborito pala ito ng lahat ng guro dahil sa ito ay matalino, mahilig din sa sport, at active sa lahat ng activities sa school. Consistent top student, boyfriend material, complete package, gwapo na matalino pa, dagdag pa dun ang mabuting ugali nito. Samantalang si Ana ay pangkaraniwang estudyante lang, wala man siya sa top 3 ay isa pa din sa matatalinong estudyante ng Mababang Paaralan ng Penaranda. ngunit di siya kabilang sa mga grupo ng estudyante na matatalino na may mga kaya pa.

Palihim na humahanga itong si Ana kay Hector,kahit na nangungulit sa kanya si Cecilio, lahat pa din ng atensyon nya ay na kay Hector. Sa buong klase tanging si Hector lang ang di nya nakakausap.. at ito din ay kanyang iniiwasan, pero gumagawa siya ng sariling paraan para kahit paano mapalapit kay Hector.

 Alam kasi nitong si Ana na si Hector ang may hawak ng susi ng silid nila, kaya araw araw maaga siyang pumapasok para kahit paano masarili nya si Hector.. walang mga maarteng nagpapapansin at umaagaw sa atensyon nito, walang istorbo na mangungulit para lamang magpacute kay Hector.. Di nya alam kung napapansin siya nito sa bawat araw na sila ang nauuna sa kanilang silid.. pero tahimik lamang itong si Ana na nagmamasid, palihim na sumusulyap kay Hector..Isang umaga pagdating ni Ana sa eskwela, bukas na ang kanilang silid, naroon na si Hector , pagpasok nya sinabi ni Hector sa kanya “ Nauna ako sayo ngayon” habang nakangiting nakatingin kay Ana..Pero walang sinabi si Ana naupo na lamang at kunwaring di narinig ang sinabi ni Hector. Nagtaka si Hector bakit di man lang siya kinakausap ni Ana?, at bandang huli’y nagkibibit balikat nalang.. Habang itong si Ana pigil ang sariling kinikilig, di nya alam ang mararamdaman sa pagbating iyon ni Hector sa kanya.. sa isip ni Ana  “Napapansin din nya pala ako”, habang pigil ang sariling mapahagikhik at baka marinig pa ng taong kanyang lihim na sinisinta…

May mga pagkakataon na magkakasalubong sila nitong si Hector, ngunit umiiwas nalang si Ana ng daan, minsan nang maging magkagrupo sila sa isang proyekto at kailangan na maging magpaparehas sila ni Hector,nakipagpalit itong si Ana ng kapareha para makaiwas..minsan  pa aktong mahuhulog na si Ana mula sa pagkakatuntong sa bangko dahil sa pagaayos ng kurtina sa silid aralan nila..buti na lamang at naalalayan siya nitong si Hector upang di tuluyang mahulog.. sabi ni Hector “muntikan ka na dun ah,ingat sa susunod” .. wala man lang nasabi si Ana kahit na salamat  man lang, namumula ang mukha na inayos ang sarili at bumalik sa ginagawa.... Lahat ng pagiwas ginawa nya na kay Hector, ang nasa isip kasi ni Ana.. “di kami bagay”..

Lumipas ang panahon, Graduation na pala, ito yung panahon na pinakamalungkot si Ana, dahil di man niya nakakausap si Hector, o nakakalapit man lang dito , masaya pa din siya ang masulyapan man lamang ito sa araw araw.. Kaya sa pagtatapos ng kanilang eskwela, parang pinagsakluban ng langit si Ana sa lungkot at di maipaliwanag ang nararamdaman,alam nya kasing pagkatapos nito may mawawala  na malaking parte ng buhay nya..

Isa si Hector sa nagtapos na may mataas na pagkilala. Salututorian ito, samantalang si Ana ay pang apat lamang sa pwesto.. kaya ng magsalita ito ,pigil ang hininga ni Ana.. bawat salita na binibitawan nito ay pinakikinggan niya ng mabuti, kalakip ang paghanga sa likas nitong katalinuhan. Sa isip nya paulit ulit ang pagbigkas nya na “napakagaling mo talaga”

Hanggang sa matapos ang programa ng kanilang pagtatapos, ayaw mawaglit ni Ana ang tingin kay Hector, dahil alam nya na pagkatapos nito maaaring di nya na ulit makikita pa ito dahil sa pribadong eskwelahan na ito magaaral. Noong gabi na iyon desidido na si Ana, kakausapin nya na si Hector..

Habang papalapit kay Hector , at aktong tatawagin na ang pansin nito, may biglang kumapit sa bisig nito, si Rachel..maganda itong si Rachel, kadalasang muse ng klase, at kabilang sa mga sikat na estudyante, dahil madalas na pinanglalaban sa mga beauty contest. Humalik ito sa pisngi ni Hector at bumati.. Natigilan si Ana sa nakita, natauhan at sabay sabi sa sariling “ ano bang ginagawa mo Ana”  bagsak  ang balikat ay tumalikod na lamang ito, naglakad papalayo at tuluyan nang nawalan ng pagkakataon…

Isang araw ng Abril habang nagwawalis si Ana sa kanilang bakuran di niya inaasahan ang isang tao na kanyang makikita,isang napakapamilyar na mukha..di makapaniwala, muli niyang ipinikit at idinilat ang kanyang mata... Di nga siya nananaginip. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso .. Pigil ang kanyang hininga, na parang sasabog  sa sobrang saya.. Nakita niya kasing nagbibisikleta si Hector sa daan.. gusto nya itong habulin at tawagin,  at sabihin dito kung ano ang laman ng kanyang damdamin..ngunit di nya maihakbang ang kanyang paa , walang lakas ang kanyang mga binti at walang boses na lumalabas sa kanyang mga labi... Naiusal na lamang niya sa  kanyang sarili    “Paalam Hector”  sabay tulo ng luha..  sa murang isip nabatid  na ni Ana ang ibig sabihn ng pagmamahal at ang masaktan dulot nito….Mula noon hindi na niya muling nakita si Hector…

 

yan muna sa ngayon...

pagisipan ko pa yung susunod.. emoticon


2 members think this post is SULIT!

View message logs
Locked | Report Report
posted September 20, 2012 06:26PM
jayjrlising
jayjrlising
stars
Legendary Sulitizen
3261 posts
  • Registered: Mar 27, 2008
  • Last Access From: Philippines

Car. . .

Caress. . .

Careless. . .

Car less. . . emoticon

Locked | Report Report
posted September 21, 2012 07:40AM
marisol29
marisol29
stars
Majestic Sulitizen
8048 posts
  • Registered: Feb 18, 2012
  • Last Access From: Philippines

Di na makatulog kaya nagsulat nalang...

here's the 2nd part...

 

 

Ang Bagong ANA

 

Nasasaktan pa din si Ana sa tuwing naaalala nya si Hector.. Ngunit kailangang magpatuloy ang kanyang buhay…di pwede na magpatalo siya sa lungkot, di pwedeng matali siya sa nakaraan…May mas matinding hamon ang kanyang buhay higit pa sa sakit ng kanyang puso..ito ay ang kanilang Kahirapan…

Gising na si Ana bago pa man tumilaok ang manok…naghahantay na ng Bus sa kanto, kasama ang kanyang mga kapatid..oras na kasi ng dating ng kalakal ng kanilang Tiya mula Maynila.. Isa isa nilang kinukuha ang mga tiklis ng prutas para dalhin sa palengke.. doble man ng kanyang payat na katawan ang bigat nito, wala siyang angal na nagbubuhat..matapos ang ilang oras na pagtitinda.. dederetso  naman  si  Ana sa eskwela…

High School na si Ana ngayon… kung ang ilan sa kanyang mga kaklase ay may mga bagong gamit, mapustura at sunod sa uso.. si Ana ay nagkakasya lamang sa pinaglumaan ng kanyang mga pinsan.. Ang kanya ngang sapatos ay butas na ang swelas, kayat napapaso ang kanyang paa pag naglalakad siya sa sementong daan..Minsan di nya maiwasang maiinggit sa mga mga gamit ng kanyang mga kaeskwela, pero mas nananaig  pa din sa kanya ang unahin ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Si Ana ay bunso sa limang magkakapatid..ang tatlo sa mga kapatid ni Ana ay huminto na ng pagaaral para makatulong sa pangaraw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.. Siya na lamang at ang kaniyang kuya ang nagaaral sa kanila.. Habang nasa highschool si Ana ang kuya naman nya ay nasa kolehiyo..Noon di naman sila hirap sa buhay.. ngunit nang sila ay iwan ng kanilang Ama doon na nagsimula ang kalbaryo sa buhay ng pamilya ni Ana.

Breaktime na nang klase… si  Ana na lamang ang natitira sa silid… ang karamihan ay kumakain na sa kantina.. samantalng itong si Ana ay nagbabasa na lamang .. kumakalam man ang kanyang sikmura binubusog na lamang ni Ana ang kanyang utak mula sa mga pahina ng aklat na kanyang pinaghuhugutan ng talino na magiging sandata nya sa kanyang buhay…

Isang tinig ang pumukaw ng atensyon ni Ana.. si Mam Veranda pala…”Ana napapansin ko na di ka nagrerecess” wika nito. “Sa bahay nalang po ako kakain Mam, busog pa naman po ako” sagot ni Ana. Ngunit di lingid sa kaalaman ng kanyang guro ang sitwasyon ni Ana. Kayat inanyayahan nito si Ana na sabayan siyang kumain, at nagalok na araw araw ay ilalahok siya sa baon nitong pagkain.. bilang ganti, si Ana ay kusang loob na nagserbisyo sa kanyang guro  na maglilinis sa bahay nito tuwing Sabado, ayaw man ng kanyang Guro na tanggapin ito ngunit sinabi ni Ana na di nya matatanggap ang ganung kabutihan na di nya man lang ito magagantihan..kayat sa bandang huli’y pumayag na din ang guro nito sa gusto ni Ana..

Pagtapos ng klase ni Ana ay dederetso naman ito sa tahian para maglilip ng mga damit.. matapos nito ay babalik na ng palengke para tulungan ang Tiya sa pagiligpit at ganun din tulungan sa pagiigib ng tubig ang kanyang mga kuya..

Pagadating sa kanilang bahay tutuwangan  pa din niya  ang kaniyang Ina sa pagluluto.. iisa isang babae kasi si Ana sa kanilang magkakapatid, at batid din niya ang pagod ng kanyang mga kapatid na lalake sa maghapong pagtitinda at pagtatrabaho ..Matapos nito ay gagawin nya naman ang kanyang takdang aralin..pilit na inaaninaw ang mga letra sa libro, gamit ang liwanag na nagmumula sa gasera..Pagod  man at lupaypay sa maghapong gawain di pa din pinababayaan ni Ana ang kanyang pagaaral.. Bukod kasi sa pananampalataya sa Diyos , ito na lamang kasi ang tangi nyang pinanghahawakan para makaahon sa buhay..

Sa kabila ng kahirapan di ito nagging hadlang para maging top student si Ana sa eskwela, Mas dinoble nya kasi ang pagaaral sa High School para makakuha siya ng scholarship para sa kolehiyo.. marami ang humahanga kay Ana dahil bukod sa matalino na ito ay napakasipag pa.. kaya’t di rin maiiwasan na may mga magkagusto dito.

Mula palang ng elementarya ay masugid na manliligaw na nito si Cecilio.. Matangkad itong si Cecilio, , Moreno,at masasabing gwapo ng kahit na sino..ngunit ni minsan di niya ito nagustuhan.. marahil dahil tutok ang kanyang atensyon sa pagaaral..at dahil meron nang nagmamayari ng kanyang puso..Hanggang sa panahong iyon kasi tanging si Hector lamang ang kanyang nagustuhan, kayat sa kabila ng masugid na panliligaw ni Cecilio ay di nya ito sinasagot at isa pa ang prayoridad niya ay ang makapagtapos..

Nang matapos ni Ana ang High School,siya ang naging Valedictorian kayat naging Full Scholar siya sa kolehiyo.. pinagsasabay ni Ana ang aral sa umaga at trabaho sa gabi…Madami mang hirap na pinagdaanan itong si Ana ay di pa din siya natitinag  hanggang sa matapos nya ang kanyang kurso na Accountancy..

Ito ang nagging bala nya para magkaroon ng magandang trabaho. Mabilis ang pagasenso ni Ana.. napromote siya agad kayat natutuwangan na niya ang kanyang pamilya .. nabilhan na nya ng pwesto ang kanilang ina sa palengke.. at ng mga tricycle ang kanyang mga kapatid.. itinuon ni Ana ang sarili sa trabaho at ang pagtulong sa pamilya. At napaunlad din ang sarili ...Ngunit sabi nga ng iba pag matagumpay ka sa buhay karera, maaaring bigo ka sa pagibig…

Meron na din naging kasintahan itong si Ana.. ngunit sa kabila nito may isang pangalan ang di nya makalimutan…. si Hector… Uso na ang computer ng panahong iyon ,ano mang detalye ang ipasok mo ay mabibigyan nito ng data.. minsan naisipan ni Ana na itype ang pangalan nito sa computer gamit ang internet, ay may mga lumabas namang files..nakita nya ang ilang impormasyon tungkol dito.. Engineer na pala ito.Natuwa siya ng makita ito,  at nasabi sa sarili “congatulations Hector, ang galing mo pa din talaga”. ...Sa maraming taong lumipas,nang makita ni Ana ang litrato nito sa computer..may bahagi pa din ng kanyang puso ang hawak nito, at inaasam pa din ni Ana na Makita itong muli..

Dininig yata ng langit ang hiling na iyon ni Ana, dahil isang araw, di sinasadyang nagkita sila ng isa niyang kaklase at nabanggit nito na nais magorganisa ng reunion, ang mga guro nila noong elementarya..Di ito sineryoso ni Ana ngunit isang araw ay pinuntahan siya ng mga ito sa kanilang bahay at pinakiusapan siya na maging organizer ng kanilang reunion...  Di na makatanggi si Ana at wala na siyang magawa kundi tanggapin iyon.. Kaya't sinimulan  na niyang hanapin ang mga kaklase nya noon.. Sa tulong ng iba pa nilang kaklase at guro ay natunton niya ang iba dito, at nagsimula na siyang tawagan ang telephone number ng ilan sa kanila,at isa na nga dito si Hector…

 

“Hello, Good afternoon..pwede po ba makausap si Hector” sumagot ang nasa kabilang linya “yes, this is Hector..sino po sila?”




Message appended on October 8, 2012 11:19AM

 

Third and last part...

Si Ana Ngayon

Alumpihit si Ana na idial ang numero ni Hector , ilang beses siyang nagdadalawang isip kung itutuloy ang plano na tawagan ito.  Nilakasan na lamang niya ang kanyang loob at nang marinig ang tinig mula sa kabilang linya tila binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang katawan sa kaba. Isang pamilyar na tinig.

Ilang taon na rin ang lumipas ngunit  ito pa din ang boses na noon pa man ay nakatatak na sa kanyang pandinig, kahit bahagyang lumaki ang tono nito tanda pa din ni Ana ang timbre ng boses na iyon.. di agad maapuhap ang mga salitang bibigkasin.. parang huminto kasi ang paligid ng mga oras na iyon.

“Hello, pwede ba kay Hector” sumagot ang nasa kabilang linya “yes, this is Hector..sino po sila?”

“This is Ana, classmate mo nung elementary, hope you remember?” pilit na tinatago ang kaba habang hinhintay ang kausap na sumagot, sa isip ni Ana pano naman ako matatandaan nito e wala namang pagkakataon na nagkausap kami..

“Ana?  yung pinapakanta ni mam legaspi palagi?" Sagot nito

Gulat na gulat si Ana sa narinig, dahil di nya inaasahan na matatandaan siya nito..

“Buti naman natandaan mo pa ako, magoorganize kasi ang batch natin ng reunion, kaya kinocontact naming lahat ng ka batch natin.”  sagot ni Ana

“ah ganun ba, buti naman at nakuha nyo yung number ko, kelan ba ang reunion? Ikaw ba ang organizer?”

“Oo, im one of the organizers, wala pang date, pagmemeetingan pa sa Sunday.kung gusto mo sumama ka?!” wika ni ana

Pinagusapan ng dalawa ang naturang reunion, at bago natapos ang kanilang paguusap ay kinuha ni Hector ang cellphone number  nya.

Kahit tapos na silang magusap di pa din mapatid ang ngiti sa labi ni Ana, at napansin ito ng kanyang sekretarya sa opisina, “Mam ang ganda ng ngiti mo ngayon ah, inlove?” patuyong wika nito sa kanya. “halata ba?! Hayaan mo na ako, o gusto mong mautusan?” sabi ni Ana, nagkakamot ng ulong umalis ang tauhan niya . Napapangiti si Ana at di maintindihan ang sarili sa nararamdaman, parang nagbalik kasi ang lahat noong elementary pa sila, at nasasabik siya na muling makita ito sa darating na Linggo..

Linggo, madaling araw palang ay gising na si Ana di nya kasi maintindihan ang sarili, paputol putol din ang kanyang tulog, alas tres pa ng hapon ang tipan ng kanilang grupo, pero di na siya mapakali. Bawat oras na dumadaan ay parang sinsakal ang kanyang hininga sa kaba.

Nag ayos na si Ana bago pa dumating ang takdang oras, pinili niya ang isang rosas na bestida, at bahagyang naglagay ng lipstick, di mahilig sa koloreta si Ana, simple lang siya palagi, at dahil dito mas lumalabas ang kanyang tunay na ganda.Habang nasa harap ng salamin at sinusuklay niya ang kanyang mahabang buhok ay di pa din mawala sa kanya ang kabahan.  Muli sinipat niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin, at sinabi sa sarili.. “kaya mo yan Ana, di ka dapat kabahan”

Medyo nahuli si Ana sa oras, pagdating nya sa lugar ng kanilang usapan,

Tila may isang pares ng mata ang sumuyod sa buo niyang katauhan, at ito ay mula kay Hector.Kunwariy di niya ito pinansin.

Nakirinig si Ana ng tinig mula rito at sinabi sa isa nilang kaklase na “dapat siguro ipakilala nyo muna ako sa kanya bago tayo magsimula”, habang nagsasalita ay nakatingin ito sa kanya.. Si arnel ang nagpakilala sa kanya, “Hector, di mo naba natatandaan si Ana?! 

“ha? Si Ana na ba yan? Sabagay kasi ang babata pa natin noon.. Hi Ana, sana ako ay natatandaan mo pa din?!”

Pigil ang sariling sumagot si Ana “ syempre naman” sa isip nya,  pano ba naman kita makakalimutan no? .. “Hector?! Tama ba?” di naiwasang matingnan ng malapitan ni Ana si Hector.. at kitang kita nito ang ngiti nito at ang titig na tila tumutunaw sa kanya.. di nya maitatanggi na tulad noon gwapo pa din ito, mas nadagdagan pa nga ang kagwapuhan nito ng magmature, at mas tumangkad ito ngayon di tulad dati.

Di tuloy napansin ni Ana na nakalahad pala ang kamay nito sa kanya, dahil parang nawala siya sa sarili ng sandaling iyon, buti tinawag siya ni arnel

“hoy Ana baka mangawit na yung kamay nya o”

Namumula ang pisngi ni Ana na inabot ang kamay dito. Sa unang pagkakataon, nahawakan niya ang kamay nito, tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan ng oras na iyon, kayat agad niyang binawi ang kamay at tumalikod na dito.

Habang nagmemeeting sila at nagsasalita si Ana titig na titig sa kanya si Hector, alam ito ni Ana, ngunit kunway di pinapansin. Ng matapos ang  kanilang meeting at nagpaalam na si Ana para umuwi, ay nagalok si Hector na ihatid siya sa daanan, nagulat si Ana sa alok na iyon ni hector,  buti nalang at nagalaok din si Mylene na siya nalang ang maghahatid sa kanya palabas. Sa kabila nito ay sumama pa din si Hector na ihatid siya sa labasan.

Bago sumakay ng sasakyan ay nagpaalam ito sa kanya, muling inilahad ang kamay at ng kamayan niya ito ay bahagyang pinisil ang kanyang kamay ni Hector. Di malaman ni Ana ang gagawin ng bawiin niya ang kanyang kamay , sinabi nito na tawagan siya pag nakauwi na siya..

Habang nasa sasakyan si Ana at hanggang sa makauwi sa kanilang bahay tila nasa alapaap ang kanyang pakiramdam, di nya maitatanggi ang saya na naramdaman, paulit ulit na inaalala ang mukha ni Hector at napapangiti habang naiisip nya ang ginawa nitong pagpisil sa kamay niya bago umuwi..Isang ring mula sa kanyang cellphone ang pumutol ng pagpantasyang iyon ni Ana.

Isang text… “naka uwi ka naba?” si hector.

nagreply si Ana. “oo”

Maya maya ay tumatawag na ito

Hector: “hello Ana, kumain ka naba?”

Ana: “ oo , ikaw ba?”

Hector: “busog pa mata ko sayo e, este busog pa ako”

Nangingiti si Ana sa paguusap nila na iyon ni Hector..Ang dami nilang napagusapan,  di nila namalayan inumaga na pala sila.Buti nalang at nagleave si Ana nung araw na iyon.

Sa bawat araw na dumadaan  ay araw araw silang magkatext at magkatwagan ni Hector. Dumaan ang ilang buwan ay tila di pa din sila nauubusan ng sasabihin sa isat isa at mga topic na mapaguusapan.Madalas ay sinusundo siya nito sa kanyang opisina,hinahatid pauwi sa bahay at niyayang kumain sa labas.

Ngunit isang beses na kumakain sila sa labas ni Hector isang tawag ang natanggap nito..

Si Rhea, ang fiancé ni Hector.

Di makapagsalita si Ana ng matapos makipagusap sa phone ni Hector.

Di nya pala naitanong dito kung may kasintahan na ito, marahil dahil sa nalunod siya sa atensyong pinaramdam ni Hector sa kanya.Tila kinurot ang puso ni Ana.. at sinisi ang sarili..

Si Hector man ay walang salitang makuha para magpaliwanag .Matapos nito ay nagyaya ng umuwi agad si Ana. Nang malapit na sa bahay nila Ana hinawakan ni Hector ang kamay niya

Hector : “ Ana, let me explain pls”

Ana: “wala kang dapat I explain”

Hector: “ dina na tayo mga bata Ana, alam kong alam mo na gusto kita”

Ana: “ bakit di mo agad sinabi? “ naiiyak niyang sabi

Hector: “natatakot kasi ako, baka layuan mo ako”

Di na makapag salita si Ana, bigla nalang tumulo ang luha nito

Ana: “ hayaan mo muna ako makapagisip”

Patalikod na si Ana nang bigla siyang niyakap ni Hector..

Hector: “ Ana pls, alam kong mali ako, pero mahal na kita , di ko din alam kung bakit ganito at kung paano nangyari ang lahat , hanggang sa di ko na mapigilan ang sarili kong mahalin kita..” naiiyak na ding wika nito.

Dahan dahang umalis sa pagkakayakap ni Hector si Ana, lumakad papasok ng bahay at pininid ang pinto.

 

Di na mapigilan ni Ana ang sarili sa pagiyak… nakita siya ng kanyang Ina

Walang ano ano ay niyakap siya nito.. “Anak, dina ako magtatanong kung ano yan, pero kaya mo yan, nandito ako hija”  wika ng kanyang  Ina na lalong nagpahagulhol ng iyak kay Ana.

Tunog ng tunog ang cellphone ni Ana, ganun din ang linya ng telepono nila, ilang text din ang kanyang natatanggap.. pero di ito sinasagot ni Ana.

Ayaw na halos bumangon ni Ana, pero kailangan nya pa din magtrabaho, pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman. Oras na ng uwian, ng palabas si Ana mula sa opisina  nakita niyang naghihintay sa kanya si Hector.

Pilit nya itong iniwasan, pasakay na siya ng kanyang kotse ng pigilan siya nito.

Hector: “Ana pls, kausapin mo ako”

Ana: “wala tayong paguusapan”

Hector: “ Meron.. mahal mo ako diba? Alam ko yan, nararamdaman ko yan”

Nang marinig ito ni Ana dina nya mapigilan ang sariling  mapaluha at sagutin ito ..

Ana: “ Oo, OO mahal kita,noon palang mahal na kita, bata palang tayo mahal na kita, at ngayon.. mahal na mahal na kita  ”

Niyakap siya ni Hector..

Hector: “ bigyan mo ako ng pagkakataon Ana …”

Pero inalis ni Ana ang yakap na iyon ni Hector at tinanong ito

Ana: “ bibigyan kita ng pagkakataon? Ikakasal kana Hector.. kaya mo bang iwan si Rhea para sa akin?”

Walang sagot si Hector, hilam na ang mata nito sa luha..

Di na nagsalita pa si Ana , bunuksan ang pinto ng sasakyan at iniwan na si Hector., sa side mirror ng kanyang kotse nakita nyang umiiyak si Hector na nakatingin sa kanya na palayo..

Nagfile ng leave si Ana. Nagbakasyon muna siya , nais niyang lumayo kay Hector para makapagisip.Ngunit namimiss nyang lalo si Hector. Nkatanggap din siya ng tawag mula sa knyang Guro, isang linggo nalang kasi ay reunion na nila, plantsado naman na ang lahat para sa event na iyon.. sabi niya na di nalang siya dadalo, pero di siya pinayagan ng guro nya..kayat walang nagawa si Ana.

Alas Syete ng gabi simula na ang reunion, bihis na bihis ang lahat .. formal kasi ang event, nakacocktail dress ang mga babae, ang mga kalalakihan naman karamihan ay nakacoat and tie. Si Ana ay lutang na lutang ang ganda sa isang white tube top cocktail dress..Naging maayos naman ang takbo ng programa, isa si Ana sa mga emcee ng event, sa buong event isang tao ang hinahanap ng kanyang mata si Hector..

Wala si Hector sa pavilion, naisip ni Ana na marahil dina ito darating dahil sa nangyari sa kanila.. Nagkakasiyahan  na ang lahat, may mga sayawan din. Bigla may lumitaw sa harap ni Ana..pagtingala niya namukhaan nya ito.. si Cecilio ang kababata niyang nanligaw sa kanya noon, niyaya siya nitong sumayaw, pinagbigyan naman niya ito.

Maya maya ay may biglang lumapit sa kanila, si Hector, hiningi ang permisyon ni Cecilio para maisayaw siya, nagpaubaya naman ang huli.Lalo itong gumwapo sa suot nito at mas lumitaw ang angkin nitong kakisigan, ayaw sana makipagsayaw ni Ana, ngunit hinapit siya nito sa bewang at inilapit sa kanyang dibdib.. wala nang nagawa si Ana.. sabay ng tugtog na You and I .. sumayaw sila..

Bumulong ito sa kanya, “ang ganda ganda mo naman ngayon.. “

Di kumibo si Ana, sa mga oras na iyon ,kahit na tumututol ang isip nya,kasabay ng tugtog ay sumasayaw sa saya ang puso nya.. namiss nya si Hector.yun lang ang alam nya sa mga panahong iyon, at ayaw nyang mawalay dito sa sandaling iyon.

Nang matapos ang Tugtog, tapos na din ang pantasya, balik sa katotohanan,

Bumitiw na si Ana sa mga braso ni Hector.

Ngunit hinila siya ni Hector,palabas ng pavilion,napatingin nalang ang lahat sa kanila at wala ng nakapigil pa.  sinakay siya nito sa kotse..

Ana: “ Hector ano ba, di pa tapos yung Event..”

Hector: “tapos na yun, kanina pa ako naghihintay na matapos yung program, kaya na nila iyon”

Ana: “ibalik mo na ako dun , pwede ba?”

Hector: “ hindi Ana.. pag ibinalik kita dun di  mo na ako makikita ulit”

Dina nakapagsalita pa si Ana,tahimik lang sila habang nagddrive si Hector, naiiyak si Ana, pero pinipigilan niya ito.. Nakarating sila ng Antipolo sa bahay bakasyunan nila Hector.

Inalalayan siya nito paakyat, ayaw sana sumama ni Ana

Hector: “ di ka aakyat , o kakargahin kita papanik? sige ka madaming palaka dyan” nakangiting  wika nito

Alam kasi nito na takot siya sa palaka.Walang nagawa si Ana kayat pumanik na din..pinagtimpla siya nito ng kape..

Hector: “ kape tayo ha malamig e,sabagay pwede naman kitang yakapin” pilyong biro nito

Ngunit seryoso si Ana, di pinansin ang biro na iyon n Hector.

Ana: “ pwede ba Hector iuwi mo na ako sa amin ngayon na..”

Naiiyak na si Ana.. kinuha nya ang cellphone niya para tumawag sa kapatid at magpasundo ngunit nilapitan siya ni Hector at kinuha ang cellphone nito..nagalit si Ana.

Ana: “Ano ba Hector, kung ano mang laro to, tigilan mo ako, dahil di ko hahayaan na mapaglaruan mo ang puso ko.”

Umiiyak na si Ana sa halong Galit at sakit ng damdamin, nilapitan siya ni Hector at niyakap ng mahigpit, pilit na kumakawala si Ana, pero mas hinigpitan ni hector ang yakap nito sa kanya..

Hector: “ diba sabi ko bigyan mo ako ng pagkakataon?”

Ana: “ wala na tayong pagkakataon Hector” umiiyak na wika nito

May kinuhang maliit na kahon sa Hector sa kanyang bulsa at pagbukas nito ay may sing sing na inilabas..

Hector: “ will you marry me Ana?”

Ana: “pero pano na si  Rhea ? Gulat na sabi nito

Hector: “ nagsabi na ako kay Rhea, di na matutuloy ang kasal namin..maayos naman kaming nagkausap “

Ana: “pero……..”

Di pa natatapos ang salita ni Ana ay hanalikan na siya ni Hector.. isang halik na puno ng pagmamahal…matapos nito

Hector: “ Ano ipapamigay mo ba ako ako?, alam ko naman na ang tagal mo akong hinantay diba?” nakangiti itong nakatingin kay ana..

Ana: “ may magagawa pa ba ako? “

Hector: “ is that a yes?”

Ana: “ YES” habang nakangiti…

Binuhat siya nito sa sobrang tuwa at muling hinalikan ng buong pagmamahal…


2 members think this post is SULIT!

View message logs
Locked | Report Report
posted November 12, 2012 05:14PM
TheJury
TheJury
stars
Ultimate Sulitizen
1832 posts
  • Registered: Aug 27, 2011
  • Last Access From: Philippines
Dahil hinanap ko yung lyrics na ginawa ko sa email, nakita ko tong story na ginawa ko para sa wife ko nung nag aaral pa siya. Project niya to bale..

"Against the sky"
I've read in a book of short stories about an eagle egg who fell off it's eagle mom's nest down into a hen's nest just right down the eagle's cliff. The hen was unaware of the eagle egg who got mixed up with the rest of her eggs. The eagle egg hatched one day along with the other chicks and grew up along with them very well. Everyday, the eagle would dig into the dirt looking for worms to eat just as the rest of the other chickens do. And everyday, the eagle, who thought he was a chicken, would look up upon the sky watching the eagles fly by with utmost beauty and magnificence wishing that he was one of them too.
When i graduated high school. i didn't know what degree to take up in college. Most of my classmates are passionate about taking up computer courses and engineering but for some reason, i really don't. For the sake of having an answer when asked by my high school teachers, i tell them that i will take up computer programming.
Then came the time for enrollment and i have no other options but to enroll myself and get the course that is really not what i like. I took the course because i have to but not because i want to. I can't see myself in the future sitting in front of a computer doing some computer stuffs for a specific company. But then, i really have no other choice. I just don't know what to do after high school. I know i have to stay in school and do something. Something that would shape me into someone in the future which would be useful for the economy and hopefully make a difference.
College was really fun. My classmates are really good and i've had a lot of good friends. Some of them had stayed, some gone, but in my heart and my mind, they will always be remembered because, i should say, that they have all been a part of my life and i know that we will never be apart.
I indulge myself into focussing on my studies, not really for the sake of having a good career in the future that would be in line with what im doing right now, but just to keep myself busy. I ended up on top of my class to my own surprise which made my mom really proud and happy of what i have accomplished in school. She bragged to almost everyone she knew, specialy to our relatives, that i will graduate as a suma cum laude. This made her really happy and for some unusual reason, it made me very happy too. At least for once, after everything that i've done in school, given that i really don't like it, i have become really happy. This is because i've made my mom very happy and proud and this made me happy too. It is then that i fully realized what they meant when they said that only in giving can one be truly happy. Just by looking into my mother's eyes give me an undescribable feeling of happiness and to add up to this happiness is the reason behind her being happy is me. I will never forget when she told me that the sweetest thing that she ever heard in her life is when people tell her that she had a very wonderful son and that she's really lucky to have a son like me. My mom also said that her heart was really overflowing with pure joy upon hearing this. That nothing compares to hearing from other people how good her son is.
For once in my life, i found reason behind all the hardships that i did. Finally something good came up which became my consolation and is the best that i could ever ask for. My mind is now set to every student's dream wherein one would go up the stage to shake hands with the universities' faculties and to finally get one's hand to a diploma. As for me, i was looking forward to handing my medal over to my mother on that day and never in my life i've found it so fulfilling and exciting.
Graduation day finally! Anywhere you look, you see happy faces with eyes glimmering like that of the stars. The whole auditorium is full of positive vibrations and spirit of triumph. As for me, nothing describes how i felt that day but pure happiness and excitement, and anticipation of giving the medal to my mother.
So it came to a point when i was up on the stage and waiting for my mother to put the medal on me. All the school faculties faces were blank as they gaze at me while climbing up the side stage stair. I looked aroung searching for the most familiar face who's also the first one i saw when i came into this world. It was my dean holding my medal and the one who put it on me and said "congratulations." The only word that came out of my mouth in reply to him was "why?"
The answer came to me in the hospital as i stare blankly at my mom's face who's eyes are now closed and would never see light again. The person that brought her to that hospital said that she was waiting for a cab when another vehicle, which breaks failed and would not respond to the driver, accidentally ran onto my mother. She died on the spot.
My mother was wearing her most favorite dress. A dress that she only wears for special occasions. She said it was given to her by my grandnother who also uses the same dress during special occasions. I remembered that she was wearing the same dress when i graduated high school. Now, it was all torn and soaked with her own blood and flesh. There's no way that she will be giving that dress to my future daughter now if ever i'll have one.
After having a reason behind everything that i did, even though it's not what i really wanted but still did because it's the right thing to do, it was taken away from me. The only person that was really happy for my accomplishment was not able to bear witness to what every parent had been dreaming of. The only reason and is the same person lying dead in front of me right now who made me happy was taken away from me. My mother who took care of me from the moment that i breathed life and who had always held my hand was not able to see the outcome of all her labor that every mother call love.
How i clenched my fist and gritted my teeth that night. I almost squeezed out the blood in my hands as i clamped them really tight. I cursed everyone. I cursed the cab driver who ran onto my mother. I cursed the nurses and the doctors for not taking care of my mother. I cursed all my teachers for coming up with this stupidcommencement. I cursed myself for having achieved something that had caused my own mother's death. I blame everyone for her death. I cursed God and blame Him for her death. I renounced my faith and my religion that day. For how can God, after finally giving me a life, in an instance took it away from me?
My mother had been so faithful to God. She would always pray to Him every moment of her life. I would always hear her say that she hope Jesus would come into our world now. She would always take me to church on sundays and all the other eucharistic celebrations. I've always love the songs and the smell of incense in the church but i have actually never listened much to what the priests are saying. I never understood them. How i've tried so hard not to fall asleep whenever i am inside a church is really unbelievable. Now that one of my mother's prayers was answered through me, God took her life and didn't even let her live through the night. The priest during my mom's funeral said that not all death are God's will. Sometimes it's due to our own negligence. For the first time in my life, i finally learned something from a priest. From now on, i will take matters in my own hand and not submit to God's will. As long as i don't do any harm to others, everything will be fine.

I live on with my life taking matters in my own hand and not relying to God. It's not that i didn't believe in God, for some reason, at the back of my mind, i know that a supreme being exist, it's just that i don't follow or live what was known as the Christian way of life. I worked as an IT executive which pays really good. I renovated my mom's house and got everything that i wanted. I got everything that everyone wanted. Nice house, cars, good food, i can buy pretty much everything that i wanted and can eat any food that i wanted and wherever i want to.
But there were those nights, before i went to sleep, that i always felt alone and empty. Despite all the things that i have around me, i just can't seem to be contented and i seem to want more and more but still nothing satisfies me. I've always worked so hard to get more money thinking that this would provide me with what i was looking for and make me feel contented. But nothing really satisfies me with what i was doing. I was so exhausted and drained out that what i was doing really means nothing to me or to anyone.
One night, memories of my mother came back to me vividly as if she were alive and still with me. I think of how she would've been now or how my life should've been when i'm with her. I went to her room which i've always kept clean and well maintained as if one day she will come back home. I opened her windows just to let some fresh air come into her room. I noticed a book which pages are now being turned by the wind. It was a book that my mother always read when she was alive. I remembered as a kid when i asked her what book she was reading and said that she was reading the word of God. That if we listen very hard, we can actually hear God speaking right to us. I went to where the book was which used to be my mom's altar and noticed a statue of a crucified Jesus. His arm's were spread wide open and nailed to a wooden cross, wounded and drenched in blood. They said that he died to save blood. they said he died to save us all from sin...to save our souls from damnation and onto salvation and eternal life. I thought to myself that he died simply because he was killed. He was nailed to the cross and speared right through His body and got killed.
I then looked upon the book called the bible right down to where the cross was. I read through it and come across a passage that said:
"ask and you shall receive, seek and you shall find, knock and it shall beopened onto you."
My attention was suddenly caught up to what i was reading. For that time, i've realized that i was looking for something but can't seem to find it no matter how hard i tried. Then i asked, "who should i ask? Who should i seek? And which door should i knock?"
Then another passage on a different page came up which read:
"Cast your burdens upon me, those who are heavily laden. Come to me all of you who are tired of carrying heavy loads. For the yoke i will give you is easy and my burden is light. Come to me and i will give you rest."
My tears suddenly came bursting out of my eyes. For the first time in my life, i felt the presence of God and i felt Him speaking directly to me. All the stubborness in my heart melted and i felt an emancipating heat coming out of my being. I felt what it seemed to me the feeling of enlightenment. That night, i knew that my mother's prayer came true, that Jesus came back and knocked into the door of my heart.
Then the statue of the crucifix caught my attnetion again. A realization came in to me that that the reason why Jesus died is because of what he'd done for the people. He was killed because he thought people of what our way of life should be which not everyone accepted. He fought against political leaders during His era which didn't believe in what Jesus was preaching. With this, he made the ultimate sacrifice which cost him his life. What better sacrifice can there be than offering our own life.

"Brothers and sister's who are here with me today, from being an executive manager of a huge company, i am now talking with you today in front of this church as Father Rokairi Cavalera. I have made my decision after that night to offer my own life in service to our Lord and become a priest. This was the best decision that i've ever made in my whole life and finally, i found what i am looking for and i found my place in this world which is with our God." Father Rokairi told the crowd who had attended his mass.
Everyone inside the church was astounded and was impressed of what the priest have undergone and commended him for the courage he did in entering the religious life and gave up all his wordly belongings.
"To continue my story about the eagle's egg who got accidentally mixed up with the chicken egg..." Father Rokairi continued and went back to his podium now,,, "the eagle thought he was one of the chickens without knowing that he is an eagle."
People inside the church were laughing silently becuse they found the idea funny but true.
Father Rokairi continued with his homily. "Like everyone of us that were born into this world, we are all meant to fly really high towards the sky. God created us and gave us this gift we call life to live it to the fullest and soar up high in the air. But sometimes, we took things on our own hands that made us forget who we really are. That we are children of God. We became very busy with things in life digging into soil to find worms that we thought would satisfy our needs. Because of this, we forgot who we really are. Jesus came into this world to let us all know that God wanted to win us back into his loving arms again. We were lost and Jesus showed us the way back to our father. Let it be known to everyone here today, the very words of Jesus, that man does not live by bread alone but by the word of God."
Father Rokairi raised both arms sideways and looked upon all the parishioners inside the church and said, "this is the word of our Lord."
Locked | Report Report
Need support? Need help? Back to top ▲